Chapter 1

9.8K 173 2
  • Dedicated to Julie Ann Palomar Abbang
                                    

"Break na nga po kami!!" sabi ko habang umiiyak.


Niyakap niya lang ako, kaya lalo akong naiyak. 

"Shhh.." hinigpitan lalo ni mama yung yakap niya.

Oo, si mama.

Madalas akong maglabas ng sama ng loob sa kanya sa bahay. Kila papa?

Hindi pwede, lalo na sa mga bagay na ganito. Tsk, magkakaroon ng World War 3..

"Ano bang nangyari?" tanong sakin ni mama nung bumitaw siya sa yakap. Pinainom niya muna ako ng tubig para kumalma.

"Kasi po..."

*FLASHBACK*

Naglalakad kami ni Jessica, bestfriend ko, sa may hallway papunta sa may locker area, may naiwan kasi siya na, ewan ko ba.

"Hoy ikaw ha! Di ka na nagkwe-kwento tungkol diyan sa boyfriend mo!!" sabi niya habang naglalakad na may pang-aasar na tono.

"Ano ba! Di na nga kami madalas magkita nun eh. Pati sa text o kaya tawag minsan minsan na lang baka nga may—"

"Tamang hinala ka na naman eh. Kaya kayo laging nag-aaway" biglang singit niya.

"Siguro nga, hays"

Narating na namin yung locker niya nang biglang *KRINGGG* 

Nagsialisan na yung mga estudyante sa hallway at pumasok sa kanya kanyang room.


"Dalian mo nga!" sabi ko

"Eto na nga oh"

Pagkatapos niya, tumakbo kaagad kami at sa sobrang pagmamadali, nalaglag yung mga dala niya, nako naman oh *SAPOKSANOO* 

Syempre, bilang mabaet na BESTFRIEND *ehem* tinulungan ko siyang pulutin yung ibang gamit niya. Nung konti na lng yung natira, tumayo na ako then...

 *TEARDROPS*

"OMGosh!" narinig kong sabi ni Jessy sabay haplos sa likod ko.

Anong nakita namin? Yung BOYFRIEND ko at yung mukang pokpok na babaeng di ko kilala— kissing like there's no tomorrow, wow lang talaga! Nandun sila sa may gilid ng mahabang lockers di kalayuan (at di din kalapitan) sa kinatatayuan namin. Tumakbo ako, sinundan ako ni Jessy kaya huminto muna ako. 

"Please, I want to be alone" sabi ko sa kanya 

"Okay, text me okay? I'm always available, for you"

Tumakbo ulit ako papuntang main gate, walang mga guard kaya nakalabas ako. Nilabas ko yung phone ko and I type...

'Masarap ba siyang humalik?! HAHA!! Break na tayo!!' and with that tumakbo na ako pauwi while crying..

*END OF THE FLASHBACK*

Umiyak ulit ako, hinimas naman ni mama yung likod ko.

"Don't waste tears, my dear.."  Inaantok na ako.

"Goodnight, sweetheart. Sleep tight" sabi niya sabay kiss sa noo ko and BLACKOUT...

Revenge to my ExWhere stories live. Discover now