Last shot

570 25 4
                                    

Giedie

Kakatapos ko lang maligo at mag-ayos nang tawagin ako ni Mommy. Itinuro ni Mommy ang gate, kaya dumeretso ako roon. Nanalaki na lang ang mga mata ko anng makita ko si Kyle.

"Kyle." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay

"Uhmm... Sunduin daw kita sabi nila Cherry. " Pagrarason niya. Kita kong may bumabagabag sa kanya, pero 'di ko na muna pinansin. Nagpaalam na muna ako kina Mommy at Daddy.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko na naman nang nakaangkas na ako sa motor niya.

"Sa may mountain view park daw." Sabi niya. Hindi na ako nagtanong ulit. Alam ko namang iyona ng park sa paanan ng bundok. Medyo malayo, pero alam kong magiging worth it. Nakita ko na kasi sa pictures iyon.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kami. Wala lang din talaga akong maisip na sabihin ngayon. Lumulutang pa utak ko, kasi 'di ko rin nareplyan si Nate kagabi. Hindi ko kasi alam ang irereply!

Nawala na lang ako sa pag-iisip ko nang makitang iba na ang dinaraanan namin. Medyo pamilyar pa kasi ako sa lugar na ito, pero ibang ruta na ang tinahak namin.

"Teka. Ba't dito tayo dumaan?" Tanong ko. Matagal naman siya bago sumagot, alanganin pa nga ang sagot e.

"Uhh....Ando'n kasi si Mimi kaya dito ako sa long way dumaan." Natahimik ako bigla. Ah, sumibat na naman siya sa girlfriend niya. Tsk. Ba't parang naiinis ako?

Nang makarating kami sa pagtatagpuan namin ng mga makakasama naming papuntang mountain view ay nagulat ako nang tawagin akon Mimi ng isa sa makaksabay namin.

"Giedie. Giedie ang pangalan niya, Jet." Sabi naman nila Mikael at tinanggal ko ang helmet ko, para makita nila. Ngumiti pa ako sa iba nilang kasama na 'di ko kilala.

"Kala ko kasi GF ni Kyle." Ismid niya. Napaismid din ako. Bakit kamukha ko ba yo'n? Tsk. Alam ko mas maganda ako e. Tsk.

"Tara na nga!" Iritadong sabi naman ni Kyle. Mas nairita pa siya? Ako na nga pinagkamalang iba e! Hay.


Ilang minuto lang ay nakarating naman kami sa picnic area. And I am telling you, the view is just breathe taking. It's all green, the tall trees highlighted the brown roads that made it looked like a big treasure map.

I just stood at the edge of the cliff where the barricade is. The fresh air made my mind in peace, not in pieces. Hahaha

"Enjoying yourself?" Biglang tanong ni Kyle na tumabi sa akin. Tumango naman ako habang nakangiti.

"Yeah... Salamat dito ah, gumaana na naman pakiramdam ko." Ngiti ko sa kanya. Totoo naman, last night was a mess. I was in a mess again. With just one tinny tiny text, I went haywire.

"Halata ngang may iniisip ka kanina pa." Sabi niya, kaya pilit na ang naging ngiti ko.

I inhaled deeply and sighed. Saka ko kinuwento kung ano nangyari kagabi at kung paano napatunganga lang ako buong gabi.

"So di mo pa siya makalimutan?" Tanong niya. My eyes can't hide my sadness and my confusion.

"Hindi.... ko alam. Sa tuwing naalala ko kasi siya, nasasaktan lang ako. We broke up kasi pumunta siya sa ibang bansa and we can't keep up with each other. Iyon lang kasi ang rason, we never said we don't love each other anymore. Pero patagal ng patagal kasi, pasakit ng pasakit." Turo ko sa puso ko. Umiwas na rin ako ng tingin kay Kyle at bumalik ng tingin sa view.

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga at nagsalita.

"Kainggit naman siya."

"Bakit naman?" sabi ko pa at 'di pa rin tumitingin sa kanya.

Once upon a summerWhere stories live. Discover now