Chapter 32: Story of Leanna

Start from the beginning
                                    

"Sino ang katawagan mo pala kanina?" tanong ni Tita kay Zekiell.

"Ah yun po ba, si RJ po. Ipinaalam ko lang sa kanya yung about sa ibinigay niyang imbestigasyon.

"Uhm Tita, kailangan ko pong umuwi ng maaga para may time po akong makapag ayos ng gamit para hulihin si Lena bukas." pagpapaalam ni Laxy.

"Kami din Laxy kailangan din naming umuwi ng maaga, nagpaalam na rin itong dalawa." sagot ni Tita.

"Babalik kami bukas para dakipin si Lena, and dumiretso na kayo bukas sa office ko para ipaliwanag sa kanya ang mga ebidensyang nakalap niyo."
May kutob talaga ako na parang may mali sa mga ginagawa namin ngayon, hayyy hindi ko talaga magets kung anu ang gusto kong sabihin.

"Wyte, make sure na makakapunta kayo ng maaga bukas." sambit ni Tita habang nag aayos ng gamit.

"Tita pwede ko ba isama si RJ?" tanong ni Zekiell.

"Diba nagpaalam si RJ na isang linggo siyang mawawala. Paano mo naman siya maisasama?" napalingon ako kay Laxy ng sabihin niya iyon.

"Oo nga naman Zekiell, nagpaalam si RJ ng isang linggo dahil sa family reunion niya. Kaya huwag mo na siyang isama." sagot ni Tita sa mga sinabi ni Zekiell.

Bakit naman parang ayaw niya na kasama si RJ? Anu na naman kaya ang gagawin nitong lalaking ito? Hayyy kung anu ano na lamang ang nangyayari ngayon, ang daming hindi magandang nangyayari. Bakit kasi kailangan pang dukutin si SS?

"Uy Wyte. Hindi ka ba uuwi?" napatingin ako sa bandang gate ng mapansin kong tulala na pala ako.

"Ah uuwi na ba?" tanong ko habang isinusukbit ang aking bag sa aking likuran.

"Abay oo naman, kaya nga nandito na kami. Tara na!" sigaw ni Zekiell sa may labas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dea's POV

Habang nasa kotse patuloy pa rin sa pag iyak si Leanna, sobrang pula na ng kanyang ilong at mata sa patuloy na pag iyak. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang sobrang pag-iisip sa mga nangyari kanina sa proposal niya.

"Hu hu hu."

"Tahan na Leanna, tahan na." habang hawak ng kanang bahagi kong kamay ang manibela at ang kaliwa naman ay nakapatong sa balikat ni Leanna.

Mas lalo siyang umiyak ng ihagod ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang likuran, tumungo siya at sumubsob sa kanyang lap. Ako naman diretso lang na nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho.

Napatingin ako sa traffic light ng tumapat ito sa red color. Itinigil ko ang sasakyan at hinihintay na matapos ang isang minuto para maging kulay green ang traffic light.
Habang naghihintay napabaling ang aking paningin sa tatlong babae na sabay kumakain sa isang fastfood. Kitang kita sa kanilang mga ngiti at mata ang pagmamahalan sa isa't-isa bilang tunay na magkakaibigan. Tawanan, biruan, kulitan at kung anu ano pa. Yung isang babaeng blonde ang buhok na hanggang balikat na medyo seryoso ang mukha, brown eyes ay maihahalintulad ko kay Leanna, maganda, mapagmahal, mabait, nagpaparaya, may malasakit at hindi makasarili.
Yung isa naman ay mahaba ang buhok medyo dark brown na medyo may touch of mahogany na tila highlight lamang, black ang kanyang mga mata. Para naman siyang si SS, maganda, mabait, mapagbigay, hindi makasarili, palakaibigan, mas inuuna ang iba baho ang sarili at higit sa lahat mapagmahal.
Lastly isang babaeng dark brown ang buhok at brown eyes na maihahalintulad ko sa aking sarili, wala akong masabi dahil hindi ko naman talaga alam ang iniisip ng ibang tao sa akin pero kung ako ang magbibigay larawan isa akong walang kwenta sa lahat.

Ganoon ang tingin ko sa aking sarili, lalo na ng magawa ko ang isang bagay na hindi ikatutuwa ng mga nakakakilala sa akin.

Beeeeeeppppppppp
Beeeeeeppppppppp
Bep beppppppppp

Nagulat ako sabay tingin sa traffic light ng marinig ang nakakairitang tunog ng sasakyan mula sa likuran. Agad ko ng pinaandar ang sasakyan ng mga sandaling iyon.

Iniliko ko sa kanan ang sasakyan at patuloy na tinahak ang daan pauwi sa bahay ni Leanna.

.
.
.
Ilang minuto lamang ay narating na namin ang tapat ng bahay niya. Itinigil ko na ang sasakyan at ibinaling ko sa kanya ang aking paningin, napatitig ako sa kanya ng makita siyang nakapikit at mahimbing na natutulog na nakasandal sa mirror window ng kotse ko. Hindi pa rin tuyo ang mga luha na nasa pisngi niya, halos bumakat na iyon sa kanyang pisngi.

Kumuha ako ng wet tissue sa drawer ng kotse at sinubukan kong punasan ang pisngi niya para matanggal ang unti unting natutuyong luha na bumabakat sa kanyang pisngi. Habang pinupunasan ko siya naaalala ko yung mga nakita ko kanina sa fastfood, kung saan may tatlong babae na nagsusubuan ng spaghetti at yung isa naman ang taga punas sa mga lampas na sauce ng isa't-isa. Hindi ko alam kung may namimis ako o wala, hindi ko talaga maintindihan.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now