Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)

Start from the beginning
                                    

"Ako binigyan ikaw hindi." Pang-aasar ko sa kanya.

"Boss, kanina pa yan dito. Nakakarami na nga e. Bibigyan ko pa ba?"

Tanong naman ito sa akin. Kung magtratuhan kami nitong si Toper ay parang tropa tropa lang. Tamang tropahan lang kapag nasa trabaho.

"Gusto mo pa ba?" Tanong ko sakanya at tinignan siya.

"Yesh please!" Lasing nitogn bigkas ng buong sigla. Nagtaas pa siya ng dalawa nyang kamay na akala mo ba pinagbigyan na.

"Bigyan mo na baka mapahiya e." Sabi ko kay Toper habang nagsasalin sa glass.

"Yey!!! Thank you! Sino ka pala?"

Halos mabitawan ko yung bote sa pagkabigla sa tanong nya. Nakita ko rin yung reaksyon ni Toper na parang nakarinig nang pagkabasag ng plato.

"Hala! Mister, ikaw yata yung...lasing dito. Mabibitawan mo pa oh!" paputol putol nyang bigkas dahil sa kalasingan. pinipilit nyang tinatanggi sa paraan ng pagbikas nya ng maayos sa mga salitang lumalabas sa bibig nya.

Nilapitan naman sya ni Toper at bumulong.

"Miss, boss ko yan. Sya may-ari nitong bar. Behave ka nalng kung gusto mo pa uminom."

"Ay! Hello Mister! Jaki nga pala, and you are?" Masiglang alok pa nya ng shake hands.

Tinitigan ko ang buong pagmumukha nya at pinagiisipan ko pa kung aabutin ko iyon.

Ang ganda nya pala. Mas maganda pa sya sa niligawan kong animal na may syota na pala.

Inabot ko naman yung kamay nya dahil hinihintay nya yata talaga.

Nang magtama ang mata namin ay napansin ko naman na parang kakagaling nya lang sa iyak.

"JM." pagpapakilala ko. Firmly shake hand yung nagawa ko, nasanay na ko dahil sa mga client ng projects ko sa firm.

ang lambot ng palad nya.

Napabitaw naman ako agad ng maramdaman iyon at umiwas ng tingin dahil nakangiti siya sa akin.

Napansin ko namang nakangiti si Toper na parang nangiinis. Napailing nalang ako.

"Kyah! Penge pa!" Medyo nagulat ako sa pasigaw nyang iyon.

Tumingin naman si Toper sa akin na humihingi ng go signal kung pagbibigyan ko pa ba.



"Kyah! Huy! Boss oh!" Pagbubunggo nito sa akin habang sinasabi iyon.

"Ayaw ako bigyan ni...

Naningkit pa yung mga mata nya para aninagin ang name plate ni Toper

...Chris. Ayaw ako bigyan ni Chirs oh!" Pagsusumbong nito sa akin na akala mo bang bata.

"Bigyan mo na nga 'to. Mamaya akalain na may inaaping bata ditto"

"Bakit k aba kasi nandito?" Tanong ko pa sa kanya.

"Gusto makalimot" Sabay agaw ng bote kay Toper.

"Talon ka sa building." Pagbigay ko ng ideya ditto.

"Makalimot hindi mamatay!"Pagsusungit na sagot naman nya.

"Bakit Sinabi ko ba kung anong floor? Patay agad!? Masyado ka." Sinagot ko naman sya na parang inaaway.

Natawa naman si Toper sa paguusap naming nung babaeng 'to.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now