Inuman Session

1.7K 25 6
                                    

Hi! Kamusta? Anong mood mo ngayon?

Malay mo pareho tayo. (((:

_____________________________________________________________________________

“Ha? Anong meron?” [ Reply ng isa sa mga kabarkada ko. ]

“Kelangan ba lage may okasyon?”

“Hindi naman. Kakapanibago lang.”

“Anong bago dun?”

“Yung ikaw mismo ang mag-aya.”

So, ayun nga. Halos di pa kame tapos mag-usap ni Athena tinext ko na mga kaibigan ko. Inaya ko silang mag-inom ngayon. Gulat man dahil di nila ako kilalang manginginom, napapayag ko din sila.

Ako nga pala si Bogs. Sa mga nakakaalala pa, ako yung pinsan ni Third Salvacion sa Book1. :)

3rd year Law student sa isang kilalang university. At bilang presidente ng isa sa mga organizations sa school, masasabe kong may nagawa na ko para sa kapakanan ng iba.

Sa inuman..

“Hoy Bogs! Kala mo di namen napansin na nung isang gabi ka pa hayok sa alak.”

“Oo pre, ano ngang meron?”

“May problema ba?”

[ Panung hindi nila mapapansin eh nung foundation night pa lang inaaya ko na sila. ]

Nandito kame ngayon sa condo ko.. Paalala : Di porket may condo mayaman na agad. Parents ko nagbabayad :)))

“Walang problema. Gusto ko lang magpahinga muna. Nakakapagod ding maging presidente.”

 “Akala mo naman pinamumunuan mo na ang buong bansa kung makapagod.”

“Kahet naman maliit na organization lang yun nakakaubos din ng lakas.”

“Edi sinasabe mong stressed ka?”

“Hindi naman. Gusto ko lang magpalipas ng..”

[ .... Sama ng loob?! Haaaay. ]

“Magpalipas ng ano?”

“Wala. Sabe ko gusto ko mag-relax muna.”

[ Kung sana madali lang magsabe sa mga to. Pero hindi, nevermind na lang. -_____- ]

“Akala namen may problema ka eh. Pwede naman naten pag-usapan, alam mo na.”

“Hindi, wala nga.”

[ Sabay tungga ng unang bote. Mejo mapait at gumuguhit. Aw ]

“Sige na nga, wag na naten tanungin tutal sagot nya naman lahat to.”

“Oo baka pagbayadin pa tayo.”

“Hahahahahahahaha” [ Pinagtawanan pa ko ng mga loko. ]

Balak ko lang talaga eh may makasama ngayong buong araw o kahet gang gabi pa. Gusto ko ng kausap lasing man o matino. Ang importante yung maiintindihan ako at sasabihin ang totoong dapat na gawin at maramdaman ko.

“Palagay ko may problema yan sa babae.” [ Singit ni Kyle. ]

“Ha?” [ Nabiglang sagot ko. O____O ]

“Hindi pala palagay, sigurado ako.”

Si Kyle ay isa sa pinakamatagal ko ng kabarkada. High school pa lang kase magkaklase na kame tapos ngayong college sinundan pa ko sa course ko. Haha. Sya yung tipong mukang nerd pero gwapo [ syempre katulad ko XD ], puro aral ang nasa isip, mapagmasid at malakas makaramdam. Ganun sya. Ang totoo nga nyan, isa rin sya sa pinaka-close at tinuturing kong kapatid ko na. Kahet tatahi-tahimik lang sya madalas, marami na kong napagdaanan na sya yung nakasama ko.

Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now