Chapter 3

6.4K 214 38
                                    

A. TUESCA

Late na ako sa klasi pero walang pagmamadali na lumabas ako sa bahay dala ang research paper na kakatapos ko lang ipaprint sa internet cafe. Wala akong sariling printer kaya hindi ko ito naprint agad. Ala una ng madaling araw ko na kasi natapos ito. Naglalakad ako palabas sa kanto namin nang may tumigil na motor sa tabi ko.

Hinubad ng driver nito ang suot niyang helmet. Ito yung babaeng hinahabol ko kahapon ah. Hindi ko siya nahabol. Ang bilis kasi nitong maglakad. Pagliko nito sa isang building, nawala na ito nang tuluyan sa paningin ko.

"Hi, need a ride?" medyo nahihiyang tanong nito sa akin. Alanganin kasi ang ngiting ibinibigay nito. Tulad ng sinabi ko noon, she's not that beautiful. Hindi ito ang tipo ng babae na makakapagpalingon talaga kapag dumaan. Not my type actually. Too simple for a gorgeous girl like me.

Ganoon pa man, tumango ako sa offer nito at mabilis na umangkas. Hindi naman ako mahiyain. What's there to be ashamed of? I'm too beautiful for that. Ito naman ang may gusto nito.

May inabot itong helmet sa akin. Napasimangot ako nang makita ko ang kulay noon. Kulay pink. Nakangusong isinuot ko yon. Di naman niya ako nakikita kaya hayaan nalang.

Naalala ko na hindi ko nga pala alam ang pangalan nito.

"Hey, ano nga uli ang pangalan mo?"

"Raven."

"Nice to meet you then." tumango lang ito. Alam ko namang kinikilig ito dahil nakakapit na ako ngayon sa baiwang niya. Sinadya ko talaga yon para naman maramdaman nito ang warmth ko bilang kabayaran sa pagpapasakay nito sa akin.

Ilang minuto lang ay malapit na agad kami sa university. Napansin ko sa bag nito ang isang chocolate na tulad din ng mga ibinibigay nito sa akin sa pamamagitan ng pagpapaabot sa mga bata. Nakalagay yon sa bag pocket niya. Pasimpleng kinuha ko ito. Hindi naman nito napansin dahil focused ito sa pagdadrive.

Nang makababa ako ay nagpasalamat lang ako at naglakad na siya papunta sa kanilang building. Hindi pa siya nakakalayo nang muli siyang humarap sa akin. Paalis na ito.

"Pst!" nakalimutan ko na kasi uli ang pangalan nito. Narinig naman niya ako kaya humarap uli siya sa akin.

Iwinagayway ko sa harap niya ang chocolate na kinuha ko na ikinalaki ng mga mata niya. Agad na napakapa siya sa bag niya. Nang wala siyang makuha ay muli siyang tumingin sa akin.

"Salamat dito. Di mo na kailangan ipabigay sa bata." napangisi ako nang malaglag ang panga nito. Pinamulahan agad ito ng mukha. Madali kasing mahalata na namumula ito dahil maputi ang balat nito. Para itong labanos sa puti.

"A-alam mo pala." Ngumisi lang ako. Confirmed. Tumango ako at tumalikod na.

"W-wait. M-may I talk to y-you? Mamaya pag labas mo s-sana."

"Sure." sumagot ako nang hindi nakaharap sa kanya. Tumuloy na ako sa paglalakad papasok. Narinig ko naman na umandar na ang motor nito. Doon na ako tumingin dito.

Wow. She looks so happy. Nakatanggal na kasi ang helmet niya kaya nakikita ko.

Mukhang may ideya na ako sa kung ano man ang sasabihin nito sa akin.

7:00 PM

Paglabas na paglabas ko sa building ay bumungad sa akin ang babaeng nagsabay sa akin. Nakasuot na ito ngayon ng hoodie at mukhang bagong paligo. Even so, hindi parin ito ganoon kaganda sa paningin ko. Hindi ko sinasabi na pangit siya, ang akin lang, hindi ito kasing ganda ng mga babaeng natitipuhan ko.

