FG - 4

5.7K 164 23
                                    

FIFTEEN

Ang sinag ng araw mula sa bintana ang nagpwersang idilat ang aking mga mata. Gamit ang unang yakap-yakap ko ay iniharang ko 'yon sa'king mukha para maiwasan ang sinag. Ang sakit sa mata! Tinalikuran ko ang bintana at kinapa ang cellphone ko sa nightstand ngunit wala akong makapa. Hangin lang. Huh? Nanatiling nakapikit ay hinanap-hanap ko pa rin ang pigura nito ngunit wala. Hindi ko naman ni-rearrange ang kwarto ko kagabi. Ang ginawa ko lang naman noon ay naligo, nagsuklay ng buhok at dumating si Natalia at nagpasamang hanapin ang charger - ang charger. Damn.

Nanumbalik agad sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang panyo. Ang pesteng panyo niyang may pampatulog pala! Agad akong napabangon. Tingin sa kanan at kaliwa. Pakk! Sinampal ko ang sarili ko. This is just a fucking dream, Fifteen. I know this is a just dream. What will I do? Slap my face again? Yeah, right. Pakk! Sinampal kong muli ang pisngi ko, kaliwa't-kanan habang mariing nakapikit ang mata at taimting nanalangin na manumbalik ako sa sarili kong kwarto. Pakk!

Idinilat kong muli ang aking mga mata at muli ring ipinikit. Pakk! Pakk! Pakk! Malalamog na lang 'ata ang pisngi ko sa kakasampal pero hindi pa rin ako nagigising sa panaginip ko.

This. Is. Insanely. Absurd.

"Nataliaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko.

Ano'ng pumasok sa isip ng babaeng iyon at nagawa niya 'to? Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Oo, ang ganda ng kwarto, unisex ito pero kababakasang lalaki ang may-ari nito base sa amoy ng unan na yakap-yakap - Oh God, don't tell me ipinagkanulo ako ni Natalia sa sindikato? No friggin' way! Hindi naman niya 'yon magagawa! But just to make sure ay kinapa-kapa ko ang buong katawan ko. Mukhang wala namang nagbago sa'kin. Ligtas ang kadalisayan ng bataan ko. Nanatili pa rin ang aking suot na parang hindi naman ginalaw.

But still, hindi ko pa rin alam kung nasaan ako! Sino'ng kasama ko rito?

As if on cue ay may bumukas ng kwarto para sagutin ang katanungan sa isip ko.

"Hey! You're awake." Nginitian niya ko. Ngiting malawak na para bang galak na galak siyang makita ako. Tama pala ang nasa isip ko, ipinagkanulo nga ako ni Natalia sa isang sindikato. Sindikato na may matipunong katawan, bakas na bakas ito sa simpleng white v-neck shirt na suot niya. Nakasimpleng itim na short lang ito at walang suot na tsinelas. Iniangat at iniangat ko pa ang tingin ko sa kanya. Ang biceps? Ahem.

Ano ba 'tong nasa isip ko! Hindi 'to maganda. Tuluyan ng nagsagi ang tingin namin sa isa't-isa. Kininditan niya ko, huling-huli na ini-eksamin ko ang katawan niya. Umiwas ako agad ng tingin. Nahihiya. Kailan ka pa nahiya, Fifteen sa kapwa mo brader? Ugh! Ngayon, ngayon lang.

"I'm sorry but Natalia's not here." Agad na napalitan ng inis ang hiya ko sa kanya.

"Ano'ng kalokohan 'to? Ano'ng ginagawa ko sa lugar na 'to? At bakit kita kasama rito?!" Tanong ko sa mataas na boses.

"Inutusan ko ang kapatid mo na patulugin ka para maisama kita rito sa Laguna." Ladies and Gentlemen, the goddamn truth has spoken. Lahat ng curse na alam ko in english ay babanggitin ko na dapat sa harapan ng lalaking 'to pero-

"Uuuggghhh!" Sigaw ko na lamang, sabay gulo ng buhok ko sa sobrang inis.

Hindi ko akalain na magagawa ito sa'kin Natalia! Of all people! God, ano na namang pagsubok 'to? At bakit, bakit, bakit? Bakit niya ko ibinigay sa lalaking 'to? Ano bang binabalak nila?

"You're still lovely when you're upset," he said and smirks at me playfully.

"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong masapak! Ang aga-agaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw kong muli dahil sa halo-halong inis, irita at kawalan ng pag-asa. Asar! Ang lakas ng loob mambola matapos akong dalhin dito!

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now