"Maupo ka, hija!" Ani ng mama niya.

Umupo kami ni Gage doon sa bakanteng upuan.

"So.." Kinikilig na panimula ng babaeng naka pula, kapatid siguro ni Gage. "I'm Faith.." Pakilala niya sa akin sabay abot ng kamay niya sa akin. Bahagya akong tumayo upang maabot ang kanyang kamay. "Sister of Gage." Sabi niya ng maabot ko ng tuluyan ang kanyang kamay. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti siya pabalik. Mukha talaga siyang dyosa.

Tumikhim ang mama ni siguro ni Gage, "You are?" Tanong niya sa akin.

"Hello.." Kinakabahan akong ngumiti. "Good evening po! I'm Amber Zamora!"

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nagpapasalamat ako ng hindi ako pumiyok o nanginig. Umupo na ako.

"Ang ganda mo naman at simple pa. Nakakainlove nga naman talaga." Ani ni Faith, kapatid ni Gage.

"Thank you po!" Tumawa ako ng mahina. Habang inilalagay ng mga waiter ang mga pagkain sa table.

"Uuwi na ako." Bulong ko kay Gage.

"Hindi pwede." Ngumiti siya.

"Bakit?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay kumindat lang siya. Nakiliti ako ng sobra. Kinabahan ako lalo.

"Finally, nakilala din kita amber.." Sabi ng isang matandang babae, lola siguro ni Gage. "Palagi ka kasing kwinekwento sa amin ni Gage." Gage cut her off.

"Lola!" Putol neto sa lola niya.

Tumawa silang lahat.

Kwinekwento niya ako sa kanila. Bakit naman kaya? Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi naman kaya lahat ng babae niya ay naikwekwento niya rin? Bakit naman niya ako ikwekwento?

"Magaling talaga pumili ang anak ko. Nagmana talaga sa akin." Biglang singit ni Mr. Dela Vuesta. Humalakhak naman silang lahat. Siniko ni Mrs. dela Vuesta ang kanyang asawa.

"Bagay kayo ng apo ko, hija." Sambit naman ng matandang lalaki, Marahil ay lolo ni Gage.

"Nako! Hindi po." Mapait akong tumawa.

"Lolo!" He retorted again.

Nagsimula na kaming kumain at masasabi kong napakasimple lang nilang pamilya kumpara sa ibang mayayaman na pamilya. Hindi mo aakalaing mayayaman sila. Tinuloy naman ang pagkwekwentuhan habang kumakain.

"Kamusta naman ang pagaaral ni Gage, Amber?" Tanong sa akin ni Mr. dela Vuesta.

Pasimple akong siniko ni Gage.

"Uhm.. O-okay naman po siya." Kung alam niyo lang po. Yang anak niyo ay ubod ng landi. Ayoko naman maging bastos sa harapan nila kaya pinagtakpan ko na lang.

"Are you sure? Wala namang kalokohan na ginagawa?" Sumingkit ang mata ni Mrs. dela Vuesta ng tinanong niya sa akin yun.

"Marami po--" Bigla akong siniko ni Gage. Nakita naman yun ni Faith kaya humagikgik siya. "I mean.. W-wala po." Wala pong araw na hindi siya lumalandi.

"Seriously, ang cute niyo tignan!" Nangingisay na sabi ni Faith. "Austin, ingatan mo 'yang girlfriend mo! Kakalimutan kong kapatid kita pag sinaktan mo yan." Pangiti ngiti niyang sabi habang uminom ng juice.

Bigla naman akong humagalpak sa tawa. Namilog naman ang mga mata nila sa akin. Napahinto ako ng maisip kung ano ang nagawa ko.

"S-sorry.." Nahihiya kong sinabi. Tumawa naman silang lahat. Nalaglag naman ang panga ko. Ang katabi ko naman ay nakakakilabot na tumawa. Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan ko. Mas lalong bumilis ang puso ko.

Broken StringsWhere stories live. Discover now