Chapter 1

15.6K 236 9
                                    

Freeya Knoxville's



Hi! I'm Freeya Knoxville. I'm 16 years old and currently a Grade 10 student at Bolton Academy. I'm a consistent honor student since then. And this year, I'm still confident that I'll be the valedictorian of our batch.


Sikat ako sa buong campus namin. Bukod kasi sa top student ako, they also say na mabait at palakaibigan ako. Totoo naman yun kasi hindi ako plastic na tao, it's really my nature to be friendly.



"Freeya?" Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. "Bumangon ka na. Baka malate ka sa unang araw ng klase niyo."



Oo nga pala, first day of class ngayon. And as a model student, I need to come early and be punctual.



"Yes po, Nanay Nancy! I'll be there in a minute."



Humarap ako sa salamin at nag-ayos. Nanay Nancy is my yaya since the day I was born. She's very kind to me at itinuturing ko siyang pangalawang ina ko.



Ulila na ako. I was 11 years old when my parents met a car accident. Hindi ko alam ang buong pangyayari pero sabi nila, napuruhan daw ang parents ko at dead on the spot.




I wouldn't say that I don't miss them 'cause I really do. Maybe I was really young to even remember the pain kaya siguro nasanay narin ako na wala sila. And besides, I'm still thankful that I'm sorrounded with people who trully loves me.



Bumaba na ako at nagtungo sa dining area. Naabutan ko dun si Tito Franco na nagkakape.



"Good morning, my princess." Ibinaba niya ang hawak niyang cup ng makita ako.



I smiled at him and kissed his cheeks. "Good morning rin po, Tito."



Si Tito Franco ang kumupkop at nag-alaga sakin simula nung namatay ang parents ko. Bestfriend daw niya ang Mom ko at hindi ko talaga siya kaanu-ano. Pero kahit ganun, hindi ko kailanman naramdaman na iba ako sa kanya. He always spoils me and even calls me 'princess'.



In less than, 10 minutes ay natapos na akong kumain. Tumayo ako at isinukbit ang backpack ko.



"Oh, tapos ka na agad kumain? Baka naman nagmamadali ka lang?" Puna niya ng makitang naghahanda na ako.



"Busog na po ako Tito. Papasok na po ako," I said and kiss his cheeks again.



"Hatid na kita." Alok niya.



"No need, Tito. Alam kong may mga aasikasuhin ka pa sa office. And, besides andyan naman po si Manong Rex." Turo ko dun sa driver namin.



"Ok, just call me if you need anything. Enjoy the day, Princess."


I waved at him for the last time then hurriedly went out.



After 30 minutes ay nakarating din ako sa school. Agad akong nagpunta sa may bulletin board to check kung anong section ako. Hindi kasi by academic rank ang sectioning dito. Random ang pagpili kaya halu-halo ang mga students.



Medyo siksikan doon kaya hindi ako masyadong makalapit. Kahit anong adjust ko sa eyeglasses ko ay hindi ko talaga mabasa ang mga nakasulat. Nagulat ako ng may biglang humila sa kamay ko palayo dun.



"BestFreey!"

Tumigil siya at niyakap ako. Hayyst! Si Demi talaga. Gumanti rin ako ng yakap.



Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon