Kabanata 23

29.4K 538 19
                                    

Tumagal kami ng tatlong linggo ni Leandro sa Manila. Hindi ko magawang magtanong kung hanggang kailan kami rito.

"Ate,may tumawag kanina sa telepono,ikaw ang hinahanap"bungad sa akin ni Erriah pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto. Inalis ko ang kamay ko sa aking buhok na nagbabalak sanang ipusod,ibinaba ko ang suklay na kagat kagat ko sa malapit na lamesa.

Tumingin ako sa kapatid ko na nakakunot noo. "Ako? Sino raw?"

"Hindi sinabi ang pangalan pero pinapasabi na mag-ingat ka raw. Boses lalaki"aniya na siyang lalong nagbigay kunot noo sa akin.

Lalaki? Who's the caller could be? Wala naman akong ibang lalaking kilala maliban kina Leandro at ang mga kaibigan nito.

"Should we tell this to kuya Leandro?"

Umiling ako. "Ayoko ng dagdagan pa ang alalahanin niya. That must be a prank call. Huwag nalang natin pansinin"

Ngumuso siya at sumang-ayon nalang din. Narito na siya simula ng magparty kami sa isang bar,buti nalang at hinayaan ni Zarria 'yon dahil halata naman sa dalaga na aliw na aliw ito sa aking kapatid. Halos gawin na nitong manika si Erriah kung mabihisan siya nito.

"Magpadeliver nalang tayo. Anong oras umalis si Leandro?" Nagtungo ako sa kusina,nakasunod lang naman si Erriah sa akin habang bisa na sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. Napailing ako. Masyado siyang kinukunsinti ni Leandro kaya botong-boto naman ang tinamaan ng magaling kong kapatid rito.

"Around 6,ang sabi pa niya ay huwag muna tayong lalabas. Wala naman siyang binanggit about sa pagkain na atin. Saka maghahanap ka pa ba ng ibang pagkain at mag-aaksaya pa para magpadeliver kung punong-puno naman 'yang ref niya"

Nilingon ko siya,lumapit ako sa kaniya at hinablot ang cellphone na hawak niya. "Gusto ko ng pizza kaya magpapadeliver tayo,tsaka..." tumingin ako sa cellphone niya,"Sino ba 'tong katext-"natigil ako ng makita ko kung sino ang katext niya. "Bakit katext mo si Zarrick?"

Kitang kita ko kung paano pumula ang maputlang pisngi ni Erriah,nagsalubong ang kilay ko. Kinilatis ko ang kaniyang ekspresyon. "Kasi ano...k-kasi nagreply siya!" Saka siya umiwas ng tingin sa akin at nilaro-laro ang kaniyang daliri.

"Erriah" puno ng pagbabanta kong tawag sa kaniya.

Hinablot niya sa akin ang cellphone niya pagkatapos ay dali-daling tumakbo palabas ng kusina. "Tatawag ako sa Greenwich, papadeliver ako ng pizza mo!"

Napailing ako at naghalungkat nalang sa ref ng pwede naming makain. Ano kayang oras uuwi si Leandro,alam kong pagod nanamang uuwi 'yon dahil sa pag-aasikaso sa Visa namin. Nang una'y hindi ako sang-ayon sa suhesyon niyang mangibang bansa pero we left with no choice. Kailangan naming umalis ng bansa para sa tahimik na buhay.

Ilang sandali rin naman ay tumunog ang doorbell,hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at agad ko nang tinungo ang pintuan ng unit. Bumungad sa akin ang isang delivery boy na may nakalahad ng box ng pizza. Marahil ay nakatawag na si Erriah at nagpadeliver na. Ngumiti ako pagkakita ko palang roon. Akma ko ng kukunin nang maalala kong wala pala akong pera.

"Wait lang kukuha lang ako ng pera" bumalik ako sa kwarto at kumuha ng pera,pagkabalik ko roon ay agad kong inabot ang box at nagbayad.

Napansin ko ang panandaliang pagtitig sa akin ng delivery boy,nakaface mask ito at nakakupa ng itim. Mabilis siyang tumalikod kaya napailing nalang ako. Napaparanoid na ako magsimula ng mangyari ang muntikang aksidente namin ni Leandro nang magbar party kami. Tatalikod na rin sana ako nang biglang humarap muli ang lalaki at halos mabigla ako ng makita ko ang mata niyang puno ng pag-aalala.

"Mag-iingat ka" aniya pagkatapos ay iniwan akong tigagal roon.

Ilang segundo akong nanatiling nakatayo lang doon. Napatili ako nang may humawak sa balikat ko kaya agad kong nilingon 'yon.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now