Chapter 25: Insecurities

32.9K 842 68
                                    

JhasMean: Hi, I just want to use this opportunity to remind all of you that you are beautiful. You are amazing. You matter, and you deserve all the love in this world. You deserve to love and be loved. You deserve to exist. And that someone loves you — I love you. And most importantly, I want to remind you that you are stronger, and bigger than all the challenges life throws at you.

!!!TRIGGER WARNING!!!

Chapter 25
Roussanne Shelkunova

"Seryoso nga, bakit ayaw mong tanggapin si Alastair?" Muling tanong ni Syrah. Hindi niya talaga ako tatantanan hanggang sa sagutin ko siya.
"Kasi puta ako," sabay inom ko ng tsaa. "Kasi hanggang ngayon, ganyan pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Mababa pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Ayokong magmahal nang iba hangga't hindi ko pa mahal ang sarili ko."

Natahimik si Syrah. Alam naman niya ang nararamdaman ko, alam niya dahil alam kong ganon din ang nararamdaman niya. Ang tanikala na kinabit sa amin ng Exquisite, nakakabit pa rin sa paa namin; and until now, we're trapped. Nakakulong sa hawla na pinaglagyan nila sa amin.
I can't let Alastair love me while I'm still chained to my demons. Sisirain ko lang siya kapag ginawa ko 'yun.

"Hindi ba pwedeng, mahalin mo siya habang tinuturuan mo ang sarili mo na mahalin ka?" She held my hand and lightly squeezed it. "Don't be too hard on yourself."
"I'm not being hard on myself. I just think that for now, this is the best for me. Gusto kong mahalin ang sarili ko at hanapin na rin ang ako na ninakaw ng Exquisite sa akin. Gusto ko muna maranasan na mag-isa, na normal ang lahat sa paligid ko. Na masaya nang ako lang. 'Yung ako lang sa moment na 'yun, 'yung hindi ako nakatali sa nakaraan ko. Gusto ko lang maranasan muna 'yon." Syrah loosen her grip from me.
"You're not going to leave, are you?"

Hindi ko siya sinagot at pinokus na lang ang atensyon sa TV.
Pinag-isipan ko naman iyon, hindi siya abrupt o impulsive lang. Ilang araw rin akong walang tulog dahil sa pag-iisip kung lalayo ba ako o hindi, and I think going away is the best for me. Iyon din ang naging payo ni Papa sa akin. That I should go away, kahit ilang taon lang.
Aayusin ko muna ang sarili ko, ang buhay ko. I want to forget about all the stress these past seven years have brought me.

"But you have to at least say goodbye to him, Roussanne." Tumango ako sa sinabi ni Syrah hbang sinusuot niya ang sapatos niya. "Lagi naman na natin siyang makikita, kahit 'yun lang ibigay mo sa tao. Yes, he hurt you, but he still deserve a goodbye."
"I know. Thank you, Sy." Niyakap ko siya tapos ay pinagbuksan ng pinto.
"Gaga ka, magkikita pa tayo bukas!"

1 week ago:

"Bye," paalam ni David. Nasa bahay kami nila Gaige at Chianti, may mga kailangan kasi kaming asikasuhin.

Napatingin ako sa oras, alas-onse na pala ng gabi.
Si Chi ay nagpapahinga na dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humagaling ang sugat na natamo niya, habang si Gaige naman ay gumagawa ng kape para sa amin na natira dito sa office niya — Ako, si Syrah, at si Alastair. Asti left an hour ago, may pasok pa kasi siya.

"Haaaay!" Pag-iinat ni Syrah, dahilan para mapahikab din ako. "Pagod na ako. Ako'y matutulog na, ha?"
"Hindi ka ba uuwi?" Sinara ko ang folder na hawak at lumapit kay Syrah na basta na lang binato sa lamesa ang mga papeles na hawak niya.
Umiling siya. "I'm too tired. Sabi rin ni Chi na dito raw ako matulog."
Pinandilatan ko siya tapos ay bahagyang tinignan si Alastair na nakangising tinititigan ang papel na hawak. "Paano ako uuwi? Sabi mo, h'wag na akong magdala ng sasakyan kasi ikaw na ang maghahatid sa akin."
"Sorry, wala sa schedule ko." Ngisi pa niya.
"Ibigay mo na lang ang susi ng kotse mo." Lahad ko pa ng kamay ko.
"Sorry, butas 'yung apat na gulong tapos wala pang gas. Bye." Kumakaway pa siya habang palabas ng kwarto.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now