MUB 6

9K 135 4
                                    

My Unwanted Bride

Chapter 6

[Mabry's POV]

"What do you mean? You're not sure about your feelings?"-mukhang interesado talagang syang malaman.

"Oo. Kakasabi lang diba?"-gusto ko lang talagang pagaanin ang hangin dito. Mukhang na-appreciate nya naman ang sarcasm ko.

"Pero, bakit nasa relasyon kayo? I mean bakit ka makikipagrelasyon kung di ka pa pala sigurado?"- Paki tanong yan sa mga (cliche') parents namin.

"Kasi, nagsakripisyo ako para sa mga magulang ko. Para sa kanila lang dapat 'to eh. Kaso ngayon di ko na maintindihan."-nung una talaga dapat sa deal lang 'to. Dapat sa business lang 'to. Pero ngayon, ang gulo na ng nararamdaman ko.

"Ang labo. Hindi ko magets!"-may taglay na kaislowan itong babaeng 'to. Pero mas okay na ngayon. Wala na yung sakit na nakita ko sa mga mata nya. Napalitan na ng pagtataka.

"Sa iyo ko lang ipagkakatiwala ito ha? Ako at si JC, walang kami. Kasunduan lang ang lahat."-kapag naiisip ko yung deal, okay lang. Pero kapag naiisip ko yung mararamdaman ni JC, ewan.

"Y-You're ARRANGED?!"-sinuway ko naman sya na huwag yun isigaw. Gulat na gulat ang kanyang mukha sa kanyang narinig. First time lang ata makaencounter ng ganito. Masyado na kasing moderno ngayon at di na dapat mauso ang mga ganito.

"Kung ganon pala eh, pareho pala tayo."-bigla nanamang lumungkot ang ekspresyon nya. Nagbalik nanaman ang mga sakit sa mata niya. Nakakapagtaka yung sinabi nya.

"Paanong pareho?"-di ko maiwasang magtanong.

"Fixed lang din kami ni Daniel. Ayaw nya sa akin. Nakakainis nga eh na ang tanga ko. Na and martir ko."-yumuko siya para itago ang mga luhang nagbabadya ng tumulo. Niyakap ko na lang siya. Hindi ko kasi alam kung paano ko papagaanin ang loob nya. Hindi sya kumalas sa yakap at tuluyan ng lumuha. May tao ng makakaintindi sa nararamdaman ng i arranged. 

"May mga tao pa palang ganito magmahal?"-hinimas himas ko yung likod nya.

"Minsan kasi kapag nagmahal ka, ang hirap sumuko. Ang hirap sukuan yung taong mahal na mahal mo. Kahit na napapagod na lahat ng parte mo, yung puso mo pilit pa ding tumitibok."-wala akong masabi sa katapangan nitong babaeng to. Ang lupet nya.  Dahil maski ako, hindi ko pinangarap maghabol kahit mahal na mahal ko pa yung lalaki.

Sabi nila pag nagmahal ka daw bigla kang magmamature.Biglang lalalim yung mga sinasabi mong salita.Kaya siguro ganyan siya.

"Ah..Uhm..Sorry sa istorbo. Nagdadrama nanaman ako.Haha. I'm Kathryn Bernardo By the way."-kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha sa pisngi nya.

"No worries.I enjoyed the moment.Nice to meet you. Mabry Fajardo."-I extended my arms for a hand shake and she accepted it .

"Halika na pasok na tayo.Baka hinahanap na tayo sa loob eh." -ako

"Baka ikaw lang."-tapos tumayo na sya at sabay kaming pumasok.

Sa sandali naming pagsasama,magaan na loob ko sa kanya.

Hindi na ako nagulat na may ibang babaeng kasama si Daniel. Mukhang may kasama rin pala si Kath. Gusto ko sana syang samahan para makatakas kay JC. Pero wala na akong choice dahil may kasama na siya. Umupo na lang ako sa tabi ni JC.

"San ka galing?"-nasa stage ang tingin nya pero wala pa din syang emosyon. Ang sarap palaklakin ng emoticons!

"Secret. Na-miss mo na agad ako?"-pagbibiro ko. Siguro naman at sasakyan na nya yung trip ko diba?

"Akala ko kasi di ka na babalik. Aalis na sana ako."-What the?! So iiwanan pa niya ako kung nagkataon? Sarap talaga neto sapakin minsan eh.

Nagsisimula ng rumampa yung mga models. Syempre magaganda at sexy.

Nasa kalagitnaan ng pagrampa yung isang model ng nakaramdam ako ng pagka ihi. Tumayo ako at naglakad papunta sa restroom pero lumalakad ako nung...

"Araaaay!" -napasigaw ako.

Shet! Yung heels ko! Ouch! Hinihiling ko na kainin na lang ako ng semento dahil sa kahihiyan!

-------------------------

"Minsan kasi kapag nagmahal ka, ang hirap sumuko. Ang hirap sukuan yung taong mahal na mahal mo. Kahit na napapagod na lahat ng parte mo, yung puso mo pilit pa ding tumitibok."

Kasi patay ka na kung di titibok puso mo okay?

My Unwanted Bride [KathNiel] (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon