“I know you do,” bulong niya, nanumbalik na naman ang malawak niyang ngiti bago pinagpatuloy ang pagmamaneho.

“Let’s go back to the cemetery,” sambit ko. “It’s about time to introduce you with my mother.”

“Your mother?” bigla siyang napalingon sa’kin, nanlaki naman ang mata ko dahil bigla niyang nailiko ang manibela papunta sa kabilang lane.

“Shinichi!” Nagpa-panic kong singhal sa kanya dahil mayroon ng kotse sa harapan namin. “In front of you!” Bigla naman siyang natauhan, napatingin sa harapan niya’t nakailag sa rumaragasang kotse. Naibalik niya sa tamang lane ang kotse niya sa wakas. “You almost killed us!” Hinampas-hampas ko siya sa kanyang braso. Aray siya nang aray at sorry nang sorry.

“You can’t expect me to calm down just by mentioning your mother and a cemetery out of the blue,” naiinis niyang sabi.

“I am sorry okay,” naiinis ko ring sabi. “Masiyado ka naman kasing takot.”

“Surprise. I am just surprise,” pagtatama niya. Sa inis ko ay tahimik ko na lamang ginaya ang sinabi niya. “Stop  it.” Ngunit hindi ako nakinig, mas lalo ko pang in-exaggerate ang panggagaya sa kanya.

Nang makita kong umangat na ang kamay niya sa gilid ng mata ko ay agad ‘kong itinaas ang kamay ko. “Sige,” usal ko sa nambabantang-tono, handa na siyang sapakin.

“I just want to hold my girl’s hair,” matamis niyang sambit na sinamihan niya nang matamis na ngiti. For I know deep inside ay gusto na niya ‘kong turuan ng leksyon.

“We got plenty of time for that, Shin,” malambing kong tugon. “Just drive.” Lihim akong natawa nang bumagsak ang ngiti niya sa labi bago sinunod ang utos ko. “I love you,” sabi ko na lamang at ninakawan siya ng halik sa pisngi. Bigla akong napasubsob dahil bigla na namang nawala sa lane ang kotse. “Can you be more careful?!” naiirita kong singhal sa kanya.

“You surprised me, that’s all,” paliwanag niya, nahihiya na naiinis na natatawa. “God, loving you can be literally the death of me.”

***

Ang ganda ng panahon ngayon, maaliwalas ang palagid. Ang klaro at ang bughaw ng kalangitan, hindi kababakasan na may nagdaang napakalakas na ulan nakaraang gabi. Ang mga bagong tabas na damo ay malambot mong nahahakbangan, para kang lumulutang sa ulap. Ibinaba ko ang aking tingin at winili ang sarili na pagmasdan ang mga paa naming humahakbang patungo kay Mama.
 
"Good morning, Ma!" Masayang bati ko nang tuluyang makalapit sa lugar niya. Taliwas sa ipinakita ko sa kanya kagabi. "Okay na 'ko," usal ko, hindi na binigyang-pansin pa ang kamay ni Shinichi na biglaang nanlamig. "Here's the guy I am talkin' about," hinila ko si Shinichi paharap sa lapida ni Mama. Para siyang batang takot na pilit na pumupunta sa likod. "Stop," maiin at pabulong kong awat sa kanya. Muli ko siyang hinarap kay Mama. Sa pilit na paraan. "Meet Shinichi Ho,"napabungisngis ako nang masaksihan ang paglunok niya. 

"Good Morning, Mrs. Dimalanta," he formally greeted offering his hand to the wind.

"Silly." I hugged him from his side while we're both looking down on my mother's grave. "So, what do you think?" Tanong ko kay Mama.

"Well, dear, he's handsome," sagot ni Shincihi gamit ang pambabaeng boses.

"Kadiri ka!" Pabiro ko siyang itinulak palayo sa'kin. Bumunghalit ako ng tawa. "Joke lang." Bawi ko nang maging blanko ang ekspresyon niya. "Biro nga lang!" Ulit ko nang hindi pa rin siya sumagot. Abala kasi siya ngayon sa pagpapagpag ng pwetan niya. Oo, sa lakas ng tulak ko ay natumba siya. "Sorry na," munti kong suyo sa kanya, pilit na hinuhuli ang mga mata niyang iwas nang iwas sa'kin. "I love you." Dito na siya tuluyang tumingin sa'kin.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now