69: Possessive

456 18 3
                                    

Nayeon's Pov:

Nag-aalala ako na baka kung saan na nagpunta si Dahyun. Sinusubukan ko siyang paaminin kung nasaan siya ngunit hindi parin niya magawang sabihin.

Minabuti ko na lang na hintayin siya sa classroom. Hindi siya umattend sa first class namin. Napalingon ako sa upuan ni Sana. Wala rin siya. Di kaya magkasama sila?

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang manghimasok ni Sana sa relasyon namin ni Dahyun. Wala naman siyang ginawang tama eh. Pinalalala niya ang mga bagay-bagay.

Wala naman kaming problema ni Dahyun pero iniisip niyang meron. Pakiramdam ko gusto niya talagang magkahiwalay kami eh. Kapag nangyari 'yon, magagawa na niyang makuha si Dahyun.

Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi pwede. Dahyun is mine. Wala akong ginagawang masama. Hindi siya magtatagumpay sa kagustuhan niyang maagaw si Dahyun.

Hinintay ko si Dahyun sa bahay. Kailangan naming mag-usap. May kailangan akong linawin sa kanya. Hindi ko gusto ang natanggap kong picture sa phone kanina. Hinding-hindi.

"Nayeon, I'm here." Napalingon ako kay Dahyun na agad na pumasok sa kwarto ko.

"Mabuti naman dumating ka na."

"Ma--May problema ba?"

"Ano sa tingin mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagmamaang-maangan ba siya o hindi talaga niya nagegets?

"You should talk." Sambit ko sabay lapit sa kanya.

"About what?"

"I'll let you explain." Sabi ko bago ipakita sa kanya ang picture sa phone ko.

"A--Anong dapat kong i-explain diyan? Saka, paano ka nagkaroon ng picture namin ni Sana sa rooftop?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko alam kung sinong nagsend sakin nito. Hindi na mahalaga kung sino. Ang gusto ko, mag-explain ka kung anong meaning ng picture na 'yun."

"H--Huh? It's just a simple picture, Nayeon. Naguusap lang kami ni Sana."

"Ni hindi mo sinabi sakin kung nasaan ka kanina pero kay Sana, nagawa mong sabihin. Ang unfair nun, Dahyun. Mas gusto mo ba siyang makasama kaysa sakin?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Hindi ko sinabi sa kanya kung nasaan ako. Nahanap niya ko."

"Nung mahanap ka niya, hindi ka man lang gumawa ng paraan para mapalayo sa kanya? Diba gusto mo munang mapag-isa kanina. So bakit magkasama kayong dalawa? Anong ibig sabihin nun? Nagsasawa ka na sakin? Mas gusto mo na siya?!"

"Nayeon, nagseselos ka ba?"

"Natural na magselos ako. Ako 'yung dapat na kasama mo kanina, hindi siya. Ako 'yung dapat na nasa tabi mo, hindi siya. Ako dapat."

"Gagawin ba nating issue 'to?" Tanong niya sakin.

"Kim Dahyun, stay away from Sana."

"Ano? Hindi ko pwedeng gawin 'yun. Kaibigan ko si Sana. Kaibigan natin siya. Ano ka ba, Nayeon?"

"Kaibigan pa bang maituturing ang tulad niyang gagawin ang lahat maagaw ka lang sakin? Tsk."

"Wala siyang ginagawang masama, Nayeon."

"Wala rin naman akong ginagawang masama ah. Pero bakit kung husgahan niyo kami ni Jeongyeon, akala niyong nakagawa kami ng malalang kasalanan. Ano?"

"Nayeon, hinusgahan ba kita? Sinabi ko bang nagloloko ka? Nagsalita ba ko ng masama tungkol sa inyo ni Jeongyeon? Sinabi ko bang layuan mo siya? Aminado kong nagseselos ako pero hindi ako 'yung tipo nang basta-basta maghihinala ng masama. Pinili parin kitang paniwalaan. Hanggang ngayon, naniniwala parin akong hinding-hindi mo ko sasaktan. Diba? Hindi mo naman ako sasaktan? Tell me. Answer my question." Naluluhang sabi niya sakin. Nakaramdam ako ng kirot habang pinagmamasdan siyang halos maluha na.

Hindi na ko naghintay pa ng kung ano. Hinila ko na siya palapit sakin para sa isang mahigpit na yakap.

"You're mine, Dahyun. Only mine." Mahinang bulong ko sa kanya.

"Pwede naman nating maayos 'to sa paguusap eh. Kailangan ba talaga nating magtalo?" Naluluhang sabi niya kaya maa hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Ayoko lang na maagaw ka ng iba. Hindi ko kakayanin." Bulong ko sa kanya.

"Hindi naman mangyayari 'yun eh. Alam mong ikaw ang mahal ko. Alam na alam mo 'yan."

"Simula ngayon, iwasan mo na si Sana."

"Ano?" Napatingin siya sakin.

"Gusto ko palaging nasa tabi kita. Magagawa mo naman yun para sakin, diba? Diba mahal mo ko? Choose me. Stay with me."

"Na--Nayeon."

"Alam kong kaya mong gawin 'yun para sakin. Please, Dahyun. Gusto kong makasiguradong hindi ka susuhulan ni Sana. Okay?"

"Ku--Kung 'yan ang ikasisiya mo, susubukan ko."

"Alam kong kaya mo. Kakayanin natin 'to ng magkasama." Dagdag ko sabay ayos sa buhok niya.

"I love you, Nayeon."

"I love you too, Dahyun." Niyakap niya ko nang mahigpit. Gusto kong makasigurado. Hindi ako makakapante kapag umaaligid si Sana kay Dahyun. Mas mabuti 'to para saming dalawa.

Isa pa, malapit na kaming mag-graduate. Gusto kong lubusin ang mga oras ko kasama si Dahyun. Sa huli, sisiguraduhin kong mananatili siya sa tabi ko. She's my happiness and my strength.

💐To Be Continued💐

A/N: Sorry, ngayon lang nakapag-update. Masama kasi pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Pagpasensyahan niyo na 'tong short update ko. Babawi ako. Fighting!

Vote.Comment.Share

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon