Chapter 53: Fourth to the Last Chapter

Начните с самого начала
                                    

"Pero pwede bang hindi na lang kita kapatid?" Sunod niyang tanong sa akin. Napansin kong napatungo siya sa sinabi niya, tila nahihiya siya.

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan na tumingin siya sa akin.

"Pwede bang huwag mo na lang isipin ang bagay na iyan?" Balik kong tanong sa kanya.

"Pe pero."

Niyakap ko siya ng mahigpit ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit pero iba talaga ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Parang walang iniisip na problema, dahil sa bawat ngiti niya ligaya ang aking nadarama.

"Mahal na mahal kita Sheeria. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo na hindi tayo magkapatid, takot kasi akong malaman mo na mahal kita then iba ang mahal mo." Ang hula kong bibitaw si Sheeria ay mali.

"Mahal na mahal din kita Laxy, masaya ako dahil hindi tayo magkapatid. Pero mas masaya ako dahil pwede na akong lumabas labas."

Bumitaw ako sa yakap niya at hinawakan ang kanyang pisngi, namumula ang mukha niya ng hawakan ko iyon. Napatingin ako sa mapula niyang hugis pusong labi, tiningnan ko siya sa mata, sa magkabilang mata.

Napalunok si Sheeria habang tinititigan ko siya. Dahan dahan kong inilapit ang aking noo sa noo niya, hinawakan ko ang matangos at maganda niyang ilong. Ramdam ko ang namumula niyang mga pisngi. Hindi ko alam ang ginagawa ko, pero napapikit na lang ako at hinalikan ang kanyang mapulang labi. Hindi ko alam kung nakapikit din siya.

Hindi ako gumagalaw sa akin kinatatayuan, pagkamulat ko nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Pareho kaming hindi gumagalaw. Nakapikit siya at dinadama ang pagkakalapat ang aking labi sa labi niya.

Maya maya pa ay bumitaw na ako, ang mapula niyang pisngi ay nawala matapos mangyari iyon.

"Mag magpapahinga na ako." Nahihiyang sabi ni Sheeria at tumungo ng kaunti.

"I love you." Sabi ko sa kanya kaya napatunghay siya at nginitian ako.

.
.
.
.
.
.
.

Sandro's POV

Napalaki ang mata ko ng makita ang ibang files ni Whychael, kahit gabing gabi na ay dilat na dilat pa rin ang mata ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nalaman ngayong gabi.

.
.
.
.

Kinaumagahan

.
.

Whychael's POV

Pagbabayaran mo ito kuya. Ang sabi mo palagi kang nasa likod ko, pero pinabayaan mo ako. Wala kang ginawa habang dinadakip ako, ang sabi mo hindi krimen ang pinapagawa mo pero isinabit mo ako, kaya isasabit din kita.

"Whychael sino ang taong ito?" Napatingin ako sa pangalan na nakasulat sa aking mga ID.

"Si kuya iyan." Agad kong sagot.

"Whychael, Trey Bautista ang nakalagay dito. Papaano naman magiging si Wyte ito?"

"Sinadya niyang ibahin ang pangalan pero si kuya talaga iyan."

"Okay maiba tayo, bakit gusto mong patayin si SS?"

Naiyamot ako sa tanong niya.
"Hindi ko sabi balak patayin si SS!" Sigaw ko.

"Binabalak pwede diba?" Mas lalo akong nainis kaya himpas ko ang lamesa.

"Bakit ko naman papatayin si SS?"

"Teka bakit ako ang tinatanong mo? Eh ikaw nga itong pilit gustong kuhanin ang red paper ni SS."

"Oh anu naman ang meron sa red paper na iyon?"

Pay Mo' SS (FAMOUS)Место, где живут истории. Откройте их для себя