Nasa table namin sila kasama si Ryder, Spencer, at Gage. Umirap ako. Akala ko ba ay hinahanap niya ako? Dapat pala ay hindi na ako bumalik. Agad akong nahanap ni Savannah.

"Amber!" Sigaw niya sa akin.

Tumingin naman silang lahat sa akin. Pati si Courtney na kanina ay nakikipag bulungan kay Gage.

"Hi!" Bati ko sa kanila at ngumiti. Ngumiti kahit naiinis ako.

Bahagyang umayos sa pagkakaupo si Gage at itinulak ang kamay ni Courtney na nakapulupot sa kaniyang braso. Inirapan ko silang dalawa. Nag ngiting tagumpay naman si Courtney. Anong problema ng bruhang ito?

Hindi na ako nag abalang umupo dahil napagdesisyonan kong umuwi na lang.

"Uuwi na ako.." Pauna ko.

Umiling si Gage. "No."

Sumabat naman si Courtney, "You can go. Bye!" Humagikgik siya ng napaka arte.

"Am I talking to you?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ulit ako kay Gage at Ryder, "Aalis na ako." Sabi ko ulit.

"Sinong maghahatid sayo?" Tanong ni Ryder.

"Yung driver namin."

Bahagyang tumawa si Ryder at umiling, "No!" Tumatawa siya habang kinakaway ang aking cellphone.

Paano napunta ang cellphone ko sa kanya? Mabuti na lang pala at mayroong passcode. Pero kahit may passcode yun ay wala ka namang makikita doon. Wala namang sikreto yun.

"Paano?" Tanong ko. Kumindat si Gage sa akin. "Paano mo nakuha?"

Tumayo si Gage mula sa kanyang upuan. Sumimangot naman si Courtney. Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Lumakad papunta sa likod ko si Gage. Hinawakan niya yung balikat ko. Napatalon ang puso ko sa gulat. Eto na naman yung kuryenteng nakakakiliti. Kinikiliti bawat parte ng sistema ko.

"Hindi ka pwedeng umalis. Okay?" Bulong niya sa akin. Nakiliti ang sistema ko mula ulo hanggang paa.

Tinulak niya ako ng konti para makapaglakad. Pinilit kong tanggalin yung kamay niyang nasa balikat ko dahil hanggat hawak niya ang balikat ko ay patukoy pa rin yung kuryenteng nararamdaman ko.

"Wag mo ng tanggalin. Wag makulit." Bulong niya sa akin. Mas umaapaw yung boses niya kaysa sa malakas na music.

"Saan ba mo ba ako dadalhin?" Tanong ko pero hindi niya narinig dahil sa lakas ng party music.

Dinadala niya ako sa isang table. Pamilyar ang isang babaeng naka red. Tumingin siya sa gawi namin at nakitang yung kaninang babaeng maganda ang nasa harapan ko ngayon. Ngumiti siya sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit niya ako nginitian dahil hindi naman niya ako kilala. Tumingin ako sa likod ko at naalalang hawak pala ni Gage ang balikat ko. Tumingin si Gage sa akin at ngumiti. Binigyan ko siya ng hitsurang 'bakit mo ako dinala dito?' Ngunit kumindat lang siya sa akin. Nanlamig ang buong katawan ko. Buti na lang nakahawak pa sa balikat ko yung mainit at malambot na kamay ni Gage. Pasimple kong pinilit na tanggalin ang kanyang kamay na nakahawak sa balikat ko pero hindi ko kinaya dahil kinakabahan ako dahil biglang nagsalita ang isang makisig na lalaki.

"Son!" Biglang niya. Napagtanto kong ama ni Gage ito. Tinignan niya ako at ngumiti. Kinagat ko ang labi ko para iwasan ang pag nginig ng labi ko.

"Dad! Mom!" Bati ni Gage.

Tumingin lang ako sa kanila. Nagtataka kung bakit ako naririto. Ngumiti silang lahat sa akin. Humagikgik naman yung babaeng magandang naka kulay pulang damit. Namukhaan kong siguro ay pamilya niya ang mga naririto. Lolo, Lola, Papa, Mama, at kapatid niya ang mga naririto sa table na 'to.

Broken StringsWhere stories live. Discover now