Kabanata 8

43.3K 1.1K 39
                                    

PAAKYAT na ako sa ikalawang palapag ng mansyon ng makasalubong ko si Angelika. Mataray itong nakatingin sa akin habang dala-dala ang isang mop. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag-akyat ang kaso'y hinarangan niya ako, sa pagkakataong ito'y nanlilisik na ang mga mata nito.

"Ikaw!" Duro niya sa akin, nanlaki ang mga mata ko dahil doon. All my life no one dared to point a finger on my face. Ano nanamang problema ng isang 'to?

"Angelika, wala akong pana—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng galit niya akong sumbatan.

Nanlilisik parin ang kaniyang mata,"Dapat ako pinapansin ni Sir,e! Pero dahil sayo nawala ang atensyon niya sa akin." Halos maluwa na ito, ayoko pa namang nakakakita ng babaeng umiiyak lalo na at ako ang dahilan. "Kapag umuuwi si sir, ako na lagi ang hinahanap niya! Ako na lagi ang tinatawag niya! Pero dahil sayo..." Umiyak na ito ng tuluyan.

Hahanapin ka para maglinis ng banyo? Tatawagin ka para maglinis ulit ng banyo? Gusto kong isumbat sa kaniya.

Gusto ko tuloy matawa lalo na nang umiyak na ito ng walang pigil. Go,cry out loud as if I care? Dahil sa pagsama-sama ko kay Lane, nagiging maldita na tuloy ako.

Timpi lang,Harrietta. Huwag kang papaapekto.

"Akala mo hindi ko alam 'yang baho mo! Kunwari mahinhin, kunwari walang ginagawa pero puro ka landi! Inaakit mo pa si Sir Leandro para makakuha ka ng pera sa kaniya!"

Doon na ako tuluyang sumabog. Sinampal ko siya kahit na gusto kong pigilan ang kamay ko. Tuluyang nagiba ang lahat ng pagtitimpi ko.

Nagulat naman siya habang sapo ang pisngi. Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung anong ginawa ko. Nanginig ang kamay ko at itinago ko 'yon sa aking likod.

"A-Angelika..." Taranta kong tawag sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Her eyes were full of anger. "I'm...I'm sorry, hindi ko sinasadya...Angelika"

Lumapit ako sa kaniya at sinubukang hawakan ang kamay niya pero tinabig niya lang 'yon. Ang akala ko'y aalis na siya pero nagulat ako nang hawakan niya ang buhok ko at hilain ako pababa. Halos ingudngod niya ako sa sahig. Shocked was written all over my face. Hindi agad ako nakapagreact.

Pero nang maramdaman ko na ang hapdi ng kamay niya lalo na at sumasayad ang kaniyang kuko sa anit ng buhok ko ay dumaing na ako.

"Aray! Angelika, masakit. Aray!" Daing ko pero patuloy parin siya sa pagsabunot sa akin.

"'Yan nababagay sa'yo! Masyado kang ilusyunada! Ambistosya! 'kala mo mapapansin ka ni Sir!"

Ang sakit! I want to shout for help but I'm afraid that we'll be both fired if someone caught us fighting. Kailangan kong patigilin si Angelika at baka pareho kaming masisante.

"Angelika, masakit na! Please, tumigil ka na—" I stopped talking when I heard an angry voice shouted.

"Get your fvcking hands off of her,bitch!" His voice was very authoritative and dark. Halos ako ang mangilabot dahil sa galit na boses nito.

Angelika's gripped in my hair loosen and I grabbed that opportunity to remove her hands. Ang sakit ng anit ko, pati buong ulo ko ay sumakit na dahil doon.

"Why the hell is your problem!?" Galit na sigaw parin ni Leandro kay Angelika na ngayon ay parang maiihi na, marahil ay sa takot kay Leandro.

Sino nga ba naman ang hindi matatakot sa boses nito. Kulang nalang ay sakalin na niya si Angelika at pasalamat ito'y babae ito.

"L-Leandeo, ayos lang ako" pilit ko pero tinapunan lang ako ng galit na tingin niya.

Maging si Angelika ay napatingin sa akin. Napansin siguro nito ang pagtawag ko ng Leandro lang sa amo namin at walang 'sir'. Well, blame Leandro.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now