First Touch

32K 596 25
                                    

CHAPTER ONE

UMIKOT ang paningin ni Jared at halos hindi niya maigalaw ang kanyang katawan sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay nabugbog siya nang husto. Bumangga ang kotse niya matapos niyang iwasan ang malaking truck na biglang sumulpot sa intersection. Nagawa naman niyang umiwas pero bumangga pa rin siya sa puno.

Nakapa niya ang ulo nang may umagos na mainit na likido doon. Nanlaki ang mga mata niya. Dugo. Napangiwi siya nang sumigid ang kirot. At bigla niyang naalala si Kim.

Nataranta ang buong sistema niya. Nakita niya kung paanong binangga ng truck ang kotseng sinasakyan nito. Dali-dali niyang kinalag ang kanyang seatbelt. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito.

Nang makababa siya ng yupi niyang sasakyan ay kamuntikan na siyang mabuwal. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakatukod sa sasakyan.

"K-Kim..." Wala pa ring tigil sa pag-agos ang dugo sa kanyang ulo.

Pasuray-suray siya sa paglalakad. Hinanap ng kanyang mga mata ang kotse kung saan sakay si Kim.

"Kim!"

Puro puno at damuhan ang nakikita ni Jared. Hindi na niya alam kung saan siya nakarating sa paghabol sa asawa. Halos tumigil ang mundo niya nang makita ang nakabaliktad na kotse sa hindi kalayuan.

Binilisan niya ang paglakad. Nakita niya ang truck na bumangga sa kanila na nakatagilid sa kalsada sa hindi rin kalayuan.

"Kim!"

He got to save her. He got to save her no matter what!

"J-Jared..." Kim cried. "U-umalis ka na. I-iligtas mo na ang sarili mo..."

Nanghihina ang boses nito, senyales na hindi maganda ang malagay nito.

"No!" Jared groaned when he tripped and fell on the hard road. Halos gumapang siya para lang makuha ang kanyang balanse. Hindi niya makita nang maayos si Kim. Sana ayos lang ito. Kaunti na lang, malapit na siya rito.

"Alagaan mo ang anak natin..."

"N-nandiyan na 'ko, Kimberly."

"S-salamat sa lahat... Hayaan mo na kami..."

Naghimagsik ang kalooban niya. Mas lalo siyang naging determinado na iligtas ito. Pero ang katawan niya, ayaw namang makasama.

Sinalubong ng nakakasilaw na liwanag at nakabibinging ingay na bunga ng pagsabog ng sasakyan si Jared. Tumilapon siya at napaigik. Kim's image flashed his mind. He felt the side of his face and his arm burning. He had no time to feel all the pain in his whole being. Everything just went black.

NAPABALIKWAS ng bangon si Jared. He was met by his semi-darkened room. Mabilis ang kanyang paghinga at maging ang tibok ng kanyang puso. That dream again. Limang taon na ang nakararaan pero sariwang-sariwa pa rin ang lahat sa alaala niya.

He felt a stinging pain in his heart. Paano niya makakalimutan iyon kung siya ay may kasalanan kung bakit namatay si Kim? Kung hinayaan lang siguro niya ito noong gabing iyon, baka buhay pa si Kim at maligaya sa piling ng lalaking totoong minamahal nito.

Pero hindi siya ang lalaking iyon at nanaig ang pagiging makasarili niya nang gabing iyon. His selfishness killed his wife and her lover. Everyone kept telling him that it was not his fault. Paano niya paniniwalaan ang mga ito? Siya ang nakasaksi ng pagkamatay ni Kim noong gabing iyon. Siya ang nagdala rito sa ganoong kapalaran. Walang ibang dapat na sisihin kung hindi siya lang.

Sleeping With The Billionaire [To Be Published under Sweetheart Romances]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz