Chapter 33

1.1K 27 0
                                    

Nandito na ako sa loob ng eroplano, nakaupo, nakatulala iniisip yung napanaginipan ko. Hinihiling ko na sana huwag mangyari yun.

Minutes later naramdaman kong umaandar na ang eroplano pa himpapawid.

Mariin kong ipinikit ang mata ko, pinipilit kong matulog pero ayaw talaga, kaya ang kinalabasan ay hindi ako nakatulog sa buong byahe.

After a while ay naramdaman kong lumapag na ang eroplano. Mejo na-excite naman ako.

Nang ma-announce na pwede nang mag take off ay nanguna na akong bumaba. Pagkatapak na pagkatapak ko ay napangiti ako agad.

I miss this home.

Ngumiti ako at staka nag lakad na. Para akong tanga na ang laki laku ng ngiti.

Nang makuha ko ang laggage ko ay dumiretso na ako sa waiting shed at naghanap ng pwede kong sakyan na taxi.

Seconds later ay nakahanap na rin ako ng taxi na pwede kong sakyan, pinara ko ka agad iyon saka sumakay. Binigay ko sa driver ang address ko.

Habang nasa byahe ay thankful ako na hindi nagkatotoo yung panaginip ko. I'm so excited na makita na ulit sila.

Hours later, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nagbayad ako sa driver staka bumaba at kinuha ang mga luggage.

Pagkakuha ko ng gamit ko ay sakto naman na umalis yung taxi. Tiningnan ko yung bahay sa harap ko. Yung bahay na iniwan ko para mahanap yung sarili ko.

Huminga ako ng malalim saka naglakad patungo sa gate. Hindi pa ako nagdo-doorbell ay may lumabas na isang ginang na nakasuot ng pang katulong na damit.

Kailan pa kami nagkaroon ng katulong?

Tinitigan ko ang ginang, napangiti ako ng makita kong sobrang malumanay niya maglakad.

"Uhm.." tumikhim ako.

Halata sa mukha ng ginang na nagulat siya. That makes me smile.

"Ma'am! Kayo h--"

"Wag po kayong maingay, sosorpresahin ko po sila mom and dad." Putol ko sa kanya. Binuksan niya naman ang gate.

"Ay, pasensya na po! Sige po andon po sila sa harden kasama po nila ang asawa ni Sir Angelo. Ako na po mag aakyat ng gamit niyo." She said na malumanay pa rin ang boses.

"Sige po. Pakidiretso na po sa kwarto ko." I said saka nagsimulang maglakad patungo sa harden.

Nang matagpuan ko sila ay laking gulat ko ng hindi lang pala sila ang nandun! Nandun din si Joshua! Si mommy may kaharap na laptop na parang may kino-contact. Ang nandun lang ay si Mommy, Daddy, Kuya, Ate Nica, and Joshua.

Sila ata ang kumo-contact sakin, kanina pa kasi nagba-vubrate yung phone ko. Napangiti naman ako.

"Ano ba yan! Hindi sumasagot si Casey! Baka kung ano nang nangyari dun!" Hinaing ni mommy. Parang sakit na nahawa yung pag aalala ni mommy dahil lumipat yun kung kani-kanino.

Natawa naman ako staka nagsimula nang maglakad.

"Bakit ba hindi siya sumasagot!?" Si mommy na nagaalala.

"Hindi talaga ako sasagot kasi nandito na ako." I said cheerfully.

Napalingon naman sikang lahat. Gulat ay saya ang makikita sa kanila.

Napangiti ako sa mga itsura nila, pero nung lumipat ang tingin ko kay Joshua ay pinaghalong saya, lungkot, at pagsisisi ang makikita sa mukha niya.

I Stupidly Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now