Chapter 14: The Truth

36.7K 1K 23
                                    

JhasMean: I tried updating weekly but there are some changes with my sched sa work kaya hindi ko nagawa. Kapag naka-adjust na ako with my new sched I'll try to update more. Thanks for waiting. :)
--------------------

Chapter 14

Roussanne Shelkunova

David pull out of the kiss and then lay a soft chaste on my forehead. "Good night. I'll pick you up tomorrow?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Good night." Inalis ko ang seatbelt sa katawan ko at bago ko pa buksan ang pinto ng sasakyan ay hinawakan ni David ang kamay ko.

"I love you," he said. Kitang kita ang sinseridad sa mata niya at sobrang nagi-guilty ako dahil kahit dalawang linggo ko nang sinasabi sa kanya na mahal ko siya ay hindi pa rin ako sigurado sa kung ano ba talagang totoo.

"I love you, too." He held my face and kiss my cheek before I got off the car. Tinanaw ko ang sasakyan niya nang umalis na siya. Nanatili ako sa tapat ng gate at nakatitig lang sa kawalan, nawala lang ako sa pagtitig nang may liwanag na tumapat sa akin, galing iyon sa isang pamilyar na sasakyan. Umalis din iyon kagad.

Kabubukas ko lang ng gate nang makasalubong ko si Leonid. Nilampasan ko siya pero hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya, marahas na kumalas ako at humakbang palayo sa kanya.

"Roussanne, mag-usap naman tayo." Pakiusap niya. Umiling ako pero hindi ko magawang umalis sa pwesto ko. "Magpapaliwanag ako at kung hindi mo pa rin ako mapapatawad ay tatanggapin ko."

Tinignan ko lang siya ng masama at pumasok na sa bahay. Walang tao roon. "Nasan sila Mama?"

"Nauna na sa restaurant kung saan kami magdidinner."

"Eh, bakit nandito ka pa?" Nilapag ko ang bag ko sa lamesa at umupo sa sopa. Hinilot ko ang aking sentido dahil sa pagod.

"I want to talk to you." Napangisi ako. Lumabas ang Russian accent niya nang magsalita siya ng Ingles, ngunit tuwing magsasalita siya sa wikang Pilipino ay napakalinis pakinggan.

"I don't want to." Pumikit ako. Naramdaman kong lumundo ang sopa, marahil ay naupo siya, wala akong pakielam. Gusto ko lang magpahinga.

"When I left, Ro--" Nagmulat ako ng mata at naluluhang tinignan siya.

"Wala. Akong. Pakielam. Ano man ang rason mo, hindi na non mababago ang kung ano mang nangyari sa akin. You ruined my life, and I'll you forever for that." Tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ko. "Nagkasakit si Mama, alam mo ba iyon? Siguro nakwento na niya. Naghanap ako ng pera para mapagamot siya. Para maoperhan siya. Tapos ang sumunod naman ay kinailangan ng pera para sa eskwela ng kapatid ko, naghanap ulit ako ng pera. It was easy. Alam mo kung paano ko nakuha ang pera? Kung paano ganon kadaling nakahanap ako ng pera?"

Bumuka ang bibig niya ngunit kahit isang salita ay walang lumabas mula doon, kumunot ang kanyang noo at marahil ay napagtanto ang sinabi ko kaya'y sunud sunod siyang umiling. "No... I left because my Mother told me she'll help you. I left all of you to save you. No..."

"Wala. Dahil kung merong tulong na dumating, hindi ako puta ngayon." Dahan dahan siyang lumingon sa akin, nanginginig ang kanyang labi sa pagpipigil ng iyak, at ang kanyang mata ay namumula at diretsong nakatitig sa akin na hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Seventeen years old ako, walang trabahong tumatanggap sa akin, kung meron man, maliit lang ang sweldo, hindi kakayanin ng pagtatrabaho sa fastfood ang mapa-opera si Mama. So I did the last choice I have, I didn't bother telling Mom dahil alam kong hindi siya papayag, I sold myself to some stranger. Isang gabi lang, kinita ko ang pera pang-downpayment ni Mama. Pero hindi sapat, kaya naulit, sa ibang lalaki naman, hanggang sa mag-eighteen ako, napagdesisyunan kong pasukin ang high class prostitution, mas malaking pera..."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now