21. Her Envious Heart

90.4K 2.4K 165
                                    


Hi Helliannes!

"There is no force more powerful than a woman determined to rise."

-Anonymous

-Anonymous

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Last night was the darkest night of my life, hindi ko inaasahan na ang pagsikat ng araw kinaumagahan ang pinakamaliwanag din sa lahat. Katabi ko si Cole habang sabay naming pinagmamasdan ang sikat ng araw sa bukang liwayway.

Ang sweet na sana eh. Kundi nga lang puro papuntang baboy ang lumalabas sa bibig niya. Sana naman maging kasing sweet siya ng environment, ang ganda ng mood sa paligid oh! Pero sabagay, ano nga ba ang aasahan ko sa kambing na 'to? Ako na lang ang gagawa ng sarili kong mood, kaya naman isinuksok ko sa braso niya ang kamay ko tapos ay humilig sa balikat niya. He flinched. "Oh 'wag ka nang magreklamo, alam kong sasabihin mong mabigat ang ulo ko pero tiisin mo. Hindi ko na ibebenta 'yang kidney mo."

"Really? So how do you plan on paying for that painting?"

"Alam mo ba 'yong underground escort service market? Pangarap namin ni Rushell na makapasok doon noong elementary kami. Laging kasing pinag-uusapan nila mama at ng mga kaibigan nila na mga mayayamang milyonaryo at pulitiko ang mga kliyente doon. Syempre hindi pa ako qualified noon, pero ngayon sa tingin mo?"

"Sa tingin ko kinain na ng taba ang utak mo."

"Anong sabi mo, mataba ang utak ko? Why thank you! You're so sweet. May mayaman ka bang pwedeng ipakilala sa akin? Yung wala lang sabit ah, mahirap na."

"Seryoso ka?" Salubong na ang kilay niya. Humagikhik ako, napipikon na siya. Buti nga, makaganti man lang.

"Oo. Kasing seryoso ng 600 thousand na pagkakautang ko!" Kundi lang bakla 'yong Paul na 'yon! "Wala namang mawawala sa 'kin. Hindi naman nila siguro ako tatanggalan ng isang parte ng katawan ano? Matatanda na kliyente doon, kaya mga short time lang 'yong mga 'yon."

Hinawakan niya ako sa ulo, inangat 'yon mula sa balikat niya. "Sa bigat mong 'to, makakapatay ka ng matanda, hindi ka na mababayaran makukulong ka pa."

"Pwede naman ako sa ilalim!"

"Hindi ikaw ang masusunod kung anong posisyon, sila! Are we really gonna have this kind of conversation, Isabel?"

"Ikaw ba, gusto mo ikaw ang nasusunod sa kung ano ang posisyon na gusto mo?"

"I call all the shots in everything."

"Talaga? Magaling ka ba sa kama, Cole?"

"Oo."

Ang tipid ng Oo niya doon. Wala man lang elaboration kung bakit? "Talaga? Parang hindi ako naniniwala. Sample nga."

Kumunot ang noo niya. "Wala akong pakialam."

"Sa sample? Gusto mo?"

"Wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala."

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon