MUB 37 (Real Friends)

4.8K 74 0
                                    

My Unwanted Bride

Chapter 37

[Kathryn's POV]

"Kath? What are you doing with that girl?"-tanong ni Xyra. Forever mataray talaga. 

"AY! Oo nga pala, hindi mo sya naaalala."

"Pero layuan mo na yan!"

I feel guilty. Feeling ko kasalanan ko kung bakit kinamumuhian nila ng ganito si Chesca. Well, I USED to hate her also. Pero siguro nga tama sila. "Don't judge the book by t's cover." 

Sino ba naman kasing di kamumuhian ang babaeng mahal ng mahal mo? Pero oo nga, hindi ko lang siguro narinig yung POV nya. 

"Ahem. Andito ako."-pagpaparamdam ni Chesca.

Nandito kasi kami ng KAPATID ko sa mall. Nag-aya sya. At, bigla naming nakasalubong sina Julia.

"Sa laki mong yan, sa tingin mo di ka namin makikita?"-pananaray ni Xyra.

"WHAAT? HOW DARE YOU CALL ME FAT!"-yun nga lang, ganun pa din si Chesca. Pikon at maarte pa den. Sinabi ko na nga yun sa kanya eh pero sabi nya: "I'm sassy ya know?"

Kaya ok.  

"Julia, Xyra and the rest of you, follow me. Ches, stay here ok? Babalikan kita."-nagkibit balikat si Julia. Mukhang di nya nga alam.

"Kath."-bago pa man ako ratratin ni Julia, nagsalita na ako.

"Julia, Xyra, Mabry, Sofia,April. Hindi ako mawalan ng alaala. Wala akong sakit na amnesia. Ginawa ko lang yoon para magpanggap na nakalimot at para malimutan ng sakit."-yumuko ako at pinipigilang tumulo ang mga luha ko. 

"SAY WHAT?!"-alam Kong ganito ang magiging reaksyon nila. Kaya nga natakot akong sabihin ang totoo.

"Alam kong ikakagulat nyo ito. Alam ko na ang nasa isip nyo, tanga ko nanaman diba? Di pa rin ba ko nagbabago? Still STUPID. sorry guys. H-Hindi ko alam kung anong gagawin para mawala yung sakit. Pero nung, nakita ko si Daniel na walang alam sa lahat, nainis ako sa sarili ko. Kasi kahit anong pananakit na yung ginawa nya para sa akin, mahal na mahal ko pa din siya." -I can't help but to cry. I'm weak. 

Akala ko magagalit sila dahil pinagmuka ko silang tanga. Pero instead, kinomfort pa nila ako.

"Kathryn, Hindi na namin alam kung anong gagawin para wag mo na mahalin si Daniel. Kulang na lang iuntog ka namin sa pader."-Julia

"Hindi kami galit sayo dahil nagtago ka ng lihim sa amin. Naiinis lang kami kase, yan ka nanaman. ilang buwan na ba ang lumipas? Pero heto pa rin tayo sa sitwasyong ganito."-Xyra

"Alam ko yung feeling na masaktan Kathryn. Naramdaman ko din yan. Pero alam mo ang hindi ko maintindihan ay yung pinipilit mo. Kath, hindi ka ba nagsasawa?"-April

"Si JC at ako, seryoso na kami sa isa't-isa. Wala ng peke. Yun dapat ang gawin mo Kath. Magpakatotoo ka Kathryn. Tapatin mo yung nararamdaman mong sakit."-Mabry

"Alam mo Kathryn, sa bawat araw na nakikita ka naming umiiyak dahil kay Daniel, sumaludo ako sa'yo. May mga tao pa palang ganyan magmahal ano? Yun tipong kahit araw-araw ipinagtatabuyan ka nya, ok lang? Yung tipong wala naman syang pake sayo pero concern ka pa den sa kanya? Ang sarap umasa, lasang tanga. Kung iniisip mong mahina ka. Mali ka. Ikaw na ata ang pinaka matapang na taong nakilala ko. Isang taong kayang maging etsapwera. Isang taong okay lang maging second option. Isang taong ok lang na magtiis at umasa para sa taong mahal nya.  Alam kong mahal na mahal mo si Daniel. Alam naming lahat na mahal ka na rin nya. Kasi sa mga araw na wala ka, pangalan mo an palagi nyang sinasabi. Lagi ka nyang hinahanap. Para na nga syang baliw. Kaya nuong bumalik ka. Di nya lam kung saan ilalagay yung tuwa nya eh. Kaso sinabi mong nagka amnesia ka at ipagpapalit mo sya kay Khalil. Nasaktan sya ng sobra. Nung un, naiinis pa kaming lahat sa kanya kasi, sa ganung bagay lang nagalit na sya? Eh ikaw ng ahalos buong buhay mo eh sinakripisyo mo na para sa kanya. Pero nawala yung inis na yon ng sinabi nya sa amin ang dahilan. Naiinis sya sa sarili nya. Kasi pinakawalan ka pa. Siya daw yung tanga. Siya daw yung g*go. Kasi hindi nya man lang inappreciate yung mga bagay na ginawa mo para sa kanya nung nakakaalala ka pa.Kasalanan nya daw yun. Sinaktan ka niya kaya nangyari yun. Pareho lang pala kayong nasasaktan eh. Wag ka munang sumuko. Wag ngayon. Kasi ngayon ang tamang panahon para lumaban."-natauhan ako sa sinabi ni Sofia. 

Ngayon pa ba ako susuko? Kung kelan totoo na? Daniel. Hintayin mo ako please.

"So tapos na ba kayo sa kadramahan nyo dyan? Can we go shopping na? I'm s boored."-natawa nalang kaming lahat.

At the back of my mind, nangangamba. Na baka hindi nga kami yung para sa isa't-isa kaya kami pinaglalayo ng tadhana. Pero, hindi ngayon ang tamang oras para sukuan ko sya. 

-------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry for the Late update guys >:( Kakatapos lang ng exam eh. Nagpahinga muna aketch XD BTW, HELLO! 3 chapters na lang ata toh o 2? Wa kasing plot eh.

My Unwanted Bride [KathNiel] (REVISING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant