Nag-kwento naman siya sa sitwasyon nila ng girlfriend niya ngayon. Nasasakal na daw siya kasi daw gusto no'ng girl na kung saan siya magpunta ay kasama ito. Kahit nga raw 'yong pagpunta lang niya para mag grocery kailangan isama niya pa ito. No'ng isang buwan niya pa raw ito pinoproblema. He tried to break up with her pero,

"Ano?" I somehow yelled on what he told me next.

Gumawa raw ng eskandalo ang babae sa park at sinabing nabuntis niya ito sabay hagulhol sa harap ng maraming tao. She's crazy , that's all I can say. Kaya /di niya maiwanan , oo mahal niya pa raw, pero nasasakal na raw siya. Hindi na nga raw siya nag-rereply sa text at tawag nito e. Kasi napapagod siyang makipag-away.

Nakinig lang ako ng nakinig sa kanya, mukhang kailangan niya lang kasi ng tagapakinig, pero nang tumahimik na siya ay saka ako nagkomento.

"Alam mo, ibang klase lang siguro magmahal ang girlfriend mo. May iba't iba kasi ng way sa pagpapakita ng pagmamahal ang babae e." Sabi ko pa

"Alam kong mahal niya ako pero, sumobra ata at nasasakal na ako." Biglang humina ang boses niya.

Napakamot na alng ako sa ulo ko. I already said my part, ayaw ko rin makialam sa kanila, kasi labas naman ako roon. At isa pa, may sarili akong problema. Hay.

Nagpatuloy ang routine namin ni Kyle na gano'n. Sa umaga kasama ko ang bestfriend ko at iba ko pang kaibigan, sa gabi naman siya tawag ng tawag. Isang linggo kaming gano'n hanggang sa mag-aya siya.

"Are you free today?" Tanong niya. Nasa bahay lang naman ako dahil wala si Bestfriend ngayon. Pero napapaisip ako, kasi first time ko kasi siyang makikita sa personal.

"Hmm. Bakit?"

"Kasama ko kasi si Mikael. Alam kong miss mo siya kaya baka gusto mong gumala kasama kami?" He asked. My smile widen, Mikael was one of my closest friend. He's a guy at masasabi kong guy bestfriend ko no'ng dito pa ako nag-aaral.

"Ay sige magpapaalam ako. Ay may iba pa bang kasama?" I questioned. Baka kasi 'di ako payagan kapag puro lalaki kasama ko.

"Ah..Yeah. Si Cherry."

" ....HI Giedie!" singit naman ni Cherry, one of my friends too.

"Great! Sunduin ninyo ako sa bahay. I'll be ready in 30 minutes!" Nagmamadaling sabi ko at naghanda na ng gamit, pero nagsalitang muli si Kyle.

"5 minutes. Nasa tapat na kami ng bahay mo e!" Sabi niya at saka ko narinig ang ugong ng mga motor na dumating. Shit! Seryoso?

"WAIT LANG!" Sigaw ko at dali daling nagbihis.

Paglabas ko nang pinto ng bahay ay nag-alangan akong tumitig sa steel gate. Kinabahan ako bigla, kasi ngayon ko pa alng makikita sa personal si Kyle. Pero andito na e, I inhaled deeply before going out of the gate.

Nakita ko kaagad ang dalawang pamilyar na mukha, the skinny Cherry hugged me tightly and Mikael messed up my long hair. "I missed you both."

Sabi ko pa sa dalawa, pero natigilan ako nang makita si Kyle. He stood still beside his motorbike holding a helmet. And deym! Totoo nga ang sinabi nila, malakas ang appeal ng siraulong 'to!

I heard how he charmed everyone in our group, I hear how flirted with girls, but it's no wonder now. He has that strong angular face, slightly chinito eyes and sexy thin lips. He is a damn charmer!

"Nagwapuhan ka na sak'in niyan?" He asked while smirking. Napabalik tuloy ako sa katinuan ko.

"Uhh, hindi ah! Nagtaka ako na ganyan pala itsura mo. Mukhang tao din pala. Hahaha!" I joked. Mas lumapad ang ngisi niya.

Once upon a summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon