Kabanata 6

47.4K 1.1K 30
                                    


"Hindi ka ba hihinto?" Inis kong tanong kay Lane na kanina pa ako iniintriga sa kakatanong kung anong meron sa amin ni Leandro. Minsan gusto ko nalang supalpalan ang bibig ng babaeng 'to.

Tumili nanaman ito. Si Lane talaga ang babaeng may walang hanggang na enerhiya. Kung makatili ito ay parang hindi lang namin kakatapos linisan ang malawak na sala ng mansyon.

"Si Sir Leandro 'yon! Harrietta! Jackpot ka 'pag nagkataon!"

Umiling ako. "Tumigil ka nga,baka may makarinig sayo at pag-isipan pa akong nagpapantasya"

Umingos naman ito. "Naku! Kung si Angelika lang naman! Todo papansin 'yon sa mga sir natin lalo na kay Sir Leandro! Mas maganda ka doon kaya okay lang na magpantasya"

Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng 'to. Imbis na magtupi ng damit na maayos ay kanina pa siya gulo ng gulo. Hindi tuloy kami matapos-tapos sa mga ginagawa namin.

"Alam mo,tapusin nalang natin ang mga 'to baka bukas pa tayo matapos kung magchichismisan lang tayo"

Tumitig lang ito sa akin at ngumisi. "Alam mo, huwag mong na ibahin ang usapan. Lumilihis ka lang,e"

Gusto ko na talaga supalpalin si Lane. Konti na lang talaga makakatikim na sa akin ang babaeng 'to. Seryoso ako!

Nanahimik nalang ako pero hindi parin tumigil si Lane. "'Di mo ba pansin mga tingin sa'yo ni sir Leandro? Kaninang napadaan tayo sa pool side parang kulang nalang gahasahin ka,e"

Halos maubo naman ako sa sinabi nito. "Manahimik ka!"

Isa pa ang bagay na 'yon. Ang akala ko ay ako lang ang nakapansin sa kakaibang pagtitig sa akin ni Leandro. Kahit kaninang pagsilbihan namin sa hapag-kainan ang mga ito ay hindi niya inalis ang titig sa akin. Ultimo pagsubo nito ay sa akin parin nakatuon ang mga mata. Nailang tuloy ako at umalis na doon kanina. Nakuha ko pang magpapalit nalang kay Shel para lang maiwasan ang titig ni Leandro.

"Ayus rin kayo,a?"

Sabay kaming napalingon ni Lane sa kakapasok na babae. Gusto kong umalis nalang doon nang makita ko sina Angelika and her frogs. Nakataas pa ang kilay nito sa aming dalawa ni Lane. Ayoko ng away kaya ako nalang ang umaalis pero hindi pa kami tapos sa pagtutupi kaya hindi ako pwedeng umalis nalang. Si Lane kasi e! Kanina pa dapat kami tapos dito.

"Ano nanamang problema mo,bruhilda?" Ganting pagtataray naman ni Lane.

Wala pa naman dito si Shel kaya walang magbabawal kay Lane.

Umirap lang si Angelika kay Lane at sa akin tumuon ang atensyon. "Ilusyunada ka rin e'no?" Pagtataray nito.

"Anong gusto niyo,Angelika?" Ayokong makipag-away pero sumusobra na talaga siya.

Ilusyunada? Ako? Sino sa amin ang ilusyunada kung siya itong nangangalat na may nangyari na sa kanila ni Sir Leandro. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kaalamang 'yon kahit na hindi naman ako sigurado kung totoo ba o sinapian lang 'tong babaeng 'to.

Umismid lang si Angelika sa akin. "Anong pinagchichismisan niyo na gusto ka ni Leandro?"

Hindi na ako nabigla nang wala manlang 'sir' ang pagtawag nito kay Leandro. Rinig ko pa nga ito nang minsa'y mapadaan ako sa tabi nila, ang tawag pa nito kay Leandro ay 'baby'. Gusto ko manabunot nang araw na 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Wala ako—" hindi niya ako pinatapos.

"Harrietta,rinig ka namin"

Tumayo na lang ako at umiling. Wala akong mapapala rito.

Napadaing naman ako nang bigla na lamang hawakan ni Angelika ang braso ko ng mahigpit. "A-angelika,nasasaktan ako"

Paniguradong magpapasa 'yon mamaya.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now