68: R o o f t o p

Start from the beginning
                                    

"Malapit nang magsimula ang klase. Tell me. Where are you?"

"Gusto ko munang mapag-isa."

"Pero---"

"Hayaan mo na muna ko, Nayeon."

"I'm sorry."

"Nayeon, see you later." Narinig ko sa kabilang linya si Jeongyeon. Magkasama parin pala sila.

"Dahyun, I'm sorry." Ini-end call ko na ang tawag.

End Call

Tumunog na ang bell para sa first subject ngunit minabuti kong magstay muna sa rooftop para mapag-isa.

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni Sana kanina. What if totoo ang sinabi ni Sana? What if may masama ngang balak si Jeongyeon? What if mas paniwalaan siya ni Nayeon? Anong gagawin ko?

Napayuko na lang ako dahil sa sobrang lungkot at pag-aalala. Pinagmasdan ko yung bracelet na ibinigay ni Nayeon. Kakayanin pa ba naming ituloy ang relasyong 'to?

"Kim Dahyun." Nagulat ako nang may biglang tumawag sakin. Hindi ko inaasahang matutunton niya ko.

"Sa--Sana." Pinunasan ko yung luha ko para hindi niya mahalatang umiyak ako.

"Sa wakas, nahanap rin kita." Hinihingal siyang lumapit sakin. Pawis na pawis siya't halatang pagod na pagod.

"Ba--Bakit nandito ka?"

"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." Umupo siya sa tabi ko.

"Ayokong nag-aaway kayo ni Nayeon. It's my fault."

"Seriously, Dahyun? Wala kang kasalanan sa nangyaring gulo kanina. Sa pagitan namin 'yun ni Nayeon."

"Pero ako parin yung reason kung bakit nagaway kayo."

"Tsk. Gusto ko lang namang ipaalala sa kanya yung mga bagay na dapat niyang pahalagahan. Ayoko lang naman na mahuli ang lahat." Sagot niya sabay tingin sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Wa--Wala namang ginagawang masama sila Jeongyeon at Nayeon."

"Alam kong nasasaktan ka sa tuwing pipiliin ni Nayeon na manatili sa tabi ni Jeongyeon. Naiintindihan ko 'yang nararamdaman mo. Nararamdaman ko rin 'yan ngayon eh. Yung taong gustong-gusto ko, nasasaktan dahil sa taong gusto niya. It hurts. Naiinis ako. Ayokong pinapaiyak ka niya. Please don't cry." Sambit niya sabay hawak sa pisnge ko.

"I'm---I'm okay."

"Hindi kita pupwersahing maniwala sakin. Gusto ko lang ipaalam na may masama talagang plano si Jeongyeon. Hindi ko alam kung bakit antanga-tanga ni Nayeon. Sorry pero 'yun talaga ang tingin ko sa kanya ngayon. Antanga niya." Napatingin ako kay Sana na halatang may sama ng loob kay Nayeon.

"Ha--Hayaan mo na. Kung totoo mang may masamang balak si Jeongyeon, hindi naman siya hahayaan ni Nayeon na magwagi eh. Kilala ko si Nayeon. Hindi niya ko kayang lokohin."

"Ayoko lang naman na masaktan ka sa huli. Ayokong ikaw ang maipit dahil sa namumuong kayabangan ni Nayeon. Hindi mo ba napapansin? Unti-unti na siyang nilalamon ng kasikatan niya. Pakiramdam niya kayang-kaya niyang gawin ang lahat dahil nakukuha niya ang lahat ng gusto niya ngayon." Dagdag ni Sana.

You Should TalkWhere stories live. Discover now