Chapter 46: Broken Hearted

6.1K 58 12
                                    

Here is the UpDate guys..

Dedicated to those broken hearted, specially to myself. Huhu, comfort me guys. Huhu :(

.
.
.
.

Chapter 46: Broken Hearted

Troy's POV

"Teka may idadagdag ako."

"Anu yun ate?"

"Minsan nagpapakipot kami, pero minsan rin na kailangan talaga naming umiwas. Yun bang malawakang space."

"Ganun po ba?"

"Yes, kaya sa susunod alam muna ang gagawin."

"Pero ate iba talaga kasi ang ikinikilos niya eh."

"Hayy Troy umalis ka na nga, busy ako. Di joke lang."

"Salamat ate."

"Sige, ingat ka."

"Bye."

.
.
.
.
.

Leanna's POV

Hindi ko na alam ang gagawin, nalilito na ako. Anu ba kasi ang nangyayari? Bakit? Bakit?

"Leanna, kailangan mong maniwala sa akin. Mas makakabuti kong makikipagtulungan ka sa amin, para mas madali nating mahuli si Dea."

"No Wyte, alam kong may ebidensya kayo pe pero si Dea kasi yun eh. Si Dea yun, kaibigan ko siya, kaibigan namin ni SS!" Nanghihina na ako ng sabihin ko iyon.

Pati ba naman si Dea pagbibintangan nila.

"Alam namin Leanna, pero siya talaga yung palaging lumalabas sa detector namin."

"No, hindi maari. Diba nagkamali kayo kay Lena, so baka nagkakamali din kayo kay Dea. She can't do that, she can't."

"Leanna."

"No! No!"

.
.
.

"Wyte tama na!"

"Pero Sandro.."

"Wyte. Hayaan muna natin siya, okay?"

"Okay."
Nangangatal ako sa takot sa bawat usapan nila.

"Leanna ihahatid na lang kita, magpahinga ka muna. Tara." Inalalayan ako ni Sandro palabas ng opisina, wala ako sa sarili habang palabas ng opisina.

"Magpahinga ka muna Leanna, then kung kaya muna bukas pwede ka na ulit pumasok. Okay?"

"Sandro please huwag si Dea."

"Shhhhh, oo uulitin na namin ang research. Then tatawagan kita agad kapag tapos na kami. Magpahinga ka muna."

.
.
.
.
.

Sandro's POV

Dumukot si Leanna sa kanyang bag at kinuha ang susi, iniabot sa akin ni Leanna ang susi ng kotse, pinagbuksan ko siya ng pinto. Pero hindi pa rin siya pumapasok. Nakatayo lang siya at nakasimangot.

"Bakit?"

"Bakit ang mga kaibigan ko pa? May ginawa ba akong mali?" Agad na tanong sa akin ni Leanna.

"Leanna sa bahay mo na lang, okay?"

"Sabihin mo nga sa akin Sandro, may ginawa ba akong kasalanan? May may nasabi ba akong hindi maganda? Anu?"

"Leanna tama na, sa bahay ka na lang muna. Magpahinga ka muna." Mahinahon kong sambit.

"Hindi eh." Nagsimula na siyang umiyak ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam ang gagawin kung papaano ko patatahin ang babaeng nasa harapan ko.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now