51. The truth about the Lie

45.8K 1.4K 73
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


May ilang sandali din akong nakatitig kay Cole habang awang ang mga labi at pigil ang pagtibok ng puso. He just asked me to marry him and I knew I was hallucinating. Nag-iimagine lang ako. Yun kasi ang gustong marinig ng tainga ko kaya yun ang rumehistro sa akin. Galit siya sa ginawa ko, buong akala niya ay ginamit ko siya. Dalawang bagay lang, kung hindi ako ang papalayasin niya sa kwartong ito, siya ang lalayas dito.

"I said marry me. I need an answer now."

Shit. Hallucination 'yong una. Panu ang pangalawa? Bago ko pa man tuluyang maabsorb kung totoo o hindi ang narinig ko kay Cole napa-igik na ako sa biglang pagtusok ng sakit sa puson ko. Napayakap ako kay Cole upang kumuha ng suporta.

"Cole hospital... I need hospital, right now!" bulong ko bago tuluyang ipaubaya ang buong lakas sa kanya.




Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Hindi ko na namalayan ang pagsakay ko sa kotse, muli akong nabuhayan ng ulirat nang nasa hospital na ako at nakakabit na ang swero sa kamay ko. Nasa tabi ko si Cole na masuyong inaayos ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko.

"Where are we?" kaagad kong tanong, akmang babangon ako pero diniinan niya ako sa noo.

"Don't even think of getting up until I tell you to do so." asik niya sa akin. Nakakunot ang noo.

"Anong sabi ng doctor?"

"You had a bad case of abdominal cramps. You were over thinking. Sobra kang stress, pagod at tensyonado noong mga nakaraang linggo."

Napalunok ako. "Oh." yun lang ang kaya kong isagot.

"Oh? Yun lang ang masasabi mo? This makes me angry, Isabel! I have let you think through, pinabayaan kita ng ilang linggo para makapag-isip ka ng maayos sa tanong ko.I don't wanna cloud you're judgement, gusto ko kapag pupunta ka sa party handa ka ng tangggapin ako ng buong-buo pero hindi ko sinabing pabayaan mo ang sarili mo!" pinipilit niya ang huwag sumigaw. Halata sa mga linya ng ugat sa mukha niya ang matinding pagkapikon sa akin. "Gusto kong bigyan ka ng panahon na pag-isipan ang alok kong kasal pero kung ganito din lang, huwag nang magisip. Pakasalan mo nalang ako."

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon