2nd shot

538 16 2
                                    

Giedie

Alas nwebe nang magising ako, kaya laking gulat ko nang abutin ko ang cellphone ko sa side table.

"10 messages? 5 missed calls? Galing kay Kyle?" Daig niya pa nanay ko ah. Paano, lahat ng message niya ginigising ako. Gumising na daw ako kasi naamoy niya na ang panis na laway ko, gumising na daw ako kasi may sunog. Hay. Kalokohan nito.

Agad naman akong sumalo nang makitang kumakain pa ng breakfast sila Lolo at Lola, andito rin ang Tito ko at mga pinsan ko. May kalakihan kasi ang bahay nila Mommy, idagdag pang napakasarap magluto ni Mommy. Kaya laging dito tumatambay ang Tito at mga batang pinsan ko.

"Giedie, aalis kami ng lolo mo ha. Ito oh." Biglang saad ni Mommy at nag-abot ng pera sa akin nang matapos kaming kumain. Nagulat naman ako ng 5k ang ibinigay niya

"Para saan po?" Tanong ko

"Baon mo, alam kong may lakad ka na naman e." Ngiti ni Mommy. Ay bigatin talaga sila Mommy, palibhasa kasi may farm sila. I am spoiled to them, so I didn't find it new.

"Thank you po." Pasalamat ko, pero 'di pa pala tapos roona ng ipagpapasalamat ko.

"GIEDIE!" Nagulat ako sa pagtawag ng kung sino sa main door ng bahay. My jaw dropped when I saw my childhood best friend, my chinita, pero morenang bestfriend, Kamil.

"Best!" I quickly hugged her.

"Pinapunta ko siya kasi alam kong namiss mo siya." Sabi ng Tito ko na nakatayo na pala sa gilid namin. Kaya naman humiwalay ako sa pagkakayakap.

"Thank you Tito!" I hugged him.

"Oh sige, pagkatapos mo humayo na kayo." Natatawang sabi ng Lola ko nang makitang sabik kami ng bestfriend ko sa isa't isa.

Agad kaming pumunta sa simbahan ni Kamil. The chick is religious, unlike me. I only go to church on Sundays, pero siya kasi nakasanayan niya na. Since doon pa rin siya nag-aaral sa Christian school.

Pagkatapos naming magsimba ay dumeretso naman kami sa restaurant nila. They owned a restaurant, one of the biggest in town. Family business na rin and I can say na de-kalidad talaga ang mga niluluto nila.

I have known her family for so long, actually close ako sa kanila. Parang anak na rin kasi nila ako, lalo na no'ng dito pa kami nakatira nila Mama. I used to eat here as often as I can, libre kasi, masarap pa. Hahaha

Hindi ko na rin namalayan ang oras at 'di ko napansin nan a-lowbat ang phone ko. Kaya pala walang messages or calls na nanggaagambala kanina.

Nang makauwi ako ay dumeretso ako sa kwarto at nag-charge. Laking gulat ko na lang nang pagbukas ko ay nakita ko ang 30 messages. Iyong iba ay galing kay Mama, but most of it are from Kyle. At talagang dinadaig niya pa Nanay ko ha. Tsk.

Pero para 'wag na mag-alala si Mama ay nagreply na ako kaagad.

Ma, I hang out with Kamil. Do'n kami sa kanila at 'di ko na charge phone ko. Sorry 'di ako nakareply.

I replied to my mom. And then I replied to Kyle.

Uy. SLR. 'Di ko nabasa mga messages, na-lowbat kasi phone ko. Kasama ko bestfriend ko buong araw e, 'di ko namalayan oras.

Nagmadaling maglinis na naman ako ng katawan at bumalik na sa kwarto. Saka ko lang nakita na tumatawag na agad si Kyle.

"Yes?" I asked

"I need someone to talk with." I quickly sensed his sadness. Problema nito?

"Something wrong?" Tanong ko at pumwesto sa kama

Once upon a summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon