Chapter 49: Face Off

Start bij het begin
                                    

.
.
.
.
.
.

Sheekk's POV

"My lady bakit po kayo nakasimangot?" Tanong ng babaeng nasa harapan ko na muntik ko ng masampal kahapon.

"Huwag mo na akong tawaging My Lady."

"Bakit naman po?"

"Huwag ka na rin gagamit ng po kapag kausap ako."

"Eh boss ko po kayo."

"Huwag mo na rin akong tatawaging boss."

"Bakit naman po?"

"Sinabing huwag ka ng gumamit ng po!" Napasigaw ako sa mga sandaling iyon. Kita ko sa mata niya na nagulat siya kaya pumikit na lang ako.

"Pwede ka ng bumalik sa pamilya mo."

"Tinatanggalan mo na ako ng trabaho?"

"Hindi, magpahinga ka na at mamuhay kasama nila. Sinabi ko na rin kina mommy at daddy na ako na ang bahala sa sarili ko. Malaya mo ng gawin ang lahat, malaya ka na ate Hezell."

"Pero paano ko mapapagamot ang anak ko kung wala na akong trabaho?"

"Si mommy at daddy na ang bahala doon, pupuntahan ka nila sa Singapore."

"My Lady."

"Please ate Hezell, huwag mo na akong tawagin sa ganyang pangalan."

"Pero."

"Ikaw na lang po ang magsabi kay SS ng lahat lahat, sana maintindihan niya ang lahat."

"Salamat Sheekk."

.
.
.

After naming mag usap ay agad na ring umalis si Ate Hezell, oo tama kayo ng basa si Ate Hezell na Tita ni SS.

Siya ang nagpalaki sa akin habang nasa ibang bansa ang mommy at daddy, hindi niya masyadong naaalagaan ang pamangkin niyang si SS dahil sa akin, gayundin ang anak niya na si Hanny. Malaki ang kinikita niya sa pamilya namin, pero lahat yun napupunta lang sa pagpapagamot sa anak niyang ni Hanny. Mas lalo akong naiinggit kay SS everytime na nakikita kong masayang masaya sila, kahit na patay na ang magulang ni SS.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang inggit ko sa kanya, eh wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Feeling ko kasi napaglalamangan niya ako sa lahat mula noong grade school.

Oo matalino siya, tanggap ko iyon pero pati ba naman sa beauty pageant aagawin niya sa akin. Kaibigan ang turing niya sa akin, pero ako kaaway feeling ko kasi kinukuha niya ang lahat na dapat ay sa akin.


Leanna's POV

Matapos ang lahat ng mangyari kanina, tila gulong gulo na ng buhay ko. Hindi ako naniniwala na si Dea ang nagplanong tanggalin ako sa aking magandang trabaho, gayundin ang pagiging impostora niya. Kaibigan niya ako at hindi niya iyon magagawa sa akin. Matagal na ang pinagsamahan namin, at kilalang kilala na namin ang isa't-isa.

Ngayon pa ba? Ngayon pa kung kailan kami nagsilakihan.

"Okay ka na ba?" Napalingon ako sa likuran ng marinig ko ang boses ni Troy. Agad ko naman siyang niyakap matapos naming maghintay sa kanilang dalawa ni Sandro.

After that agad na rin kaming umalis sa lugar na iyon. Nauna ng umalis si Wyte kasama si RJ, gayundin sina Tita Charee at Zekiell, habang mag-isa naman si Laxy, katulad ni Reeyah.

Umuwi muna ako after no'n, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi ni Reeyah o babaliwalain ko lang ang lahat

"Magpahinga ka muna." Sambit ni Troy habang naglalakad kami papasok ng bahay ko.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu