"Mommy!" Si Dion ang sumagot nang tawag ko.

"Hey,baby, how are you?"

"I'm okay,mommy, we rode an horse! Daddy brought us in his grandpa's ranch! That was amazing,mommy! I know how to ride a horse now! I'm a big boy!" Nagkwento pa ito tungkol sa pinanggagawa sa buong araw.

"How's Lion? Where is he?" Tanong ko nang mapansing hindi yata nagsasalita sa kabilang linya ang kakambal nito.

"He's still sleeping, mommy" anito.

Napahikab ako bigla, "Tell him to call me when he wake up,okay?" Huminto muna ako bago muling magsalita. "Where's Daddy?" Hindi ko mapigilang tanong, si Lion kasi minsan ang napagtatanungan ko ng ganito pero hindi naman sinasabi kung nasaan, ang laging sagot ay 'I don't know'.

"He's beside me,mommy, eavesdropping, he wanted me to lie and tell you that he wasn't here. I am a honest big boy so I told you what was true" he cutely said, narinig ko ang malutong na mura sa kabilang linya. Napatawa na ako ng malakas. Sabi ko na nga ba, hindi ako matitiis ni Leandro. Gagawa-gagawa yan ng paraan para lang makita o marinig ang boses ko. "Anyway,mommy, we're here in—" bigla na lamang namatay ang linya kaya napanguso ako, paniguradong pinatayan ako nito ng tawag.

Nagpatuloy naman ang mga empleyado ko sa pagtatrabaho. I just gave them some instructions. Yong iba ay hindi na kailangan turuan dahil madaling makaintindi. Si Tyra naman ay busy sa mga calls and papers para sa grand event na ikalawang gaganapin.

Tinawagan ko nalang si Duke, miss ko na rin siya. Malaki rin naman ang naitulong ni Duke sa akin. Nahanap ko ang sarili ko dahil sa kaniya. Tinuturing ko na siyang matalik na kaibigan.

Dalawang ring lang yata ay agad na nitong sinagot ang tawag ko.

"Hey, princess." Yan ang bungad ni Duke. Napangiti naman ako. Di parin niya inaalis ang tawag niya sa aking yan.

"Mangangamusta lang sana ako, so any news?"

Natawa ito. "Mangangamusta o makikitsismis?"

Natawa na rin ako. "Both, so ano? Kumusta ang ipinadala kong ticket sayo? Mahal yan,ah! Kailangan mong makahanap ng babae sa ball nayan. Please, Duke, make yourself happy, lumiban ka muna sa stress"

"Harrietta, I am okay, kung hindi ka sure at nag-aalala ka, balikan mo nalang ako" biro nito.

"Pwede pa?" Pakikisakay ko nalang sa biro niya. "Anyway, kumusta si Luke? Balita sa TV na wala na raw bisa ang kasal niya. At last, how many years he waiter for that"

Buntong hininga ang namutawi kay Duke. "I don't know what's with Luke, malaki na siya, hindi na dapat niya pinagagana ang katigasan ng ulo niya"

Ilang kwento pa ang nangyari pagkatapos ay nagpaalam na rin ito dahil may importanteng business meeting pa raw ito.

Binalingan ko si Tyra na kinalabit ako. Inabot niya sa akin ang isang papel. Napakunot noo ako. Binasa ko ang nakasulat doon at nangunot agad ang noo ko ng mabasa ko ang laman nun.

You know how jealous I am when you are talking to that man, Harrietta, you have no idea!

Napangiwi ako. Ngayon ay siguradong sigurado na ako na si Leandro ay daig pa ang agila, alam na alam ang nangyayari sa akin na akala mo lagi siyang nakamasid, nakatago sa mataas na lugar habang pinagmamasdan ako. Napailing nalang ako at nagkibit balikat. Bahala siya, nagtatampo siya dahil sa pag-alis ko hindi ba? Para rin naman sa kaniya ang ginawa ko,ah? For him to save his company.





Sumapit ang araw ng fashion day. Famous designers and photographers are here. Even famous and known actresses and actors, yong mga sikat na modelo din ay nandito. Maging ang mga nakasama ko noon nang baguhan pa ako.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu