FG - 7

4.1K 144 16
                                    

SHINICHI

7:45am said the clock. Kanina pa 'ko gising but I don't want to get up dahil ini-enjoy ko pa ang nakikita ko - the beautiful Fifteen soundly asleep on my arms, walang bakas ng pagka-tomboy. I grinned quietly. Pinilig ko ang ulo ko, hindi ko kasi laging mapigilan na purihin ang babaeng 'to or worst pagpantasyahan pa nga.

Ugh! Parang bumabalik ang mga araw sa madalas kong pagsunod sa kanya noong high school and college days namin.

I remember the day when I first saw her. Nasa student lounge lang ako nang dumako ang tingin ko sa ladies room. Saktong lumabas doon si Fifteen. Kahit malayo at maraming tao noong mga panahong 'yon ay siya lang nakita ko, korni man at gasgas pa pakinggan, naramdaman ko ang biglang pagtigil ng mundo. Ang ganda ng mga mata niya, lalo na kapag lumiliit sa t'wing ngumingiti siya. Simula noon ay sinundan ko na siya nang sinundan. Wala siyang ideya na may harmless stalker siya. Kaya nga kahit ang mga paborito niyang pagkain, laruan, kulay at kung anu-ano pa ay alam ko.

Until one day, nagkaroon na 'ko ng pagkakataong lapitan siya. Iyon na nga ang araw na inamin niya sa'kin na magpapaka-tomboy na lang siya, nawasak ang lahat ng pangarap kong may kinalaman sa kanya. Kaya ayon, napagdesisyunan ko na...lumayo na lang sa kanya, 'yon na rin ang huli naming pagkikita dahil naging abala na sa kanya-kanyang buhay.

Napahinto ako sa mga iniisip ko dahil sa alarm clock. Tss! Naka-set pala 'to! It says na 8am na. Nakita ko ang pagdilat ng mga mata ni Fifteen, inunat muna niya 'to at nagtanggal ng muta bago siya natauhan at naalalang may kasama siya sa kama. Bigla siyang napaupo at sa gulat ay -

"OUCH!"


FIFTEEN

Parang bigla akong nakurot sa tagiliran kaya bigla akong napaupo at binigyan siya ng sapak sa pisngi.

"OUCH!" Malakas niyang dain. Hindi ako nag-abalang humingi ng sorry sa kanya kahit na alam kong magkatabi kami matulog. Hindi ako hihingi ng tawad sa kanya kahit aminado akong masarap ang tulog ko ng buong magdamag. Kahit pinayagan ko pa siyang tumabi sa'kin ay hindi ko naman siya pinahintulutang...titihan ako!

"God, my face," mahina niyang sambit, sapong-sapo ang pisngi. Ineksamin ko naman ang parteng pinaglandingan ng kamao ko.

"Wala naman, ah!" puna ko. "Hindi 'yan magkakapasa. Masakit lang dahil kasi kasasapak ko pa lang."

"Tss." Naiiling niyang sambit. "Thank you for the morning punch," sarkastiko niyang sambit at tinalikuran ko. Ibinuka ko ang bibig upang magsalita ngunit inihinto rin. Isip-bata! Sigaw ng isip ko. "Damn," sambit niya sa sarili. Lihim ko siyang sinilip, bakas talaga ang sakit sa mukha niya. Sus! Bahala siya diyan! Malayo naman sa pancreas 'yan 'no. "It hurts," madamdamin niyang sambit na parang kinokonsensya talaga ako.

"Sige na," napipilitan kong sabi. Napalingon naman siya sa'kin, nagtataka. "I'm sorry," nakayuko kong sambit ngunit hindi nakatakas sa paningin 'ko ang bigla niyang pagngiti ng nakakaloko.

"Fifteen," he called, I only hum for an answer. "Thank you for making me your pillow. I like how you cuddle with me and I like the view resting you here in my arms," he said in his very sincere tone kaya bigla akong natigilan sa english niya. Bumilis ang tibok ng puso ko't napalunok.

"Gag - este - nakakadiri ka talaga, Shinichi!" Lumayo ako sa kanya kahit ang laki na ng distansya namin sa isa't-isa. "Kilabutan ka nga!" dagdag ko pa.

Fifteen GraceOnde histórias criam vida. Descubra agora