Chapter 25: Insecurities

Magsimula sa umpisa
                                    

Padabog na inayos ko ang mga papel sa lamesa dahil kay inis kay Syrah. I'm sure p-i-n-lano niya ito para maiwan ako kasama si Alastair.

"Here's your tea," alok sa akon ng kadarating lang na si Gaige, may hawak siyang tray na may nakalagay na tasa. "How's everything?"

Sumimsim ako ng tsaa habang nag-uusap sila ni Alastair, itatanong ko na lang kay David ang mga pinapaliwanag ni Alastair dahil ayaw kong makipag-usap sa binata.
Matatapos ang lahat ng ito nang hindi ko siya kakausapin dahil iyon ang tama. Because no matter how much I love him, it's wrong to force us to be together. Kasal siya. May asawa siya. Dapat ay dumistansya kami sa isa't isa.

"Do you want me to take you home?" Alok ni Alastair habang inaayos ang gamit sa suit case niya; si Gaige ay prenteng nakaupo sa office chair niya at sumisimsim ng kape habang pinapanood kami.
Hindi ko pinansin si Alastair at binaling lang ang tingin kay Gaige. "Gaige, pwede bang ihatid mo ako? Wala akong sasakyan. O pwedeng pahiram na lang ng sasakyan?"

Ngumisi siya sa akin. Kung hindi lang siya gwapo ay baka tinapyas ko na ang nakakapanloko niyang ngisi sa labi.

"Walang gas, butas din ang gulong ng kotse. Ihahatid ka na lang ni Alastair." I tried my hardest not to scream. "It's late, Roussanne, let the gentleman take you home."
"Gentleman." Umismid ako. "Dito na lang ako matutulog."
"Nagpa-schedule ka ba? I don't accept visitors if it's not scheduled."
"I swear to God, Gaige Hendrix, I'm gonna rip that stupid smirk off your face." Masama ang tingin na ginawad ko sa kanya na tinawanan lang niya. I know. I fail at looking angry. My face is a curse. Kahit galit ay mukha pa rin akong maamo.

Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas na ng opisina niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko habang hindi mapakaling nakatayo sa harap ng opisina ni Gaige para hintayin si Alastair, na pagkalabas naman ay may malawak na ngiti sa mukha.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" He shrug and went off before me; sinundan ko lang siya at tinitigan ang malapad niyang likod, nakaka-tempt na yakapin siya pero pinigilan ko ang aking sarili.

No.
No.
No.

He's married.
He's off limits.
He's all I ever wanted but he's also the only person I can never have.

Nanibago ako sa pakiramdam sa loob ng sasakyan ni Alastair, it's the same car pero iba ang feeling. Bigla akong nalungkot pagkasakay ko.
He started the engine and we're both silent during the ride. Pinaikot ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng sasakyan na para bang may bago doon. I look stupid kaya naman ay tinuon ko na lang ang ate syon ko sa madilim na daan.

"Do you want to play some music?" Umiling ako. He just sigh because of my silence. "Roussanne, are you going to keep ignoring me?"

Muli ay hindi ko siya sinagot. Ayokong magsalita dahil tuwing nagsasalita ako sa kanya ay pinapahamak ako ng bibig ko. Nasasabi ko ang mga bagay na hindi ko dapat sinasabi sa kanya. He controls everything about me; presensya pa lang niya ay nagagawa nang kontrolin ang damdamin ko, paano pa kapag kinausap ko siya?

"Since you're not talking, ako na lang; I'm going to ask Am—" binuksan ko ang radyo at pinandilatan siya. He just sigh in defeat at tinaas pa ang isa niyang kamay sa ere.

Nanahimik siya. Tanging ang musika na nanggagaling sa radyo ang mariring sa buong kotse, at mukhang nanloloko ang universe dahil kasabay ng pagpalit ng kanina'y upbeat na kanta ay ang biglang pagpatak nang maliliit na butil ng ulan. I can't help but curse in Russian — something that rarely happens, because the last time I curse in Russian was when my dad left us.
Gusto ko na lang magwala dahil para akong sinasaksak ng bawat salita na binibigkas sa kanta.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon