Chapter 9 - Kakaiba

22 11 0
                                    

Hey guys! If ever you have comments and suggestions.. para sa mga next Chapters, ur free to comment!👍👍👌👌 malay nyo po mapa sama sa story ko ang suggestions nyo😊😊😊Thanks  for still reading!👍👍👍💓💓💓

Nagsigawan sila habang pataas ng pataas ang paglipad ng Unicorn. Feeling nila nasa roller coaster sila sa isang carnibal.

Mula sa taas ay nakikita nila ang mga bundok at ilang parte ng kabahayan sa ibaba. Nakakasabay din nila ang mga ulap at halos mahawakan na nila.

"How about the people down there?" Si Mitzy ng mapatingin sa ibaba. Di pa sila gaanong mataas at makikita pa sila kung sakaling tumingala ang mga Qtao.

"Oh they won't see a thing," si Scarlett, "only we, magic folks can see things like this," paglipad nila dala ng mahabang walis tinting.

"Diba nga ni-reveal lang namin sila kanina gamit ang mga Gabay?" Pag papa alala ni Aqua.

"Mahaba ba ang paglalakbay ulit natin tita? 'Coz I can live here forever," si Crysthal na naka taas ang dalawang kamay at fini-feel ang bawat ulap na dumadaan dito.

"No, actually . . . May dadaanan lang tayo. Your first magical shopping," ngiti ni Aqua na nagpa ikot ikot sa ere na parang bata.

Nag enjoy sila sa mga tanawin at sa samyo ng malalamig na ulap sa balat nila. Halos kalahating oras na sila naglalakbay sa gitna ng bahaghari ng umabot sila sa mataas na parte nito kung saan natatabunan na ng ulap ang daanan at wala na sila halos makita.

"Ate Mitzy?" Si Crysthal ng walang mahagilap sa mga kasama ay nag panic.

"I'm here, where are they?" Sa di kalayuan ay narinig ni Crysthal. Maya maya'y nagsalita narin ang iba kahit pa di nila maaninag manlang kung nasaan ang mga kausap.

"Ayun na yata?" Si Charlemaign na nauuna sa lahat ay may naaninag ang sa mga ulap na unti-unting nawawala ang isang di kalayuan na tila ba City.

Nagtinginan lang ang mga nakangiting sina Aqua at Gerard.

May mga nakita silang mga babae at lalaki na nasa bukana ng animo'y syudad sa laki ng makulay na lugar na para bang nag aanyaya sakanila.

"Maligayang pagdating sa bayan ng Musiterika," sabay sabay na kumanta ng pagbati ang apat na lalaki na naka dilaw, berde, puti at asul. Ganun din ang tatlong babaeng naka pula, itim at violet.

Yumuko ang mga Unicorns at sabay sabay silang bumaba mula dito. Ngumiti sila at pumasok sa malawak na arko nito. Pagpasok nila ay kaliwat kanan ang musika, may mga banderitas na kulay ng mga bahaghari at mga streamer na lumulutang sa kaliwa't kanan.

Sari saring establishimento na may kanya kanyang paninda at mga saliw ng musika na napaka sarap sa tengang pakinggan ang kahit na sa iba't ibang building pa nanggagaling ay parang iisa lang ang musikang tinutugtog nila.

May mga tindahan ng magic wands, broomsticks, musical instruments, potions at kung ano ano pa ang nadadaanan nila.

"So amazing," si Amethyst na di malaman kung ano ang unang titignan.

Karamihan sa mga nandodoon ay naka robe ng itim at iba ibang kulay ng pointed hats. Mga magulang na kasama ang mga anak nila at namimili. Karamihan ng mga bata ay halos kasing edadan nila.

"Doon tayo," si Scarlett, naka turo sa isang malaking establishimento na may dalawang gumagalaw na maniquin na mukhang witch at wizard. 'Maria's Robes'  nakita nila ang malaking sign nito sa tuktok ng two storey building, "we have to buy your first robes," sabi nya ng makarating sila doon.

Maraming tao sa loob nito. Kaliwa't kanan at sari saring disenyo ng mukhang mamahaling mga dress robes na puro itim. Ang iba ay may golden laces ang iba naman ay sari sari ang kulay.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now