Chapter 52: PLEASE

Start from the beginning
                                    

.
.
.
.

"I'm back!" Sigaw ko bago pumasok sa bahay.

"Nakuha mo agad?"

"Hindi pa, mamayang gabi pa."

"Huh?"

"Sige kuya maglalaro lang ako ng basketball, bye."

.
.
.
.
.
.

Sheeria's POV

"Laxy tumawag sa akin si Tita, nakuha na ni Chael ang papel."

"So ibig sabihin nakabalik na ang lalaking iyon."

"Sure ba kayong gagana ang plano niyo?" Tanong ni Troy sa amin ni Laxy.

"Oo naman si Sheeria pa."

"Teka nga Laxy, bakit Sheeria ang tawag mo kay SS?"

"Ah yun ba? Sa lahat kasi ng classmate ko noong grade school, pangalan niya lamg yung una kong nasaulo. Kakaiba kasi, kaya iyon ang una kong natandaan sa lahat." Napatingin ako kay Laxy ng sabihin niya iyon.

"Ahhh okay. So pwede ko ba siyang tawaging Sam?"

"Huh?"

Nagkatinginan sina Laxy at Sandro ng sabihin iyon ni Troy.

"SS na lang Troy. Hindi kasi ako sanay na tinatawag sa pangalang Sam, specially if hindi yung taong karapat dapat ang magsabi no'n."

"Bakit naman?" Tanong ni Sandro.

"Mahabang istorya."

"Dali na, bakit nga?"

"Sa susunod ko na lang sasabihin."

Napatingin sa akin si Laxy ng sabihin ko iyon.

"Bakit nga?" Tanong ni Laxy. Parang naexcite akong magsabi ng itanong iyon ni Laxy, huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Sina mommy at daddy lang kasi ang tumatawag sa akin sa pangalang Sam. After nilang mamatay wala ng tumatawag sa aking Sam, kaya ayaw ko ng may tumawag no'n sa akin kahit kailan. Mas comfortable ako sa pangalang SS."

"Bakit si Laxy? Sheeria ang tawag sayo."
Tanong ni Troy.

"Okay lang sa akin na Sheeria ang itawag sanay na ako doon."

"Huh? Diba this year lang kayo naging close ni Laxy?"

"Sa lahat kasi ng tumawag sa akin sa ibang pangalan hindi ko feel yung sincerity nila, pero noong si Laxy ang tumawag parang woah bago iyon ah. So I accept my new nickname from him, ang cute nga eh."

Napangiti ako ng malaki ng sabihin ko iyon, napatingin pa ako kay Laxy ng nakangiti. Ginantihan niya rin ako ng magandang ngiti kaya mas lumaki ang ngiti ko.

"Siya siya magtrabaho na."

.
.
.

Troy's POV

"Laxy kamusta pala si Leanna?" Napatigil ako sa pagtatype ng marinig ko ang pangalan ni Leanna, napatungo ako sabay tingin kay SS.

Dalawang araw ko ng hindi nabibisita si Leanna magmula ng makilala ko si SS, iba kasi ang feelings ko kapag kasama ko siya. Iba yung nararamdaman ko, yun bang ang gaan sa pakiramdam na parang wala kang problema.

"Si Troy ang tanungin mo, sila yata ni Leanna."
Napabalik ako ng tingin sa monitor ng sabihin iyon ni Laxy.

"Troy kayo ba?"

"Ah hi hindi pa, nili nililigawan ko pa lang. Ito naman si Laxy, hoy hindi pa kami ni Leanna."

"Eh patay na patay ka kaya kay Leanna."

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now