Chapter 3

9.5K 200 4
                                    

Freeya Knoxville's




"Kyaahh! Ang gwapo-gwapo talaga ni Yankee-loves ko! Wahhh, look bestfreey oh, my upcoming concert daw siya sa city. Pautang ako pambili ng ticket ha."


Hindi ko pinansin ang pagtitili ng katabing kong si Demi. Nasa loob kami ng classroom habang naghihintay ng teacher para sa next subject namin.


Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko parin ang nangyari kaninang umaga. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa isip ko si Lennox Lucchese. Inaamin kong hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako sa paraan ng pagtitig niya sakin bago niya ako iwan sa stockroom. Alam kong may gusto siyang ipahiwatig na tila babala.


Pero hindi ibig sabihin nun ay natatakot ako sa kanya. Determinado parin akong maging tutor niya. Hindi ko siya aatrasan dahil lang sinabi niya. Kung ayaw man niya sakin, I'll prove to him that I'm not worth of his hatred.


"Hoyyy, bestfreey! Nakikinig ka ba? Kanina pa ako salita ng salita dito ahh."


Haayyy! What am I thinking? Bakit ba parang apektadung-apektado ako sa way ng pakikitungo niya sakin?


"Earth to Freeya Knoxville!!" Napaigtad ako ng biglang sumigaw si Demi sa may tenga ko.


"Ha? Ano yun ulit?" Tanong ko ng tila mahimasmasan.


"Nakikipag-usap lang pala ako sa hangin." Bulong niya sabay irap. "Ano ba ang nangyayari sayo bestfreey? Kanina ka pa ganyan ng galing ka sa guidance office. Nubang nangyari?" Nagtatakang tanong niya.


Napatingin ako sa kanya. "Yung lalaking nakipag-away sa canteen, siya pala si Lennox Lucchese na magiging tutee ko." I said.


Nawewerdohan na tumingin siya sakin. "Ayyy, diba tinuro ko siya sayo dun sa canteen?! Di mo natatandaan?" Tanong niya.


Umiling lang ako bilang sagot.

"So, nakilala mo na pala siya. Musta naman ang first meeting niyo? Ang creepy niya diba?"


"Medyo." Alanganin kong sagot. "Harapan niya ngang sinabi sakin na ayaw niya akong maging tutor. At binalaan din niya ako na hindi daw siya magiging mabait sakin." Kwento ko.


"Sinabi ko naman sayo bestfreey! May something ang lalaking yun! Hindi siya mapagkakatiwalaan. Kaya ngayon palang, humanap ka na ng papalit sayo. Baka kung ano pang gawin sayo ng lalaking yun!" Nag-aalalang babala niya sakin.


I sighed. "Hindi na ako pwedeng umatras. I already said yes to Ma'am Guerero and they are counting on me."


"Hayy naku! Bahala ka. Teka, kelan nga pala kayo magsisimula sa tutorial sessions niyo?"


Napaisip ako sa tanong niya.
Teka, kelan nga ba?


"Ang sabi ni Miss Guerero, as soon as possible daw. Siguro... tomorrow after class?" Alanganin kong sagot.


"Alam na ba yan ng tutee mo?"


"Ahm, hindi ko pa na sasabi."


"Ano pang hinihintay mo? Sabihin mo na, ayun oh."


Sinundan ko ng tingin ang inginungoso ni Demi. Mula sa bintana ng classroom ay kita kong dumadaan si Lennox. As usual, nakajacket na naman siya at nakatakip ang hood sa ulo.


Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon