Chapter 19

1.2K 27 0
                                    

Chapter 19

"Ma, ano po bang kulang sa akin?" I asked habang humihikbi sa balikat niya.

"Anak, walang kulang sayo.. nabubulag lang talaga siya, dahil mahal niya ang girlfriend niya." Si mommy.

Nagtaka ako kung paano niya nalaman na ai Joshua ang iniiyakan ko.

Pero alam ko na ang sagot, yun ay dahil nanay ko siya. Kilala niya ako.

"Hindi ba ko, kamahal mahal, ma?" Tanong ko. "Ma, ang sakit... sobrang sakit kasi yung ako yung nandito sa tabi niya, pero hindi niya ako nakita..." sabi ko, atsaka umiyak ulit.

"Anak, baka kailangan pa ng tamang panahon. Baka hindi pa ito yung dapat para sa inyo.." paliwanag ni mommy.

"Eh, kailan pa mommy? Kung kailan kasal na siya sa manlolokong babaeng yun?" I asked her.

"Kapag nalaman niya na ang lahat... yun ang tamang panahon." She said.

"Paano kapag nalaman niya na, pero ako tong napagod naman? Paano yun, Ma?" I asked her emotionally.

"Magtiwala ka lang." Sabi ni mommy sabay halik sa noo ko. Kumalas naman ako ng pagkakayakap saka nagpaalam na maliligo lang atsaka pupunta sa ospital.

Habang nasa banyo ay iyak pa rin ako ng iyak. Iniisip ko yung mga bagay na sobrang tagal naming magkasama ni Joshua na masasayang lang sa isang walang kwentang babae, sa isang manlolokong babae.

Love will disappear but our memories wouldn't.

Everything, simula ng magkakilala kami, naalala ko pa.

Flashback...

Nandito ako sa playground sa school, grade 1 pa lang ako.

Habang kumakain ay mabagal lang ang pag swing ko dahil baka tumapon ang pagkain ko.

Pero sa hindi inaasahan ay may biglang tumulak sa swing na sobrang lakas, kaya ayan! Natapon yung pagkain.

Gusto ko umiyak pero ayoko ipakita na mahina ako. Humarap ako dun sa tumulak sa akin, halata rin sa pagmumukha ko ang galit.

"Bakit mo ko tinulak!?" Sigaw ko. Tumawa naman siya.

"Why? That's not even important besides, ang taba taba mo na!" Asar niya.

"Wow! Atleast hindi ako katulad mo na kulang nalang maputol sa sobrang payat! Hindi ka siguro pinapakain noh!?" Asar ko sabay tawa!

Bigla namang pumungay ang expression niya. Saka biglang nagpakilala.

"I'm Joshua Venganza." He said.

"So? I'm Casey Isabella Presley, but you can call me Isabella, Belle, or Casey." I said. "So, why did you do that?" Mataray kong tanong.

"I have no friends eh, kaya pinuntahan kita para asarin atsaka para makipag-friends." He explained.

End of flashback...

Mejo napa-ngiti ako sa alaalang iyon pero nawala rin agad dahil sa mga pesteng nangyayari ngayon.

I'm wearing simple floral off shoulder and faded skinny jeans with flat shoes.

Hindi ako naglagay ng make up, kahit ramdam ko na sobrang bigat ng mata ko dahil maga ito kakaiyak.

Nang dumating ako sa ospital ay may dala akong prutas and some chips.

Pagpasok ko sa room ni kuya ay nandon si Ate Dionne Mommy, Daddy, Joshua, and... Angela.

Tumingin ako kay mommy na ngayon ay nakatingin sakin na parang nagaalala. Ngumiti lang ako sa kanya. Atsaka nialapg yung dala ko sa side table.

Alam kong maga mga mata ko at ramdam na ramdam ko yun, pero parang ayaw pa rin papigil ng luha ko, nangingilid pa rin.

Pero pinigilan kong tumulo yun para hindi naman nila mahalata na sobrang laki ng problema ko.

A/N: Malapit na ang big revealing!!!!! Enjoy reading😘

I Stupidly Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now