Hindi naman nagkulang sila sisters na palakasin ang loob ko sa tuwing nangyayari ang bagay na 'yon. Lagi silang nakadamay sa akin kaya kahit kailan, hindi naging mahirap bagay na 'yon sa akin. Isa pa ay hindi na ako umaasa na mayroong pipili sa akin.

Isa lang ang inaasahan ko, ang makita ang nag-iisang pamilya ko.

Tama nga ang naging desisyon ko na maghintay dahil hindi ako binigo ng buhay. Ang akala ko buong buhay na akong mananatili sa orphanage, pero dumating si Ate.

Ngayon araw nga ay yakap yakap ko na siya. Ang higpit, ang sarap sa pakiramdam na talagang matatawag ko siyang isang pamilya. Nangako ako nang araw na 'yon na gagawin ko ang lahat huwag lang maging pabigat kay ate Harrietta.

Para siyang isang anghel. Ang ganda ganda niya. Mayroon siyang matamis na ngiti sa labi, magandang bukas ng mga mata at ang sarap sa tainga ng boses niya. Bawat salita na lalabas sa bibig,hindi maaaring hindi mo siya pakikinggan. Hindi niya manlang ako kayang pagtaasan ng boses kahit na minsan ay hindi inaasahang nakagagawa din ako ng pagkakamali.

"Huwag kang lalabas dito, Erriah. Bawal kang lumabas, okay? May mga libro diyan sa itaas ng aparador. Kung gusto mong magbasa ay kunin mo lang ang mga 'yon. Gusto man kitang isama sa labas ay hindi maari. Dadalhan nalang kita ng pagkain para mamaya, okay lang ba 'yon?" yan nanaman ang bilin ni ate sa akin.

Nandito kami sa Cebu dahil dito ang nakuha niyang trabaho. Nakilala ko rin ang dalawa naming kasama sa kwarto na sina ate Shel at ate Lane. Maganda kasama si ate Lane samantalang tahimik at medyo ilap naman si Ate Shel. Medyo madaldal at galawgaw kasi si ate Lane. Ang dami niyang alam na biro at kabaliwan kaya minsan ay nahahawa ako sa kaniya kaya napandidilatan ako ng mata ni ate Harrietta.

"Bakit hindi ako pwedeng lumabas? Bakit kapag may pasok lang ako pwedeng lumabas?" Tanong ko kay Ate. Sinasabihan at pinapayuhan parin niya ako tungkol sa hindi ko pwedeng paglabas ng kwarto namin, baka raw makita ako. Samantalang sa pagkakatanda ko ay nakita na ako ni tita Lea. 'Yong matandang babae na mukhang masungit pero hindi naman. Naaalala ko sa kaniya yung kontrabida sa Princess Sarah, mayroon siyang ganoong awra, pero mabait si Tita Lane kahit na kaunting strikto ito.

"Basta, Erriah. Kapag nainip ka sabihan mo lang si Shel,okay? Nandito lang 'yan hanggang mamaya dahil masakit raw ang pakiramdam" umalis na rin pagkatapos magbilin si ate. Dala niya ang walis na kinuha pa nito kanina sa storage room.

Ilang minuto rin akong nanatili doon nang tingnan ko ang mga librong sinasabi ni ate. Puro educational books ang mga 'yon. Pang-elementarya pa yata ang mga 'yon. Nasa highschool na ako at tapos na ako sa mga topic na ganoon kaya naman naghanap ako ng mga iba pang libro.

Nakita ko ang mga maliliit na libro ni ate Lane na nakapatong sa lamesa nito. Lagi ko s'yang nakikita na binabasa ang mga 'yon bago ito matulog tuwing gabi. Inabot ko ang isa at naguluhan ako nang mabasa ang pamagat ng maliit na libro.

Things you should know about s*x

Binuklat ko 'yon at halos mapasigaw ako nang bumungad sa akin ang isang larawan. Lalaki 'yon na hubad baro habang ang nasa gitnang parte ng hita nito ay may larawan pa sa tabi. I swallowed hard, parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko. Marahil ay nabigla sa nakita ko.

Alam kong hindi ko dapat ginagalaw ang ganoong klaseng libro pero kinain nanaman ako ng kuryosidad ko.

Mabilis ko 'yong tinago at inilagay sa aking bag. Kailangan kong basahin 'yon pero hindi dapat dito. Baka mapagalitan ako ni Ate. Ayoko pa namang nagagalit siya sa akin. Kinuha ko naman ang isa at iba na ang klase ng libro na 'yon. Isang nobela.

Kiss me endlessly

Marami pa doon na mukhang nobela na. May lalaki at babae lagi ang nasa cover ng mga libro. Medyo napangiwi pa ako dahil kakaiba ang mga 'yon sa mga librong binabasa ni ate sa tuwing Linggo at wala siyang ginagawa.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang