Chapter 6: Blue Moon Academy

12.7K 522 31
                                    

Chapter 5: Blue Moon Academy

Sam's P.O.V

"You look so tired, Ms. Alcantara. Are you okay?" tanong ni Sir Arwin sa'kin. 

Ngunit hindi ko siya magawang sagutin ng ayos dahil sa pagod na nararamdaman ko.  Isinandal ko ang aking ulo sa aking backpack na nasa tabi ko at pumikit.

Ugh! I'm so drained!

Nakasakay muli kami sa kalesa at papunta na kami ngayong Blue Moon Academy. Ang bilis noh?

Kung tatanungin niyo kung anong nangyari, sobrang daming naganap simula nung tumuntong ako sa Blue Moon Castle. Lalo na nung na-meet ko ang Six Masters. Ang daming nangyari and in short, para akong sumakay ng roller coaster five times in a row!

"How was the meeting with the Six Masters? Did you have fun?" tanong pa ni Sir Arwin pero hindi ako sumagot kahit na gusto kong tawanan ang tanong niya. "I guess not." mabilis na bawi niya nang makita ang ekspresyon ko.

Fun? Hahaha! Baka hell!

"Did you get to know your element power?" hindi ko alam kung bakit puro tanong 'tong si Sir Arwin kahit na alam niya namang walang maisasagot ang kausap niya dahil sa pagod, ".. What is your element?"

Pero dahil may katuturan naman ang tanong niya, "M-My element power? Hmm..." muli kong inalala ang nangyari kaninang umaga.

-Flashback-

"Another!"

Napasinghap ako nang makitang wala pa ding nagbabago sa hawak kong dahon. Dalawang oras na akong nakikipagtitigan dito ngunit wala pa ring nangyayaring kakaiba!

"One more time!"

"Isa pa! Ulitin mo!"

"Wala pa din? Okay fine, ten minutes break. After ay itry mo ulit."

Ibinagsak ko ang katawan ko sa couch at hinabol ang aking hininga. Pinunasan ko ang aking pawis sa noo at ipinikit ang aking pagod na mata.

Nakakainis! Why can't I get it!?

"What's the progress?" tanong ni Ms. Aira na kakapasok lang. Napaiwas ako nang tingin. 

"Zero progress. Ikaw na nga dito, ang hirap turuan ng babaeng 'to!" natikom ko ang bibig ko sa masakit na salitang sinabi ni Mr. Earl sa akin. Naiintindihan ko naman siya pero...

Sorry ha? Wala pa akong experience pag dating sa ganito kaya malamang na mahihirapan ako. Anong ineexpect mo? Sa unang subok ko pa lang ay magawa ko na? Maghanap ka ng ibang client kung gusto mong madalian! 

Naiintindihan ko naman kung bakit siya naiinis pero sana maintindihan niya din kung ano ang sitwasyon ko at kung saan ako galing! 

Because I was not born from this world! 

That's what my evil me wants to say. While my angel me wanted me to stays calm and quiet.

Naramdaman kong may lumapit kaya tinignan ko kung sino 'yon. Si Ms. Aira, nilagay niya ang dala niyang water bottle sa table na nasa harap namin.

"Samantha, are you okay?" she asked softly. 

Napayuko ako, "S-Sorry po Ms. Aira dahil wala pa din po akong progress until now. This is my first time doing this at... hindi ko po alam kung anong dapat kong gawin para magawa ang pinapagawa niyo.." pagtatapat ko.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon