Chapter 12:Ang Sumpa Ni Argon

Start from the beginning
                                    

Tumama ang kidlat sa kanyang espada at nagpalabas ito ng nakakasilaw na liwanag.

Humupa ang ilaw at nakita ko si Argon na nakasuot ng gintong kalasag.Hawak niya ang espada na sinunod sa kanyang pangalan,ang Argon's Legendary Hellblade.

"Ako si Haring Argon ng Gehenna,gamit ang espadang binasbasan ng mga diyos at diyosa ng elemento upang sugpuin ang kadiliman na bumabalot sa Buong mundo ng Celestial,ilabas ang iyong buong kapangyarihan."

May lumitaw na limang iba't-ibang kulay na bola ng enerhiya out of nowhere at pumalibot ito sa kanya.

Sumugod si Argon sa lalaking nakaitim at todo iwas naman ito.Ang lalaki naman ngayon ng umaatake,pinapalutang niya ang mga patay na tao sa paligid pati ang mga sandata saka ibinato ito kay Argon.Iwas dito,iwas doon,sangga dito,sangga doon lang ang ginagawa ni Argon hanggang sa umabot na ng ilang minuto ang kanilang laban.

Hinanda ni Argon ang kanyang espada at gumawa naman ang lalaki ng espada na gawa mula sa kanyang itim na enerhiya.Nakakabingi ang tunog ng bawat pagsanggaan ng dalawang espada masyadong malakas ang kalasing nito.Paulit ulit lang ang ginagawa nila lalayo sa isa't isa saka susugod na para bang wala silang kapaguran.

Sa gitna ng kanilang laban ay tinaas ni Argon ang kanya kanang kamay.Huh?nahiligan na ni Argom na magtaas ng kamay ah,bakit may kilikili power ba siya na sa bawat taas niya ng kamay ay may lumalabas na nakakamatay na amoy mula sa kilikili niya?hahahaha jowk..

Tiningnan ko ang lalaking nakaitim at parang estatwa na ito hindi gumagalaw.Ngumisi naman ai Argon.

"Mukhang talo kana ngayon Orthox,dumating na ang oras mo!"sa pagkasabi nun ni Argon ay biglang pumula ang kaninang itim na mata ng lalaking nakaitim at humarap ito kay Orthox.

Napalaki ang mata ni Orthox sa narinig mula sa kalaban niya.Ano kaya yun?At bakit oras na ni Orthox?hmmmm...loading...turtle net...loading error..ah basta di ko na maalala.

"Hindi ba't sabi ko sayo kung hindi ako matatalo ng iyong alas sa loob ng pitong minuto ay mapapasakin ang kapangyarihan niya?"patanong na sigaw ni Argon.

Ah..yun pala yun so it means parang sumpa pala yung sinabi ni Argon bago palabasin ni Orthox ang nakaitim na lalaki.Hep..hep..tama na muna ang pageexplain ko back to what is happening na tayo..nakakaexcite to eh I want to know na kung sinong mananalo..

Agad na nagpalabas ng dalawang alagad si Orthox;isang lalaking may hawak na malaking palakol at isang lalaking puno ng nakapulot na kadena ang katawan,sabay silang sumugod sa lalaking nakaitim ngunit walang epekto ang mga atake nila.Isang kumpas lang ng lalaki ay nagsisiliparan na palayo ang mga kalaban niya.

Dahil tutok na tutok si Orthox sa paggawa ng paraan para matalo niya ang alas niya na nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Argon ay hindi niya namalayan ang pagkawala ni Argon.Sumulpot si Argon sa likuran ni Orthox at agad naman niya itong sinaksak at dahil ligid ito sa kaalaman ni Orthox,hindi na niya naiwasan ang atake ng kalabang hari.

Napaubo siya ng dugo at unti-unting nanghina.Napaluhod siya sa lupa habang hawak hawak ang kanyang tiyan na may malalim na saksak mula sa kanyang likuran.

"Mukha yatang magtatapos na dito ang kasamaan mo."sabi ni Argon at napangiti naman si Orthox.

"Akala mo dito na magtatapos lahat?Hindi Argon nagkakamali ka dahil dito palang mag uumpisa ang lahat,babalik ako sa tamang panahon at sa pagbalik ko ay uubusin ko kayong lahat,papatayin ko kayong lahat at wala na ng makakapigil sa akin!"pagsumpa ni Orthox

Napailing si Argon"Hindi!Tapos na ang kasamamaan m-o...."napatigil si Argon sa kanyang pagsasalita at napaubo rin ito ng dugo.

Unti-unti niyang nilingon kong sino at ano ang tumusok sa kanya at nakita niya ang lalaking nabalutan ng kadena hawak ang isang kadena na may patalim sa dulo nito.

Biglang naging usok ang lalaki kasabay nito ang pagkamatay ng kanyang pinagsisilbihang si Orthox.

Napaluhod si Argon sa lupa habang nakahawak sa kanyang espada na nakatusok sa lupa na nagsisilbing kanyang gabay.

"Alam kong malapit na akong malagutan ng hininga kaya sinusumpa kita aking espada,Oh espada na binasbasan ng mga panginoon ng elemento,gawa sa Impyerno,alaala ng aking mahal na Minerva.Hanapin mo ang iyong bagong tagapangalaga,sunugin at balutin sa apoy ng impyerno ang sumubok na humawak na hindi tinakda.At sa aking pagkamatay ay yaring makakumpleto ang selyo ng aking sumpa."biglang lumiwanag ang kanyang espada at may na form na isang dilaw na magic circle sa lupa kung saan nakatusok ang espada.

Bumulagta si Argon sa lupa at nawalan ng buhay.Doon na siguro nagtapos ang lahat tungkol sa maalamat na espada ng impyerno.

Biglang dumilim ang paligid at sa gitna ng kadiliman ay may isang lalaking nakatayo at nakatalikod sa akin na nakasuot ng isang kalasag na nagliliwanag.

Lumakad ako papunta sa direksyon nito at nang humarap ito sa akin ay sumilay sakin ang mukha ng isang dakilang hari,Si Haring Argon.

Lumuhod ako sa harap niya."Ikaw ba ang pinili ng aking espada na maging tagapangalaga nito?"tanong niya at biglang lumitaw ang espada sa pagitan namin.

"Opo mahal na hari."magalang kong sagot sa kanya.

"Kung ganun ay mahusay pumili ng isang taga-ingat ang aking espada."mahusay pumili?duhh!hindi nga ako marunong gumamit nun eh matanong ko nga sa kanya.

"Paano pong ako ang napili ng iyong espada?"sabay tingala sa kanya.

"Ikaw,binata ay may dakila at mabuting puso,alam ng aking espada na mapapangalagaan mo siya ng mabuti,walang puwang ang poot sa iyong puso at puro kabutihan lang ang aking nakikita yun na rin siguro ang nagustuhan nito sa iyo.."napangiti ako sa aking narinig..nakakaflattered"pero..."ay ba't ganun may pero pa pala haysstt"ang kabutihang nasa puso mo ay may tiyansang maging masama kung magpapadala ka sa iyong emosyon lalong lalo na sa galit,kaya kung ako sa iyo ay gagawin ko ang tama at idaan sa mabuting paraan ang lahat dahil kung hindi, kakainin ng poot at galit ang iyong buong pagkatao."napalunok ako ng limang beses nagbabasakaling mawala ang aking kaba.

"Alam kung kinakabahan ka,kaya wag kang mag alala may gagabay sa iyo pero sa ngayon,Ikaw Damon Kace Somerville na napili ng aking espada na maging tagapangalaga nito kasunod sa akin ay binabasbasan ko na makamit ang buong pwersa at lakas ng aking espada kaya nawa'y ito'y iyong ingatan ng mabuti."pagbabasbas niya sa akin habang nakapatong ang kanyang kamay sa aking ulo.

Nakaramdam ako ng mainit na inerhiyang pumapasok sa bawat kalamnan ng aking katawan,ipinikit ko ang aking mata at sa pagdilat ko nito ay bumalik nako sa kasalukuyan.

To be continued......

Votements naman po diyan....

Magia Academy:The Next Celestial MageWhere stories live. Discover now