Maputi ito, hindi ganoon katangos ang ilong, manipis ang mga labi at higit sa lahat, medyo singkit ang mga mata. Hindi ko type ang mga singkit. I have nothing against girls with eastern looking eyes , talagang di ko lang type ang mga ganoon.

"Hi!" bati ko dito. Hindi pa niya ako napapansin. Nakaupo kasi ito sa may hagdan malapit sa entrance ng gusali. Nakatalikod siya sa akin.

Napaharap ito nang marinig ang pagtawag ko. Tinapunan ko ito nang makalaglag undergarment na ngiti na ikinangiti din nito. Nag iwas ito ng tingin. I suddenly want to flip my hair. Ang lakas ng epekto ko dito at alam ko iyon.

"Saan tayo?" tanong ko. Hindi siya agad nakakibo. Nakatitig lang ito sa akin na parang ngayon lang ito nakakita ng magandang tulad ko. Natawa nalang ako na mukhang ikinagising niya mula sa pagpapantasya.

"Are you okay?" nakagat nito ang pang ibabang labi at nahihiyang tumango sa akin.

"So saan tayo?"

Dala ulit niya ang motor na gamit namin kaninang umaga. Gusto kong sumimangot dahil isusuot ko uli yung kulay pink na helmet na dala niya. Ilalagay ko na sana ang helmet sa ulo ko nang may ideya akobg naisip. I'll let the girl put the helmet on for me.

"Isuot mo sakin, dali." I excitedly said. Dahil nga hindi ako matangkad, hindi ito nahirapan isuot ang helmet sa akin. I stand 5'2" while this girl is about 5'7".

Habang inaayos niya ang helmet sa ulo ko ay panay ang kindat ko dito. Halata sa babae ang pagkahiya sa ginagawa ko at ang pagkailang. Pabigla tuloy nitong naibaba ang face shield ng helmet.

"S-sorry. Sakay ka na." Pangiti ngiti ako habang pa angkas sa motor niya. Natutuwa ako dito. She may not be my type but she's cute.

Tulad ng ginawa ko noong umaga, yumakap uli ako sa baiwang nito nang pasibadin na nito ang motor.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may kalokohan na naman akong naisip. Unti unti kong iginapang pataas ang kanang palad ko. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nito na ikinatawa ko nang mahina. Nakarating ang palad ko sa kaliwang dede nito. Hindi ko naman Hinawakan ng maigi, napakapatong lang iyong palad ko doon.

Dinadama ang tibok ng puso ng babae. Mukhang hindi niya kinaya ang ginagawa ko. Nagulat ako nang bigla itong magpreno. Napapisil tuloy ako sa dede nito. Nang makabawi ay muli kong ibinaba ang braso ko pabalik sa baiwang nito.

"P-please, d-don't do that." napansin kong namumula ang leeg nito. I badlty want to see how red her face is pero baka lalo itong mamula.

"What?" pagmamaang maangan ko.

"U-uh...wala."

Dinala niya ako sa isang kainan na medyo may kalayuan sa university namin. Filipino dish din naman ang isineserve na gusto ko naman. Hindi kasi ako mahilig sa mga foreign foods.

Nang makaupo at makaorder kami ay sandaling natahimik ang kasama ko. Tinitigan ko ito. Mukha itong hindi mapakali dahil kanina pa nito paulit ulit na itinutupi ang table napkin na hawak nito.

"So..." pag agaw ko sa pansin nito. Napansin ko na nakuha naman nito ang ibig kong sabihin. Kinakabahang ngumiti ito sa ako. I leaned back. Lumunok muna ito saka bumalik sa paglalaro sa table napkin.

"Uhm... I...I know you." umpisa nito. Pansamantala itong tumigil para lumagok ng tubig mula sa baso. Nakalahati nito iyon. May kaunting tubig na tumulo sa bibig nito. Lumapit ako dito at pinunasan iyon gamit ang panyo ko. Natigilan ang babae at muling napatitig sa akin.

"Wag kang kabahan. Come on."

"I-I just want you to k-know that I've known you for a-about 2 years now. Ahm,  madalas kitang makita sa kainan ni aling Candice. I'm not good at expressing my feelings pero gusto kong malaman mo na g-gusto k-kita."

"I know."

----------
7/15/19

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon