Chapter 1: Gray Eyes

29.5K 766 138
                                    

Chapter 1: Gray Eyes

Sam's P.O.V

"Sam anak, Bumaba ka muna dyan..!"

Nakahilata ako sa kama nang biglang malakas akong tinawag ni Papa sa baba. Ngunit hindi ako kumilos. Nanatiling nakataklob sa ulo ko ang aking malambot na unan dahil pinepeste na naman ng kung anu-anong bagay ang isip ko ngayon.

Until now, I can't believe it...

First time lang 'to nangyari sa akin. As in, first time! Kaya talagang napakahirap paniwalaan.

This is so freaking big deal to me! I mean, sino ba namang hindi magugulat kung biglang magbabago ang kulay ng mata mo nang wala man lang kamalay malay? At ang matindi pa, kulay gray! Nagmukha tuloy akong may lahing Amerikana!

Wala din namang nagbago sa vision ko, ganun pa din. Wala din naman akong diperensiya sa mata, yung kulay lang talaga ang nagbago!

"Samantha!" tawag muli ni Papa kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon.

Tamad kong isinuot ang pambahay kong tsinelas at nagkamot. Maglalakad na sana ako nang mapatingin ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin at agad na napangiwi nang makitang ang dugyot kong tignan. Walang suklay ang brown at mahaba kong buhok, ang damit ko ay wala sa ayos at bahagya pang sumisilip ang strap ng bra, at ang matindi ay halatang halata ang eyebags kong nanununtok!

Hindi kasi ako nakatulog ng ayos kagabi kakaisip sa matang ito at kay... Liam.

Dahan dahang lumapit sa salamin para mas lalong mapagmasdan ang bagong kulay ng aking mata. Ginusot gusot ko iyon, pinalakihan, kumurap kurap, at tinampal ko pa para makasiguro kung namamalikmata lang ako pero hindi eh. Kahit ano yatang ritwal ang gawin ko sa matang ito ay walang mangyayari.

Goodbye brown eyes na talaga...

Malalim akong nagbuntong hininga, kinuha ko ang aking itim na shades sa aparador at isinuot bago ako bumaba ng hagdan para salubungin si papa.

"Pa.." naghikab pa ako nang makababa na ng hagdan.

Nandoon siya sa sala. Nakaupo sa sofa at sa harap niya ay may maliit na box na mukhang mamahalin dahil malinis ito at kumikinang kinang pa.

"Anak, halika rito.." aniya hanggang sa makaupo na ako sa tabi niya. Nasa maliit na box lang ang buong atensyon ko.

Ano kaya 'yan? Jewelry? Gold coins? Anting anting?

"Sam anak, ingatan mo ito hija." naputol ang pag-iisip ko nang bigla siyang may sinuot sa leeg ko. Nagulat ako nang makitang kwintas iyon at may pendant na hugis... shard?

"Pa, para saan ito? Hindi ko naman birthday ngayon ah?" taka kong tanong habang pinagmamasdan ang pendant na shard na walang ilaw. Katatapos ko lang magbirthday noong January 18 at March palang ngayon.

"Anak makinig ka," sabay seryoso niya akong tinignan sa mata at sabing, ".. isa kang special na tao dahil may roon kang shard simula nung ipinanganak ka ng iyong ina. Noong isinilang ka ng iyong ina ay ipinamana niya na mismo ang kwintas na shard na ito. Nilihim namin iyon sayo at tinago yung shard dahil gusto ng iyong ina na palakihin ka ng normal na ta---"

"T-Teka lang pa, ano bang pinagsasabi mo? Joke time ba tayo ngayon?" bahagya pa akong lumayo dahil napaka-straight forward niya!

Hindi niya man lang muna ako tanungin or what bagkus ay sinabi niya iyon sa akin ng diretso na parang nagku-kwento lang!

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon