Chapter 17: Dark Sorcerers

9.4K 410 82
                                    

Chapter 17: Dark Sorcerers

Third Person P.O.V

Blue Moon Academy, isa sa pinakamalaki at pinaka mayaman na akademya sa lahat ng Celestial School sa Celestial World. Tinaguriang Royal Academy dahil pinamumunuan ito ng isang reyna ng isang kastilyo ng Blue Moon Castle, walang iba kundi si Queen Lumina Torres II o mas kilala bilang Queen 'Luna'.

Queen Luna is an independent Queen of Blue Moon Castle. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na magpakasal at magkaroon ng bagong pamilya sa kabila ng pagkakaroon ng bughaw na dugo. 

Dahil may kaisa-isa siyang misyon na kailangan niyang tapusin bago siya mawala. Misyon na mas mahalaga pa sa buhay niya. 

At iyon ay ang hanapin at muling ikapiling ang kaniyang anak na matagal nang nawawala. 

"General, may pinadalang liham na galing sa Blue Moon Academy at pangalan mo ang nakalagay sa receiver.." dumating ang isa sa mga royal knight na si Salis sa opisina ng pinuno ng mga royal knights.

Nadatnan niya ang kaniyang hinahanap na si General Arwin Paras, ang pinuno ng mga BM soldiers.

"Para sa akin?" tumayo ito at kinuha ang liham na hawak ni Salis. "Dalawa?" 

"Yes, General."

Binuksan niya ang isang liham at nang makita ang pangalan kung kanino galing ito, napangiti siya at agad niyang isinara.  "Salis, do you want to go to the Earth World?" ngisi ng General at Inihanda ang coat nito.

"General, D-Don't tell me... that letter was from... Ms. Sam?" unti unti siyang nagulat.

"Yes, I need to give these letters to her father just like I promised." he smiled and fixed his clothes. Hindi niya na mailabas ang tuwa niya dahil sa totoo ay nagustuhan niya ang kagiliwan at bait na hatid ng dalagang si Samantha.

Magmula nang sunduin niya ito sa Earth World, hanggang sa ihatid niya ito sa Blue Moon Academy, napalapit na din ang kanyang loob sa dalaga.

"T-Then, is it really possible for me to come, General?" nahihiya pang tanong ni Salis.

"Of course, I'll bring you alone. Two soldiers are only limited in visiting the Earth World... " sagot ng Heneral. ".. Prepare the carriage, I'll inform the queen first." aniya at lumabas ng opisina.

"Understood, General." kumilos na si Salis pagkasabi ng utos.

Samantala, sa kabilang parte ng Blue Moon Castle, sa back tower kung saan nakapirmi ang iilan sa miyembro ng Six Masters, naroon sina Soffira, ang master of fire elements, Wallace, ang master of water elements, at Inzy, master of Ice elements.

Nakabantay naman sa loob ng palasyo malapit sa reyna si Lectron, ang master ng Electric elements. Habang ang dalawang masters na natira na sina Aira, master ng wind elements, at Earl, master ng Earth elements, ay kasalukuyang nasa mahalagang misyon.

"Wallace, tara laban ulit!" maligayang hamon ni Soffira na siguro'y ngayon ay naboboring na siya.

"Sandali lang naman, katatapos lang natin magbakbakan kanina ah?" apila naman ni Wallace habang inaayos ang kanyang sapatos.

"Psh... Boring.." sumimangot si Soffira at umikot ang mata, saktong tumama iyon sa babaeng nakaupo sa log, nakataas ang paa at, umiinom ng tea. Mabilis na nagliwanag ang itsura niya at nilapitan ang babae...

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now