Chapter 29:Intruders

2.5K 163 5
                                    

Damon's POV

"Ako si Sandria Evelyn Flace ang Headmaster ng Magia Academy ay tuluyan nang binubuksan ang Magia Academy Celesters Examination sa taong ito.Goodluck Celesters"

Biglang binalot ng makapal na hamog ang paligid.Wala akong maaninag kahit isang bagay.

"Lazarus..nandiyan ka pa ..baaaahhhhhh!"biglang bumukas ang lupa na aking inaapakan at nahuhulog ako sa malalim na kadiliman.

Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang kaba sa kung ano man ang aking kababagsakan pero maya maya ay hindi ako nakaramdam ng sakit sa pagbagsak.I opened my eyes and I realized that I was floating.My butt was just a feet away from the ground.Matapos ang ilang segundo ay tuluyan na akong lumapag sa lupa.

I started walking as soon as I get up.I looked for Lazarus because he is missing.I was in the middle of a dark forrest,this is like the eerie feeling in the Myrrhosium Forrest.Some trees are already dead while some are very healthy.The grasses were already withered and the air was so cold.There were big tracks of foot on the ground and the vines are crawling on the trees.

I was quiet nervous but I need to go forward.I need to find Lazarus because his the only one who can recognize all the monsters and beasts.

Nasaan na kasi yung pesteng ahas na iyon alam naman niyang kailangan siya ngayon pa siya nawawala gawd naman oh.

"Lazarus!Huy peste kang ahas ka nasaan ka na?"bigla akong napatalon nang nagsiliparan ang mga ibon mula sa isang malagong puno.

"Rrraawwrr!"Ay hootangina saan nanggaling 'yon?Parang tunog ata ng isang halimaw.Kumalas bigla ang mga patay na damo at umilaw ang aking pulsuhan.Lumabas mula sa mga damo ang isang ahas.

"Hay salamat naman nagpakita ka nang ahas ka."Lumapit sa akin si Lazarus at pumulupot sa aking braso.

"Saan ka ba kasi nanggaling?"naiinis kong tanong sa kaniya.

"Diyan lang sa tabi-tabi.Di bale na 'yon may nakita akong isang manticore habang papunta ako dito.Halika at puntahan natin."Kumawala siya sa pagkakapulupot sa aking braso at nagsimulang gumapang.Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa isang napakalaking puno.

Wala namang kakaiba sa punong iyon pero nang sinabi ni Lazarus na tumingala ako ay bigla akong natakot sa dalawang halimaw na mahimbing na nakatulog sa sanga nito.

"Iyan... b-ba ang m-manticore?"kabadong tanong ko sa ahas kong kasama.

"Iyan nga."sagot niya kaya napatingala muli ako sa sanga ng puno.

Isang halimaw na may ulo ng tao,katawan ng isang leon,pakpak ng isang paniki at buntot ng isang scorpion.Ang pangit ng itsura niya as in.Nakakatakot.

Biglang bumukas ang isa sa kaniyang mga mata at tumitig ito sa akin.Ang titig niya ay parang tagos hanggang sa aking kaluluwa.Gustuhin ko mang lumayo sa mga oras na iyon pero parang ipinako ako sa aking puwesto dahil sa sobra kaba.

"Damon,oh ano na?tatakbo ka na naman ba?magiging duwag ka na naman?kung patuloy kang magiging ganiyan ay mas mangingibabaw ang kagustuhan kong angkinin muli ang katawan mo para ako na ang tatapos sa mga misyon mo."pagbabanta sa akin ni Devin.

Hindi.Hindi ako magiging duwag.Hindi ko hahayaang si Devin ang mamayani sa aking katawan.Kailangan ko maging matapang.Kailangan ko...

Tuluyan nang bumukas ang dalawang mata ng isa sa mga manticore.At lumipad ito pababa sa puno.

Magia Academy:The Next Celestial MageNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