13. Sweet, parang true story.

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya. Parang kanina lang mangiyak-ngiyak na ako sa gutom pero ngayon, busog na ako sumubo lang siya.

Omg, his effect on me!

Wait, endearment! “Edi, ano…. Uhh…. Bebebes???” Omo, help me, anyone! I want a unique endearment! Honey kaya? Baby? Ay, mali. Bestfriend nga lang pala muna, excited naman ako masyado. Hihi. Prepare prepare din.

“Mandiri ka nga! Kumakain ako inuumay mo ‘ko!” sigaw niya.

‘Yan ang bestfriend ko. Oha?

Letch. “Kailangan natin ng tawagan, helloooo?!”

“Hiiiiii?!” he mocked.

Ugh. Sakit sa bangs nitong bestfriend ko. Ay, wala pala akong bangs. Makapagpa-bangs nga mamaya!

“Dali na kasi! Ikaw ‘tong nag-offer dyan, tapos ganyan ka!”

 

“Edi, binabaw—“

 

“Wala nang bawian! Period padlock no erase you cross my heart I’ll kick your bird!”

Kinunutan niya ako ng noo na parang may nakakadiri akong ginawa.

Hah! Ano’ng akala niya, nagbibiro ako? Seryoso ‘to! Walang bawi-bawi sa’kin, ‘no!

“Para kang tanga! Oo na! Bestfriend na, maiyak ka pa!”

 

OHHHHH—HEM—GEE!

Effective ang pananakot ko! OFFICIAL BESTFRIENDS NA KAMI! OMG, OMG!

“Kkkk!” makilig-kilig na napapangiti ako. We’re official na. Magpapagawa ako ng official fanpage namin sa facebook mamaya! Ite-trend namin ‘to sa twitter at ibo-broadcast ko ‘to sa pamamagitan ng bulletin!

“Dali na, ano nang tawagan natin?” kulit ko sa kanya.

Nai-imagine ko na kapag magkikita kami o magkakasalubong, lagi kaming magtatawagan ng endearment namin! Omg!

“Tekla.”

 

“Ano ba, Romano! Ayos naman! Ang baho niyan, e!” Tekla, my ass!

“Ayaw mo nu’n? Sa lahat ng mabaho ikaw ang pinaka-mabango.” He smirked pa.

Duh! Pampataas ng fighting spirit ba ‘yon?! “Ayaw ko nga nu’n! Ibahin mo!”

“Tsk. ‘Wag ka ngang makulit. Tekla sinabi, e.” Naiirita na siya. Nilapag na rin niya ang lunchbox ko dahil naubos—nasimot na niya ang laman nu’n. Takaw.

“Pero ayaw ko nga nu’n! Ibahin mo kasi!”

 

“TAKTE, SINABI NANG TEKLA NGA, E!”

 

Whoa…? “E, BAKIT SUMISIGAW?! HINDI NGA KASI AKO SI TEKLA!”

 

“PA’NO, ANG KULIT MO! TATAWAGIN KITANG TEKLA SA AYAW AT SA GUSTO MO!”

 

“NAMAN, WALA BA KASING MAS SWEET DYAN?!” Maiiyak na kasi ako sa teklang ‘yan, e. Ang sweet parang true story. Huhu.

“TEK, MUKHA BA’NG SWEET AKO?! ASA KA PA DYAN!”

 

Para tawagan lang naman, bakit ang harsh niya?!

Ayoko na! Bakit kasi pinigilan niya pa ako?!

“Nakakainis ka! I hate you!” Tumayo ako at aalis na nang biglang…..

“Zab!” “Beb/Beb!” “Hero!”

Napalingon ako sa mga bagong dating. Ang G6.

Ano’ng ginagawa nila rito?

“Oy, Zab. Badtrip ka?” puna sa’kin ni Gav.

“Gav!” Huhu. Si Gav na parang kuya ko. Lahat naman sila, pero si Gav pinaka-close ko nga, di ba. Tsaka si Tom, kaso mas nauna kong nakita si Gav.

Agad ko siyang nilapitan. Hindi ko nilingon si Romano. Nakakainis siya, grabe!

Nang makalapit na ako kay Gav. Katulad ng dati, akmang aakbayan niya na ako, nang bigla na lang….. nasa likod ko na pala si Romano at napigilan na niya ang braso ni Gav.

What?

Ano’ng ibig sabihin nito? At ano’ng ibig sabihin….. ng sinabi niya?

“Ohoy. May pagka-possessive ako sa bestfriend ko.”

                                                                   ***

A/N:

Pagpasensyahan nyo na po ang mga chapter titles ng story na ito.

UYYY. I LOVE YOU ALL SA SUPPORT!

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon