Chapter 48: THE INTERVIEW

Start from the beginning
                                    

.
.
.
.

Laxy's POV

"Wala po si SS sa kwarto."
Narinig kong sabi ng babaeng kaharap ni Sheekk.

"Anu ba naman yan? Bakit kasi hindi ninyo binabantayan ng ayos!? Yun na nga lang ang gagawin niyo di niyo pa magawa!"

"Sheekk okay lang. Ako na ang bahala." Mahinahon kong sabi kay Sheekk na namumula na sa galit.

"Anu ganun na lang yun? Wala na, wala na ang plano. Ito kasing babaeng ito!" Sabat niya sa babaeng kaharap.

"I'm sorry My Lady."

"Sheekk pwede ba tayong mag usap sandali?" Tanong ko sa kanya.

.
.
.
.
.
.

"Kailangan mo ba talagang pagalitan ng ganun ang kasama mo? Isipin mo naman siya na ang tumayong ate sayo para alagaan ka habang nandito ka sa Pilipinas. At ang ginagawa natin ngayon ay para rin sayo."

"Kasalanan niya kasi kung bakit nakatakas si Sheeria!"

"So anu kung nakatakas siya?"

"Kung magsumbong?"

"Ang klase ni Sheeria ay hindi nagsusumbong ng basta basta, matalino siyang babae pero nadadaya pa rin siya. Kaya ipaubaya mo na lang sa akin ang pagkuha ulit sa kanya."

"Para saan pa Laxy? Kilala ka na niya, alam na niya!"

"Ako na ang bahala doon, basta huwag ka lang sisingit."

"Okay, bahala ka. Basta uunahan na kita Laxy, ayaw kong madadawit ang pangalan ko dito."

"Makakaasa ka."

After naming mag usap ay agad na rin akong pumunta sa headquarter, tanging si Zekiell at Tita Charee lang ang nandodoon. Mag iisang linggo ko ng hindi nakikita si Wyte matapos ang pagkawalang sala ni Lena Lopez.

Agad rin akong pumasok sa office ng makarating. Bumungad sa akin ang nagpupulong na sina Wyte, Zekiell, RJ at Tita Charee. Kasama rin ang dalawang lalaki na sina Troy kapatid ni Lena at Sandro pinakamagaling na detective.

"Laxy nandito ka na pala."

"Anung meron?" Tanong ko sa kanila.

Himala at nagpakita si RJ matapos niyang subukan ang tumakas sa grupo namin.

"Nandito kami Laxy para sabihin sa inyo na iniimbetahan kayo ni Director Mabasa para sa malawakang interview."

"Para naman saan?" Agad kong tanong.

"Para sa kaso ni SS." Sagot ni Sandro.

"Kayong lima ang huling nakasama ni SS noong araw na mawala siya."

"So sinususpetsyahan niyo kami na kasalanan namin kung bakit nawala si SS?" Tanong ni Zekiell.

"Hindi naman sa ganun Zekiell. Gusto lang alamin ni Director Mabasa ang lahat ng nangyari bago ang lahat lahat."

"So ganun na nga pinaganda niya lang." Sabat ni RJ.

"Bukas na iyon kaya paghandaan niyo iyon. Sa NIU office ang lugar, 9:00 am."

"Aalis na kami, may aasikasuhin pa kasi kami."

"Sige Wyte, Sandro at Troy."

Agad ring umalis sina Wyte matapos nilang sabihin ang mga iyon.

"Kayong tatlo pupunta ba kayo bukas?" Tanong sa amin ni Tita.

"Opo naman Tita, para malinawan sila na wala tayong sabit diba?"

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now