Chapter 54: Third to the Last Chapter

Start from the beginning
                                    

"Shhhh tahan na Sheeria, magiging okay na si Leanna. Don't worry nasa hospital na sila." Napahagulhol lalo ako ng marinig kong nasa hospital na sina Laxy habang hinihintay ang resulta kay Leanna.

.
.
.
.
.

Leveen's POV

I'm so sorry Leanna. I'm so sorry.
Nandito lang kami ni SS, huwag kang bibitaw.

"Sino po ang kamag anak ng pasyente?" Napalingon ako sa doctor ng magtanong siya. Agad na lumapit si Troy, gayundin ako.

"Sino sa inyo ang may type AB na dugo? Kakailangan iyon ngayon, para sa pasyente." Nagulat ako sa sinabi ng doctor, dahil mahirap hanapin ang ganoong klase ng dugo. Bihira lamang sa bansa ang may ganoong klase ng dugo.

"Doc hindi po ba pwedeng pagsamahin na lang ang type A at B na dugo kung sakaling wala kaming makita." Tanong ni Troy.

"Nagpapatawa kaba hijo (iho), hindi iyon maaari. If walang type AB kayong dugo na mahanap, mapapahamak ang kaibigan ninyo. Teka nacontact niyo na ba ang pamilya niya?"

"Wala na po sila. Mag-isa na lang po ang kaibigan namin." Malungkot kong sagot.

Wala akong maisip na tao na may ganoong klaseng dugo. Si Laxy type B, si Troy type O, ako type B, si Sandro type O din, si Sheekk at SS lang ang hindi ko alam ang type ng dugo na meron sila.

"Kung hindi ninyo agad mahahanapan ng dugo ang kaibigan ninyo, ikamamatay niya iyon agad agad. May isang oras pa kayo para makahanap, nasa panganib ang buhay ng kaibigan ninyo, kaya kung sinuman ang kilala niyo puntahan niyo na o tawagan para sa operation. Hindi kami pepwedeng magsimula hanggang walang dugo na maaaring mareplace sa dugong nawala sa kanya." Pumasok muli ang doctor sa operating room at kami naman ay kanya kanyang tawag at search kung sino ang may type AB na dugo na kakilala namin.

"Guys may kilala ako, pero isang araw pa bago siya makarating dito." Sambit ni Laxy.

"Sino ba iyon?" Tanong ni Sandro.

"Si daddy, AB ang dugo niya. Hindi ako nagkakamali nakita ko iyon sa resume niya at passport. AB ang dugo for sure."

"Wala na bang iba Laxy?"

Napaisip ako bigla sa tanong ni Sandro.

"Guys may nakita na ako kung saan. Sandro samahan mo ako." Agad na umalis sina Laxy at Sandro para puntahan ang taong iyon.

After 20 minutes:

Halos lahat natawagan na namin, pero wala pa rin. Hindi pa rin dumarating sina Laxy at Sandro.
Napansin kong lumabas ang doctor.

"Wala pa rin ba kayong nahahanap?" Tanong niya sa amin.

"Ako na lang po." Napalingon ako sa kanan ng marinig ang boses na iyon.

Lumapit ako sa kanya at binulungan.
"SS bakit nandito ka?"

"AB po ang dugo ko."

"Pumasok ka na sa loob." Agad ring pumasok sina SS at ang doctor sa operating room.

.
.
.
.
.

Nakabalik na sina Laxy at Sandro pero wala silang kasama.







.
.
.
.
.

Wyte's POV

"I know where is she." Sambit ni RJ habang nakangiting nakatingin sa monitor ng computer.

"Golden Hospital, here we are." Inihanda na namin ang iba naming gamit para sa operasyon.

"Anu let's go?" Tanong ko sa kanya.

"Sure, let's go."

Umalis na rin agad kami at pumunta sa hospital.



.
.
.
.
.
.

Zekiell's POV

"Tita naaksidente daw po si Leanna." Napalaki ang mata ni Tita ng marinig niya iyon. Kaya agad din kaming nagligpit ng gamit at umalis sa headquarter.

Habang nasa daan napansin ko ang tatlong sasakyan na nakabalandra sa daan, tila may bungguang nangyari sa lugar na iyon. Tiningnan ko ang kalsada may dugo iyon pero wala ng tao. Sobrang daming dugo ang nakakalat sa daan at sariwa pa iyon.

May limang police na nakatayo at kausap ang dalawang lalaki at isang babae na may ari siguro ng sasakyan.

.
.
.
.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami sa hospital. Maraming reporter ang nasa labas, kaya nakakapagtaka. Napansin ko rin na nandoon ang sasakyan ng NIU team.

May lumapit na reporter sa amin ni Tita ng makababa kami sa sasakyan.
Pero may humarang sa kanila, ang NIU team.

"Kailan pa po nahanap si SS?" Tanong ng reporter sa akin. Nakapagtataka bakit iyon ang tinanong niya.

"Sino po ang nakahanap kay SS?" Sunod na tanong ng isa pang reporter. Hindi ko na lamang iyon pinansin, at nagpatuloy na lang kami ni Tita sa pagpasok sa hospital.


"Laxy kamusta si Leanna?" Salubong na tanong ni Tita.

"Nasa operating room pa po siya Tita."
Sagot ni Laxy.

"Teka bakit ang daming reporter sa labas?" Sunod na tanong ni Tita.

Napansin kong nagkatinginan sina Laxy, Troy, Sandro, Sheekk at Dea ng itanong iyon ni Tita.

"Hindi po namin alam Tita."

"Laxy, inuulit ko ang tanong bakit may reporters sa labas at bakit nandito ang NIU team?" Ulit na tanong ni Tita.

Napansin kong papalabas na ang doctor kaya hinawakan ko si Tita sa braso.

"Stable na ang lagay ng kaibigan ninyo, pero kailangan pang obserbahan ang kalagayan niya sa ngayon. Mabuti na lamang at nakaabot kayong idala ang kaibigan ninyong may dugong AB. Sa room 202 niyo na lang siya hintayin." Umalis na ang doctor matapos sabihin ang mga iyon. Nagulat ako sa sinabi niyang kaibigan nila na may dugong AB.

Sa lahat kasi ng kakilala ko si Leanna at SS lamang ang may dugong AB sa aming lahat.

"Si SS ba? Si SS ba ang nagdonate ng dugo?" Muling tanong ni Tita.

"Tita sa room 202 na lang tayo mag usap, para makaupo po kayo." Mahinhing sambit ni Laxy.

.
.
.
.
.

Sheeria's POV

Pasensya na Leanna kung hindi kit agad sinabihan. Alam kong nag aalala ka sa kalagayan ko, pero dapat pinakinggan mo muna kaming magpaliwanag. Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan, pero mahal na mahal ko kayo ni Dea. Kayo ang nakasama ko mula 1st year college hanggang makagraduate ako. Kaya kayo na rin ang itinuring kong pamilya.

Nakatingin lang ako sa nakahigang si Leanna na binibihisan ng dalawang midwifery at pinupunasan ang katawan dahil sa dugong nakakalat sa katawan ni Leanna. Nakahiga pa rin ako habang hindi pa nakakarecover ang katawan ko matapos kong magdonate ng dugo. Medyo nahihilo pa ako, hindi kasi ako sanay magdonate ng dugo. At ito first time ko, first time magdonate ng dugo.

.
.
.
.
.
.

RJ's POV

"Nakahanda ka na ba Wyte?"

"Oo nasa rooftop na ako." Sagot ni Wyte sa kabilang linya, habang ako naman ay nasa second floor at naghihintay sa pagdating ng bisita.

"Malapit na sila pero hindi nila kasama si SS. Isuot muna ang mask mo." Sambit ni Wyte sa kabilang linya.

Agad ko din siyang sinunod, umupo ako sa tabi ng isang doctor na nakaupos din. Nang makalampas sina Laxy ay agad din akong sumunod sa kanila. Hindi nila ako makikilala sa suot ko, kaya nilakasan ko ang loob kong sundan sila kung saang room sila pupunta.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now