Chapter 13:The Battle With The Legendary Serpent

2.9K 174 10
                                    


Damon's POV

Patuloy sa pag atake ang serpyente sa aking pananggalang at unti unti na itong humihina.Hinanda ko ang aking sarili sa pag ilag kung sakaling mawasak man ang aking proteksiyon.

Biglang nagkabitak-bitak ang barrier hanggang sa nawasak na ito ng tuluyan.Dali-dali akong tumalon sa naglalakihang bato sa dulo ng koridor.Nakatalikod sa akin ang serpyente kaya agad kong ginawang pana ang aking espada at tinutok ito sa kanyang ulo.Binitawan ko ang palaso at bumulusok ito papunta sa kanya."Rssstttsssttt"nakakabinging sigaw ng serpyente dahil natamaan ko ito.

Titirahin ko pa sana ng pangalawang beses ang hayup pero agad nitong hinampas ang kanyang buntot papunta sa akin.Di ako nakailag kaya ayon ako naman ang namilipit sa sakit dahil sa pagtilapon sa kabilang dulo ng silid.

Tumayo ako shitapaks ang sakit ng likuran ko,tanginang ahas yan magbabayad siya..."Aray ko"daing ko sa sobrang sakit ng likod ko.

Umatake ang ahas,bumuga ito ng mga tipak ng yelo kaya agad naman akong tumalon para iwasan ito.

Patuloy ang kanyang pag aatake ng kahit anong kaya niyang ibuga may mga apoy,tubig,matatalas na hangin,itim na enerhiya,kuryente at mga bato o di kaya ay putik.Wasak na wasak na ang buong kapaligiran dulot ng kanyang walang pigil na pag aatake.

'Shiiittt!!!ano nang gagawin ko?isip isip...aha!'kinuha ko ang badge sa aking bulsa at inactivate ito.Umupo muna ako sa sahig,Makapag-isip nga muna.Ano kaya ang pwede kong gawin para matalo tong bwisit na ahas nato?nakakaimbyerna na siya eh!naiistress na ang beauty ko sa kanya.Kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-iwas at hindi paggawa ng plano sigurado akong hindi na ako makakalabas pa dito...pero kung ganon....huhuhuhuhu goodbye world,goodbye Philippines na si me waaahhhhh!!!

Pinikit ko ang mata ko at naghukay ng napakalalim sa isipan ko..yung mas malalim pa sa Pacific Ocean para makagawa ng paraan kung paano mapuksa ang salbaheng ahas and it was a success may iilang mga scenario ang nagflash sa utak ko.Di ko man alam kung saan galing ang mga ideyang yun at kung paano nakaproduce ng mga ganong technique ang utak ko pero subukan ko kaya malay mo gumana naman pero kung hindi naman eh di uwian na charr...

"Paano ka ba makakauwi kung hindi naman ka naman dito makakalabas aber?"singit ng sarkastiko kong isipan.

"Trust me,makakalabas rin ako dito!"pagmamayabang ko sa kanya.

"Trust?diba yan yung sinusuot ng lalaki para pamproteksiyon tuwing 'nag aano'?"ay lintek amberde!utak ko pa ba talaga to?bakit parang mas maberde pa siya kesa sakin?ang lupitttt..

"Tumahimik ka nga kung puro kalokohan at kabulastugan rin lang naman ang sasabihin mo,mabuti nang tumahimik ka nalang."bulyaw ko sakanya at inirapan lang ako.Gosh bakit ako nabiyayaan ng napakagaling na utak?ano bang nagawa kong mali?Pwede bang batukan niyo naman ang walanghiyang to nang matauhan sa mga pinagsasabi niya,nakaka....ah basta I can't express it in any words.

Mimulat ko na ang aking mga mata at naghanda sa gagawin kong pag atake.Handang handa nako kaya "Sword" bigkas ko kasabay nito ang pag iba ng hugis ng aking sandata ang kaninang dala-dala kong pana ay bumalik sa pagiging espada.

"Earth Type"nagpalit ng kulay ang blade ng aking espada ang kaninang kumikinang na pilak ay napalitan ng kulay tsokolate.Biglaan ko itong tinusok sa lupa sabay bitaw ng katagang "Vines" at lumabas ang mga baging mula sa bitak na nagawa ng pagtusok ng aking espada sa lupa,pumulot ang mga baging sa katawan ng serpyente.

"Bow"agaran kong pagpalit ng anyo ng aking sandata at pinunterya ang kristal sa noo nito at ito'y nawasak.

"Rssssttttssttt"sigaw nito.Nagpupumiglas ito pero hindi siya makaatake sakin dahil pati bunganga nito ay may baging nakapulupot.

"Bagay yan sayong bwisit ka!"nanggigigil kong sabi sa kanya.

Ngayon yung ikalawang ulo naman niya ang pupunteryahin ko bwaahhhhaaa salamat sa mga nagflash na scenario kanina sa utak ko dahil don nakabuo ako ng plano.

"Gun"naging baril ang Bow ko "Bullet No.20-Paralize"umilaw ang baril ko senyales na may bala na ito,tinutok ko ito sa pangalawang ulo nito at pinindot ang gatilyo ng baril.

"Rrssssstttsssssttt"nakakabinging sigaw ulit nito at biglang umapoy ang baging na nakapulupot sa isa sa mga ulo nito.

Lumayo muna ako dahil alam kung mamaya lang ay masusunog na ang lahat ng baging at makakalaya na siya.Tuluyang naging abo ang mga baging,nagwala ang serpyente at nagbubuga ng iba't-ibang elemento.Agad akong nagkubli sa isang malaking bitak ng bato upang makaiwas sa kaniyang mga atake.

Kailangan kong mawasak ang anim pa na kristal sa kaniyang mga noo.Ano ba naman kasi itong napasok ko?Gosh!Buwis buhay na ito.

Sumilip ako sa nangyayari sa serpyente at patuloy parin ito sa pagwawala subalit napansin ko na hindi na ito bumubuga ng yelo.Ang kailangan ko lamang gawin ay puntiryahin ang natitirang kristal.

"Shuriken."lumitaw ang ilang piraso ng shuriken sa aking kamay,nilagay ko sa aking bulsa ang ilan sa mga ito at hinawakan ko ang anim na piraso.

Nag-alan ninja ako na lumabas sa aking pinagtataguan at nagpalundag lundag sa mga tipak ng bato na nakakalat.Inihagis ko ang unang shuriken sa pangalawang ulo ng serpyente,balak nito iyong iwasan ngunit bago iyon ay bigla itong sumabog sa harap niya.Tumilapon ang serpyente sa pader,hindi ko sinayang ang oras.Agad ko itong pinaulanan ng mga sumasabog na shuriken na dahilan ng pag-usok.

"Rrrrrssstttt!"muling hiyaw nito dahil sa sakit.Nang mawala ang usok ay tumambad sa akin ang serpyente na tatlo na lamang ang natitirang kristal sa noo.Napuruhan ata ito sa aking atake.Bleeehhh!Wawang ahas.

Bumuka ang ulo nito na may itim na kristal,bumuga ito ng itim na enerhiya.Agad akong umiwas at pilit iyong sinangga gamit ang earth wall.Sadyang malakas ang atake ng serpyente at napansin kong nagkabitak bitak ang aking harang hanggang sa nagiba ito.Tumama sa akin ang atake na agad kong sinangga gamit ang aking espada,dahil sa pwersa nito ay tumilapon ako at bumangga ang likuran sa pader.

Rinig ko ang pagkabali ng aking buto.Aray ko!Magbabayad kang ahas ka!Wala akong oras na dapat aksayahin.Kahit hirap na hirap ay pinilit kong tumayo.

"Fan."naging pamaypay ang aking sandata.

"Air God's Tornado."iwinasiwas ko ang aking pamaypay sa hangin na animo'y isa akong chinese na sumasayaw sa tradisyonal na sayaw nila.Maya-maya ay may nabuong isang buhawi sa aking harap,nagsimula itong gumalaw hanggang sa tumapat ito sa aking kalaban.Napasok ang katawan ng serpyente sa buhawi at nagpaikot ikot ito hanggang sa muli itong tumilapon sa pader.

"Bow and Arrow."naging palaso at pana ang aking pamaypay.

"Arrow Shower."limang palaso ang aking kinuha mula sa lalagyan sa aking likuran.Kinasa ko ito sa aking pana at isa isang binitawan sa direksiyon ng aking kalaban.

Crack*ang unang palaso ay diretsong tumama sa isang kristal,ganun rin ang pangalawa subalit ang iba ay hindi tumama dahil parang isang kiti-kiting binudburan ng asin ito sa pagwawala.

Tumitig ito sa akin at walang atubiling,bumuga ng kuryente.Sinalag ko ang atake gamit rin ang isang atake.

"Sunflower Beam."tumubo ang isang mirasol sa aking harap at nang namukadkad ito ay bumuga ito ng isang nakakabulag na liwanag.Habang papunta sa aking kalaban ang aking atake ay pinuntirya ko ang kaniyang natitirang noo gamit ang aking sandata na ngayon ay isa nang baril.

Kasabay ng paglapatan ng aming atake ay siya ring pag pihit ko ng gatilyo ng baril.

Boom*bumulusok ang bala diretso sa natirirang noo ng serpyente.

Crack* nakita ko kung paano nasira ang kristal nito.Bigla lamang itong napasalampak sa lupa at nawalan ng ulirat.

Napaupo rin ako sa sahig dahil sa pagod.Pakiramdam ko ay sobrang drained na ang katawan ko.Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.Paano nga pala ako makakalabas dito?

Tumayo ako at nagsimulang maglakad lakad.Tumingalan ako sa aking itaas at may nakita akong parang isang maliit na butas.Iyan na ba ang daan palabas?

Biglang lumiwanag ang buong kapaligiran at mukhang nanggagalibg sa aking likuran ang liwanag na iyon.Dali-dali akong lumingon at bumungad sa akin ang nagliliwanag na katawan ng serpyenteng kaaway ko kanina.

Gooosshh!Anong nangyayari!

To be continued....

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon