Mystery Girl

1.4K 23 5
                                    

~ Matatapos na ang Summer, pero bakit ang dami dami pa ding BEACH?! *IfYouKnowWhatIMean* 

Kaya tuloy hindi ko kinahiligan ang pagsi-swimming. XDD

_____________________________________________________________________________

“Uy sigurado ka bang di nya tayo nakikita?”

“Ang alam ko, two-way mirror to eh.”

“Sinong nagsabe?”

“-___________-“

 “Biro lang. Ganun din alam ko. Hehe”

 [ Takte, kinabahan ako. Nakalimutan ko kase kung panu ko nalaman yung tungkol dun. ]

“Pero panu nga kaya kung hindi? Na sa tagal mo na syang minamatchagan dito, ayun pala nakikita ka nya.”

“Di yan.”

[ Kunyare, cool pa din ako. >__< ]

Lagot! Kung totoo man yung sinabe ni Kyle, lagot talaga ako! Ang sama ata ng term na matchagan. Parang stalker naman ang dating ko pag ganun.. Hmm, hindi nga ba? Eh ano palang tawag sa ginagawa ko at baket kailangang pasikreto??

Hindi ako stalker, masyado ko lang naappreciate yung mismong SYA. Maganda, maputi, mayaman at bonus na lang na sexy at makinis pa. Physical appearance pa lang jackpot na. Partida di ko pa sya nakakausap ng malapitan.

Sinong bang hindi magkakagusto sa tinuturing ng lahat na Campus Crush / Famous?

Dati naman, hindi ako naniniwala na may ganun. Akala ko arte o pauso lang ng mga estudyante. Pero simula nung mag-aral ako kasama sya sa iisang school, dun ko lang napatunayan na nangyayare nga talaga.

Yung tipong bawat galaw, salita o ikilos nya may positive at negative na impact. Sinasadya nya man ito o hindi malaki pa rin ang epekto sa mga taong nasa paligid. Maging yung mga taong humahanga o mga naiingget sa kung anong tinatamasa nya apektado.

Paano ko nalaman? Simple lang. Nangunguna at isa sa mga rason ay ang pagiging special nya kahet anong anggulo mo sya makita. Napakabilis lang para sa kanya na pahangain ang sinuman sa simpleng ginagawa lang. Charm / charisma ata ang tawag dun, ewan basta ang alam ko nag-uumapaw sya nun. :))

Habang tumatagal nga na nakikita ko sya, di na ko nagduda sa espesyal nyang kakayanan na yun. Nagawa ko kaseng humanga ng di sinasadya. Kaya eto sisiw na lang na mag-effort para puntahan at panuorin sya dito ng kahet ganito kaaga.

Samantala habang palihim na nanunuod pa din sa kanya..

*Biglang may nabunggo si Kyle na kung ano at gumawa ng malakas na ingay*

Hindi ko na tinignan kung napansin nya ba. Basta tumakbo na kame ng mabilis para kung sakaling narinig nya atlis nakaalis na kame.

“Hoy Kyle! Yari ka talaga saken kapag nalaman nya yung tungkol sa sikreto ko. ~___~”

-----

Kinabukasan..

Martes ganun pa rin. Ang aga ko gumising para pumasok sa school. Siguro nakasanayan na din kahet walang dahilan. MWF lang naman talaga ang praktis nya eh. Haha

Kagaya ng inaasahan, wala pang gaanong tao. Kaya tuloy naisipan kong mag-ikot ikot muna.

Mula school gymnasium, auditorium, computer lab, science lab, music room, library hanggang canteen nadaanan ko na. Pwera na lang sa huli at paborito kong lugar.. ang dance room.

Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now