Ika-Labing Walong Kanabata

Magsimula sa umpisa
                                    

Pag diskusyunan? Tungkol saan? Bakit ba pakiramdam ko, hindi maganda ung maririnig ko? Bumubulong ung utak ko na 'kasal' ang diskusyunang iyon ..



"Hayaan mo't sa susunod ay pipilitin kong makadalaw sainyo, nang sa ganon ay mapagusapan namin ng mabuti ang mga bagay na iyon.." tugon ni Gregorio at nagpakawala ng ngiting tulad ng pag ngiti niya sakin..



"At sana'y tulad ng dati, Dalhan mo rin ako ng isang dosenang rosas galing sa inyong hardin, Nawa'y hindi mo sana ipapitas sa iba, nais kong ikaw mismo ang magpitas nang mga iyon para sakin, Goyo.." sambit ng dalaga..



So may parosas ka din pala saknya? Akala ko sakin mo lang ginagawa yun, bakit nga ba nakalimutang kong makalumang fuckboy nga pala siya..




"Maligaya akong makita kang muli Felicidad.. at tulad ng dati, ay maganda ka parin.." tugon ni Goyo..




Parang may kumurot naman sa puso ko sa mga huli niyang sinambit.. Papaalis na sana ko, nang masangga ko ang isang tangkay ng puno dahilan upang magalawan ang mga ito. Napatakip naman ako saking labi upang mapigilan ang ano mang ingay na magmumula sa akin.



Nakita ko namang napatingin sa gawi ko si Goyo. Gayon na din si Felicidad.. Lalapit na sana si Goyo upang usisain kung may tao ba sa lugar na iyon ng maisipan kong magmistulang isang pusa.. "M-Meow, M-Meow" tugon ko.


Natigilan naman ito sa pag lapit mula sa kinatatayuan ko.. "Pusa lamang pala, akala ko naman ay kung ano na.."



Dahan dahan akong lumakad papalayo at papatakbong nagtungo sa loob ng simbahan.. Napaka sama ng loob ko sa mga narinig ko, Hindi ko alam kung ano ba ang nararadaman ko pero para akong nasaktan nang mamataang magkasama si Goyo at ung Felicidad na yun..


Lumuhod ako at nagsimula ng magdasal. Dahil malayo naman ako sa mga tao at nasa may likurang bahagi ako, hindi ko na napigilang kausapin ang Diyos singtulad ng pakikipag usap ko sa tao. Hindi ko kayang magdasal ng tahimik ngaun kailangan kong mailabas ang sama ng loob ko para mabawasan ang hinagpis na nararamdaman ko.

"Lord, bakit naman ganun? Hanggang dito ba naman masasaktan padin ako? Hindi ko maintindihan eh, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.. pero yung nakita ko kanina.. Grabe, parang may batalyon ng mga antik ang nakapasok sa puso ko at sabay sabay nila kinagat ito.. Ang sakit na, ang hapdi pa, Lord.. Hanggang sa taon ba naman na to ma-haheart broken parin ako? Ano to? #heartbrokenSince1898 ba ang peg ko? Napaka unfair naman Lord eh.." sambit ko sa dasal ko. Napayuko ako habang ang ulo ko naman ay nakapatong sa dalawang magkahawak na kamay ko. "Natatakot ako Lord, tama ba to? pero pakiramdam ko...



.....Gusto ko narin siyaaa!" huli kong wika.



Napabuntong hininga nalang ako at napa Sign of the Cross pagkatapos. Tatayo na sana ko ng bigla namang may bumulong sa may tenga ko.


"Gusto mo narin sino, Binibini?" mahinahon niyang tugon. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito mula sa leeg ko dahilan para ikagulat ko.. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakahalukipkip pa ang lalaking iyon habang nakaismid..




Si Gregorio..




Dali dali akong napatayo ako saking pgkakaluhod, at papatakbonh lumabas ng simbahan.


"Sandali lang Kristina, Bakit biglaan ka namang lilisan, hindi ka ba natutuwang makita akong muli. Matagal din tayong hindi nagkita?" Tugon niya. Patuloy padin ako sa mabilisan kong paglalakad. "Sino ang tinutukoy mo sa iyong dasal, Nais ko sanang malaman." pahabol pa nito. Alam kong nakangisi siya sa mga oras na ito at inaassume na siya ang tinutukoy sa dasal ko.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon