Chapter 23: Slow Motion

Magsimula sa umpisa
                                    

"SS are you agree with that?" sunod na tanong ng isa pang reporter.

"Of course, it is my first time right. So I grab the opportunity hahaha." napatawa na lang ako sa aking naging sagot.

.
.
Tanong lang ng tanong ang mga reporters at ang media, sinasagot naman namin kung anu ang dapat isagot.

Wyte's POV

"Malapit ng matapos ang press con, abangan niyo na si SS sa main gate." boses ng isa sa mga guard ni SS, kami naman nakaantabay lang sa pagbalik ni SS dito sa studio. Bali nasa first floor sila habang ang studio naman ay nasa fourth floor.

"Swerte ni SS nuh! Hayy kailan ko kaya mararating ang ganyan." mahinhing sabi ni Dea.

"Anu ka ba Dea, paawa ka na naman diyan eh. Huwag ka ngang tumingin sa iba, tumingin ka sa kung anung meron ka. Look isa ka ngang Restaurant Owner, si Leanna naman isang CEO. Pare pareho lamang kayo."

"Ito naman si Zekiell ang dami agad nasabi, hayyy kahit kailan talaga. Ayyy batukan kita diyan." nag aasaran pa ang dalawa niyan, na akala mo aso't pusa kung mag away.

"Where's Leanna, Dea?"

"Ah, malelate daw ng dating may appointment pa. Alam mo naman yun, laging busy."

"Anu ba pinag uusapan niyo?" napalingon kaming lahat sa nagsalita, si Laxy lang pala.

"Oh bakit ngayon ka lang? Kanina pa nagsimula ang press con ah!" bungad na tanong ni Zekiell.

"Bakit di mo kasabay si SS kanina? May problema ba?"

"Ah wala, si Leanna dumating na ba?"

"Hindi pa nga eh."

"Teka si Leanna yun ah?" sabay turo ni Drina
sa may bintana kung saan kita ang labas ng kwarto.
Kumuway kaway naman si Dea habang nakangiti at ito namang si Zekiell kinukulit naman si Dea.

"Uy sorry nalate ako, nagsimula na ba?" bungad na tanong ni Leanna.

"Hindi naman siguro nuh?"

Tokk

"Aray bakit mo naman ako binatukan?"

"Dahil late ka." sabay yakap ni Dea kay Leanna.

"At para naman saan ito?"

"Dahil namis kita."

"Talaga lang ha."

"Eh ilang araw na kaya kitang hindi nakikita. Tapos madalang ka pa pumunta dito."

"Baka ikaw? Eh kahapon lang nandito ako." pambaba uy ni Leanna kay Dea. Ang ingay ingay nung dalawa, sina Kianna at Drina naman nakikinig at nanonood sa press con sa monitor habang si Zekiell ayon nangungulit kay Dea.

"Ikaw diyan ang madalang sumama sa amin ni SS. Ilang araw din yun, teka bilangin ko lang. Hmnn isa, dalawa, tatlo...

"Oo na!" sigaw ni Dea.

"Tumigil na nga kayo!" nagulat ako ng sabay naming nasambit iyon ni Laxy.

"Buti naman at nagsalita na kayong dalawa. May problema ba?" tanong ni Zekiell.

"Ah wala naman." sabay ulit naming sambit.

"Tapos na sila." excited na sambit ni Kianna.

Napalingon kaming lahat sa monitor, nagkakamayan na sila. Tiningnan ko si Laxy nakatitig lang siya sa monitor, kaya napasimangot ako. Tiningnan ko ang tinitingnan niya, si SS na nakangiti at nakikipagkamay sa isa sa mga cast ng pelikula.

Ang ganda ganda talaga ni SS kahit kailan. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kulay white, at bagay na bagay talaga siya sa mga lalaking hindi siya sasaktan.

"Hoy hindi ka ba sasama?" nagulat ako ng may tumapik ng balikat ko.

"Bakit saan tayo?"

"Sasalubungin si SS, tara bilis nasa labas na silang lahat." hinila ako ni Zekiell palabas ng studio at naghihinatay sa pag akyat ni SS mula first floor.

"Ang ingay ng mga fans ni SS!" sigaw ni Zekiell, halos mapuno ang labas ng studio sa sobrang daming tao. Sikat na nga si SS.

"Tara Wyte salubungin natin si SS." sabay akbay sa akin ni Laxy, napatingin lang ako sa kanya ng diretso. Nginitian naman niya ako at hinila palapit kay SS.

"Hindi na." nagpumiglas ako kaya nabitawan niya ako, sumimangot siya pero muling ngumiti. Lumakad na siya papalapit kay SS, nagsigawan naman ang mga tao ng lumapit si Laxy. Para silang love team sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao.

"Yown nilapitan na ni Prince Laxy si Princess SS hahaha." naasar ako sa sinabi ng isang babae na naghihintay kay SS paakyat.

"Wyte!" napalingon ako sa sumigaw. Kumakaway siya at nakangiting hawak ang camera, tila nag eeslow motion ang paligid. Dahan dahan akong tumingin sa isa niya pang tinuturo.

Paglingon ko magkasabay na sina Laxy at SS, habang nakaangkla ang kamay ni SS kay Laxy. Hindi ko lang iyon pinansin, lalakad na sana ako pabalik sa studio ng...

"Wyte!" napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang isang boses na nakakapagbigay kaligayahan sa akin. Dahan dahan akong lumingon at tiningnan siya, nakangiti siya.

"Coooommmmeeee heeeeerrrreee." mabagal na sabi niya, mas lalong nag slowmotion ang paligid.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon