33. Pang-MMK

72.3K 1.9K 179
                                    


Nang ang gayuma ay nainom niya.

Nang ang gayuma ay nainom niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lord. Ayoko pong ma-psycho. Virgin pa ako.

Quote for the day:

Quote for the day:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabalikwas ako ng bangon kinaumagahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabalikwas ako ng bangon kinaumagahan. Bigla ang pagpasok ng realisasyon sa utak ko. Ang manamis-namis na likidong ininom ko kagabi. Punyemas gracias perdon de shunga ala Isabel Funtalva. Napasuklay ako sa buhok, nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang basong walang laman sa gilid ng kama. Gulat na gulat teh? Shunga eh! Kaagad kong inabot iyon at nginig labing ininspeksyon. Wala na talagang laman kahit bali-baliktarin!

Bumaling ako kay Cole na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Shit! Ito talaga ininom ko kagabi e. Nooo!! Hindi maari! Nag-panic ako. Naalarma ang lahat ng ugat sa utak ko! Hindi pwede 'to..

Naiiyak ako. Ang dami kong hirap sa lintik na gayumang ito, ang dami ko nang hirap kay Cole bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako magtagumpay??? Pinahid ko ng daliri ang kakarampot na bahid ng juice sa gilid ng baso. Nabasa naman ng konti ang daliri ko. Wala sa sariling hinarap ko si Cole, habang natutulog siya, inawang ko ang labi niya at pinasok doon ng daliri ko.

"AAAwwww!" napasigaw ako ng kagatin niya iyon. "Araaay!!" mangiyak-ngiyak kong binawi at tinitigan ang daliri kong iyon.

"Ano kasing ginagawa mo, natutulog 'yong tao!"

"Natutulog tapos nangangagat?? Ano ka bampira? Si Edward Cullen ka?? Ang sakit."

"Anong ginagawa ng daliri mo sa bibig ko?" salubong ang kilay niyang asik sa akin. Bumangon na rin siya kagaya ko. Hinagilap niya ang noo ko upang I-check ang temperature. Wala na akong sakit, salamat sa gayumang dinayo ko pa sa Quiapo, binayaran ko ng 500 pesos, sinayawan at dinasalan! Mahal na mahal ko na talaga ang sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko, bibilli na ako ng wedding ring para sa akin din mamaya. Magkaka-anak ako gamit ang egg cell at egg cell ko lang din sa magkabilang obaryo. Hayop na 'yan.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon